Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ni Sir Apollo ay biglang natigilan ako nang makita na may tao na nasa harapan ng kwarto ko. Malakas na napasinghap pa ako nang makilala kung sino ito. "Z-Zeus..." utal na pagtawag ko sa kanya para matigilan siya sa pagkatok sa pintuan, "N-Nandito ka pala..." nag-aalangan ko pang dagdag. Agarang napalingon sa aking kinaroroonan si Zeus. Nakita ko pa ang pag-rehistro ng matinding sakit sa mga mata niya nang malaman na nanggaling lang naman ako sa kwarto ng aming boss. Dahil sa naging reaksyon na iyon ni Zeus ay hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng pagka-guilty. Wala naman talaga nangyari kung ano sa amin ni Sir Apollo pero alam ko na mali pa rin ako sa aking ginawa. Hindi ko dapat gawin ang mga bagay na ito lalo pa na may katulad ni Zeus na siyang