Mariing napakuyom ako ng aking kamay nang mapagtanto na marahil nanadya nga si Sir Apollo. Na talagang pinatawag niya lang ako rito para pahirapan. Hindi ko akalain na ganoon siyang kapikon na tao. Na gagamitin pa talaga niya ang kanyang posisyon para makaganti sa akin dahil lang sa nagkamali ako ng akala na kakilala ko siya. Pero kung iisipin ay ganoon na ba talaga ka-big deal ang ginawa ko na iyon? May pagkakataon naman talaga di ba na may napagkakamalan ka nakilala mo? Baka naman kaya ginagawa niya ito dahil sa pag-aakala niya na isa ako sa mga baliw na tagahanga niya. Na pahihirapan niya ako hanggang sa mabura sa isipan ko ang pagtingin na iyon sa kanya. "Hey, did you hear what I said?" nainip na paggising pa sa akin ni Sir Apollo mula sa aking pagkatulala sa kawalan. Nahihiyan