Kinabukasan... Malawak na napahikab at inaantok na kinusot ko ang aking mga mata habang naghahanda ako na pumasok muli sa opisina. Sinubukan ko pa na iunat ang katawan ko pero talagang nagrereklamo na ito mula sa mga naipong pagod dahil na rin sa ilang oras na pagtra-trabaho ko kahapon. Kulang na nga lang din ay hilahin ako pabalik ng aking kama para makakuha ng mas mahaba pang pahinga. Paano ba naman ay mga hating gabi na yata ako pinakawalan ni Sir Apollo. Pinasuyod kasi niya sa akin ang lahat ng files na mayroon ang kompanya na may kaugnayan sa JV Industries. Sa ganoong paraan ay madidiskubre niya kung sinu-sino pa ba ang mga involved na empleyado sa anumalya na iyon. Kaya halos magsisi ako dahil lalo ko lamang pinarami ang pinapagawa niyang trabaho sa akin kagabi. Ngunit kung hindi