Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap namin ni Zeus tungkol sa aking natuklasang anumalya ay mga tahimik na nag-biyahe at pumasok kami sa aming trabaho. Pareho pa namin na iinasahan na pagkapasok pa lang sa entrance ay may nagaganap ng kaguluhan doon. Pero pagdating namin sa tapat ng kompanya ay kataka taka na tahimik pa rin ang loob nito. Nagtatakang nagkatinginan tuloy kami sa bawat isa ni Zeus. "Mukhang wala pang ginagawa si Sir Apollo para mahuli sila," komento na lang ni Zeus, "Kaya mas mabuti na wala muna tayo pagsabihan sa nalalaman natin. Lalo na hindi natin alam kung paano ang gagawin niya para mahuli silang lahat." Nauunawaang napatango naman ako ng aking ulo. Sa dami nga naman ng mga sangkot ay hindi magiging madali ang paghuli sa kanilang lahat. Baka mamaya pa ay makatakas at m