Dream 5

2146 Words
Kinabukasan... Nagising ako na halos hindi ko maigalaw ang aking katawan mula sa kama. Hindi ko alam pero kahit isang panaginip lang ang nangyayari sa amin ni Apollo ay tila nararamdaman ito ng aking katawan. Ngayon ay napakasakit ng aking balakang mula sa buong gabi na pangro-romansa niya sa akin. Mabuti na lang talaga na Sabado ngayon kundi ay mahihirapan ako na makapasok nito sa opisina ko. Akmang babalik ako sa aking pagtulog nang marinig ko ang malakas na pagtunog ng phone ko. Sinubukan ko na ignorahin ito ngunit hindi tumigil ang sinuman na tumatawag sa akin. Kaya sa huli ay naiiritang dinampot ko ang phone ko at mabilis na sinagot ito. "Hello," asar na asar pagbungad ko sa tumawag. Nakarinig ako ng ilang kalabog sa kabilang linya. (What the! Girl! Nasaan ka na?) paghahanap sa akin ni Giselle at halos mabasag ang eardrums ko mula sa lakas ng boses niya, (Don't tell me natutulog ka pa hanggang ngayon?!) "Hmmm yes? Nasa bahay nga ako? Bakit ba?" inaantok na tanong ko naman sa kanya, "May kailangan ka ba?" Nakarinig muli ako ng mga kalabog sa kabilang linya. (Hoy! Savannah! Pumunta ka na ngayon rito!) galit na paghiyaw naman ni Myca sa kabilang linya kaya nailayo ko sa aking tenga ang hawak kong phone. "Ang aga aga gusto niyo na agad na basagin ang tenga ko," asar na singhal ko sa pangungulit na iyon ng mga kaibigan ko, "Pwede ba bukas na iyan? Pagod ako." (Anong bukas bukas?) tuluyang nagalit nang sambit ni Myca, (Nakalimutan mo ba na ikakasal ako ngayon?! At talagang wala kang balak na pumunta sa kasal ng kaibigan mo ha?) Sa sinabi na iyon ni Myca ay bigla ako nahimasmasan at nawala ang lahat ng aking antok sa katawan. Pagkatapos ay sunud sunod na napamura ako nang maalala na may pupuntahan nga pala ako na kasal sa araw na ito. (Savannah, pumunta ka rito kung ayaw mong kalimutan ko ang sampung taon na pagkakaibigan nating dalawa,) mariing pagbabanta pa ni Myca bago tinapos ang tawag. Sa banta niyang iyon ay agarang napabangon ako mula sa kama at mabilis na tumakbo papasok ng banyo. Anuman ang mangyari ay kailangan ko na makapunta sa kasal na iyon. Dahil si Myca pa naman ang tipo ng tao na hindi marunong makalimot sa mga kasalanan sa kanya. Sa loob ng sampung taon na pagkakaibigan namin ay napakahaba na yata ng listahan niya ng mga kasalanan ko sa kanya. At mukhang madadagdagan pa ito kapag hindi ako nakapunta sa kasal niya. "s**t!" Buhos lang yata ang naging ligo ko at dali dali na isinuot ang damit na inihanda ko sa kanyang kasal. Nang matapos sa aking pag-aayos ay halos madapa pa ako para lang mabilis na makalabas ng bahay. Pagkatapos ay nagmamadali na pinara ko ang napadaan na taxi. Mabuti na lamang ay hindi gaano ka-traffic ngayon sa daan. Kundi ay talagang mawawalan ako ng isang kaibigan sa araw na ito. Kaya nang makarating ako sa paggaganapan ng kasal ay patakbo na pinasok ko ang loob ng simbahan. At agarang nakahinga ako ng maluwag nang malaman na hindi pa naman tapos ang seremonyas ng kanilang kasal. Dahil doon ay mabilis na hinagilap ko kung saan nakaupo si Giselle. Nang mahanap ko naman siya ay agarang nilapitan ko siya at tumabi sa kanya. Nang makita naman ako ni Gisella ay galit na pinandilatan niya ako ng mata at bahagyang kinurot pa sa aking tagiliran. Tila sinasabi pa ng kanyang mga mata sa akin na 'Humanda ka sa amin mamaya'. Nahihiyang napangiti na lang ako sa nangyari. Pagkatapos ay masayang itinuon ko ang aking tingin sa harapan para masaksihan ang pinapangarap na araw na ito ni Myca. Ngunit habang nanunuod ako ng seremonyas ng kasal ay hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaibigan ko na nakahanap na ng kanilang mga kapareha. Si Giselle kasi ay dalawang taon ng kasal at masaya ng maybahay. Si Myca naman ay maswerteng ikinasal sa araw na ito sa long time crush niya. Kaya kitang kita ang saya sa mga mata ng aking dalawang kaibigan dahil sa buhay na mayroon sila ngayon. Ngayon ay ako na lamang ang natitirang single sa aming magkakaibigan. At ang nag-iisang virgin at NBSB sa aming lahat. Natapos seremonyas ng kasal sa isang halik na pinagsaluhan ng bagong mag-asawa. Doon ay dumagundong ang malalakas na palakpakan naming lahat para batiin silang dalawa. *** Pagdating namin sa reception ay agarang nakatanggap ako ng sunud sunod at malalakas na hataw mula kay Myca. Talagang pinaramdam niya sa bawat hampas ang sobrang pagkagigil sa akin dahil nakalimutan ko ang kasal niya. Galit na galit siya dahil kung hindi pa nila ako tinawagan ay baka hindi ko nagawang makarating sa espesyal na araw na ito. "Savannah! Ganoon ba kadali kalimutan ang araw ng kasal ko ha?!" nagtatampong singhal pa sa akin ni Myca. "Sorry na talaga, Myca! Pagod lang ako kagabi. Alam mo naman na month end ngayon sa office kaya ngarag ako," pagrarason ko. Ngunit lalong tumalim ang tingin ni Myca sa akin. "Kaya nga maaga na kita sinabihan eh!" singhal muli niya. Ilang beses naman ako humingi muli ng tawad sa kanya. Ngunit talagang itinatampo ni Myca ang nangyari. Malakas na bumuga ako ng hininga. Isa na lang ang naisip kong paraan para maibsan ang pagkatampo niya sa akin. "Sige, ano ba ang gusto mong gawin ko para patawarin mo na ako?" pagsusumamo ko sa kanya. Inirapan muna ako ni Myca bago nakasimangot na naghalukipkip ng braso. Ngunit alam ko na nakuha ng sinabi ko ang interes niya. "Hmmm... Lahat ng hihilingin ko?" pagkumpirma pa niya at sinimangutan ako. Itinaas ko ang kanang kamay ko na para bang nanunumpa. "Oo nga!" pangako ko pa, "Kahit ano pa iyan!" Ngumisi si Myca at malambing na kumapit sa aking braso. "Kung ganoon, tatanggapin ko ang offer mo na iyan. Alam mo naman na isa lang ang gustung gusto ko na hilingin sa iyo," makahulugan na sambit ni Myca na siyang ikinatigil ko sa aking kinatatayuan, "Iyon ay ang makipag-date ka sa kapatid ko," umaasang paghiling niya. Noon pa man ay alam ko na matagal ng may gusto sa akin ang kuya niya na si Kuya Glyden. Kaso ang problema ay hindi ko naman siya nakikita sa ganoong paraan. Idagdag pa na kapatid siya ng isa sa aking matalik na kaibigan para i-date ko siya. Awkward para sa akin iyon. "Tch!" hindi natutuwang bulalas ko. Niyugyog naman ni Myca ang balikat ko. Alam ko na umaakto siyang ganito dahil sa nagkatuluyan sila ng long-time crush niya. Kaya sa pananaw niya ay baka matulad ang kuya niya na matagal na rin na may gusto sa akin. "Dali na! Try mo lang kasi i-date si Kuya Glyden. Malay mo naman mahulog din ang loob mo sa kanya at maging sister-in-law kita," pagpupumilit pa ni Myca sa akin. Malalim na napaisip naman ako. Kung ako ang papipiliin ay siyempre ayoko. "Savannah! Ang sabi mo kanina ay gagawin mo ang hihilingin ko di ba?" pagpapaalala pa ni Myca at mariing tinitigan ako sa mata, "Come on!" Napasimangot ako dahil pakiramdam ko ay naisahan niya ako roon. Na ginamit niya ang oportunidad na iyon para paglapitin kami ng kuya niya. "Fine," pagsuko ko na lang sa hinihiling niya dahil sa may kasalanan din naman ako sa kanya, "Date lang naman. Hindi ko naman siguro ikakamatay iyon." Napahalakhak si Giselle sa komento ko na iyon. "Ay grabe siya. Mukha bang serial killer si Kuya Glyden para mamatay ka. Paalala ko lang ng crush ng bayan si Kuya Glyden at maraming babae ang mag-aabang sa kanya," tumatawang pagpuna ni Giselle, "Kaya kilos kilos ka na kasi diyan at baka maagawan ka pa, Savannah. Hindi ka na kaya bumabata at kailangan mo na rin maghanap ng lalaki na mapangangasawa." Napangiwi ako nang marinig na naman ang komento na iyon. Ganoon na ba kasi ako katanda para sabihan nila na hindi na ako bumabata? "Pumayag na nga ako di ba?" pairap na turan ko na lang, "Basta date lang ito baka mamaya kasi ay pilitin niyo pa ako na pakasalan siya." "Hahaha ang OA mo!" pagpuna ni Giselle, "Pero maganda kaya kung mauwi sa kasalan ang first date niyo 'no." "Oo nga naman, Savannah. Magiging part ka ng aming family kung nagkataon," nangangarap na komento pa ni Myca. Ngunit dahil nasa reception kami at si Myca ang ikinasal ay kailangan namin putulin na ang usapan na iyon. Doon ay naupo na kami ni Giselle sa nakareserbang mesa habang nagtungo naman sa gitna ng event place si Myca kasama ang kanyang asawa. Pero hindi ko alam pero tila sobrang napagplanuhan na ni Myca ang kasal niyang ito. Isinama lang naman niya sa aming mesa ang kanyang kuya. Hindi naman masyadong halata na gustung gusto niya na magkatuluyan kaming dalawa. Nang-aatig na siniko siko naman ako ni Giselle sa aking tagiliran para asarin. Habang nagpapa-charming naman sa akin si Kuya Glyden. Kanina ko pa napapansin ang panakaw nakaw niya ng tingin sa aking gawi. Pilit naman ako na ngumiti at nagkunwari na hindi alam ang ginagawa niyang iyon. Hindi ko naman kasi maaaring sirain ang okasyon dahil importante ang araw na ito kay Myca. Malakas na tumikhim si Kuya Glyden. "Savannah, long time no see," lakas loob niyang pagbati sa akin. Pilit na nginitian ko naman siya. "Long time no see po, Kuya," pagdiin ko pa na nakakatandang kapatid siya ng kaibigam ko. "Gylden na lang ang itawag mo sa akin," pagtama pa niya, "Dalawang taon lang naman din ang pagitan ng edad natin di ba?" "Mas matanda ka pa rin kaya mas mabuti na tawagin kitang kuya," inosenteng pagrarason ko naman sa kanya. Dahil doon ay nakaramdam muli ako ng pagsiko kay Giselle. Nang lingunin ko siya ay pinandidilatan niya ako ng mata. "Well... Sige... Glyden na lang ang itawag ko sa iyo," pagpayag ko na lang din sa huli. Sa sinabi ko na iyon ay kumislap ang mga mata ni Ku—Glyden. "I heard na nagtra-trabaho ka sa opisina," pagpapahaba pa ni Glyden ng aming usapan, "What company?" Itinango ko naman ang ulo ko. "Yes. Accounting assistant ako ngayon ng Mijares Corporation," pagbibigay alam ko. Kita ang pagkamangha sa mukha ni Glyden nang malaman iyon. "Woah... Mijares Corporation? That's cool. May mga colleague ako na sumubok na mag-apply doon pero masyadong mataas ang standards nila," komento pa ni Glyden. Itinango ko ang ulo ko para kumpirmahin na hindi nga madali na matanggap sa kompanya namin. Kaya wala akong pinagsabihan na hindi talaga ako dumaan sa pag-apply sa kanila. Nang grumaduate kasi ako ng university ay nakatanggap ako ng job invitation mula sa kanila. Akala ko ng una ay scam lang iyon kaya hindi ko pinansin. Hanggang sa muling kontakin nila ako at nakiusap na tanggapin ko ang job offer. Dahil sa kilala nga ang kompanya na iyon sa buong Pilipinas ay sino ba naman ako para tanggihan pa iyon. Muling nagpatuloy lamang sa pagkausap sa akin si Glyden. Sa totoo lang ay wala naman ako ibang isyu sa kanya bukod sa may gusto siya sa akin. "Is it alright with you to meet me sometimes?" umaasang tanong ni Glyden habang sobrang namumula ang mga tenga, "Kain tayo sa labas kapag off natin sa work?" Alam ko na galawan niya iyon para ayain ako sa date. Naramdaman ko naman ang pasimpleng pagsipa ni Giselle sa akin sa ilalim ng mesa. Para bang pinapaalala nito ang kasunduan namin ni Myca kanina. Dahil doon ay malakas na napabuntong hininga ako. Bigla ko tuloy naalala si Apollo at inisip ang mararamdaman niya kung makikipag-date ako kay Glyden. Pero sa kabilang banda ay isang date lang naman ito at wala naman akong balak na bigyan pa ng kaunting pag-asa si Glyden. Kailangan ko naman din kasi klaruhin sa kanya na hindi ko kayang tanggapin ang pagmamahal niya sa akin. Sa ganoon ay magawa niya makapag-move on at makahanap ng babaeng mas karapat dapat sa kanya. "Okay," napipilitang pagpayag ko naman. Dahil doon ay halos mapunit ang mukha ni Glyden mula sa lawak ng kanyang ngiti. Marahil sa tingin niya ay ito ang pinakaiintay niya oportunidad para mapalapit sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty sa pagkasaya niyang iyon dahil ang plano ko ay basted-in na siya sa first date pa lang namin. Sa pagka-awkward sa kasiyahan na iyon ni Glyden ay sandali na nagpaalam ako para magtungo muna sa restroom. Ngunit sa pagliko ko sa hallway ay may nakabanggaan ako. Sa lakas ng pagkabangga ko sa kanya ay nawalan ako ng balanse. Napapikit na lang ako ng mata para intayin ang malakas na pagbagsak ko sa sahig. Ngunit bago mangyari iyon ay may isang braso na siyang humawak sa bewang ko at pinigilan ang pagtumba ko na iyon. "Sorry miss. Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ng isang baritonong boses. Sa dahan dahan na pagmulat ko ay nakatagpo ko ang mga mata ng isang gwapong estranghero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD