"Savannah?" Bahagyang naalimpungatan ako mula sa aking mahimbing na pagtulog nang makarinig ng isang pamilyar na baritonong boses. Gayun pa man ay bumaling ako ng higa para talikuran ang sinuman na umaabala sa tulog ko na iyon. Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa aking likuran at marahan na pagyugyog pa sa aking balikat para lamang gisingin ako sa aking kahimbingan ng tulog. "My love?" Inaantok na sinubukan ko na imulat ang mga mata ko nang makaramdam ang kamay niya na marahan na humahaplos ngayon sa aking pisngi. "Gumising ka, Savannah." Malamyos at nagsusumamo na pagbulong pa niya sa aking kanang tenga. Ngunit dahil sa ginawa niya na iyon ay bahagyang nakiliti ako at wala sa sarili na napatakip sa aking kanang tenga. Dahil sa patuloy na pagtulog ko na iyon ay pwersahan na ina