Pagsapit ng weekend ay wala talaga sa plano ko na umuwi sa aming bayan sa Laguna. Iyon ay dahil sa nakatanggap ako ng tawag kina mama para ipaalam ang tungkol sa biglaang pagpapakasal ng aking nag-iisang kapatid na si Sabina. Aaminin ko na talagang nabigla ako sa balita na ito dahil ang rason ay nabuntis si Sabina ng kanyang long-time boyfriend na si Anthony. Kaya bago pa tuluyang lumaki ang tiyan ni Sabina ay pinili ng mga magulang namin na ipakasal agad sila na siyang agad sinang-ayunan naman ng magulang ni Anthony. Well, inaasahan na rin naman ng dalawang panig na magpapakasal ang mag-nobyl sooner or later. Pagka-graduate kasi nina Sabina at Anthony ng college ay nagsimula na sila mag-ipon para sa kanilang kasal. Bumili na nga rin sila ng bahay na hinuhulugan nila buwan buwan. In