Pagkapasok pa lang namin sa entrance ay labis na nagulat ako nang sumalubong sa amin ang mga nakalinyang tauhan ng mall at magagalang na yumuko pa sila sa harapan ni Mrs. Mijares. "Welcome," sabay sabay pa nilang pagbati sa amin. Hindi nagtagal ay kinakabahan na lumapit sa aming kinatatayuan ang isang lalaki na sa palagay ko ay ang manager ng buong mall na iyon. Nakasuot siya ng malinis na black suit at ayos na ayos na nakasuklay patungo sa likuran ang kanyang buhok. Walang ni hibla ng buhok nito ang makikita na nakaharang sa kanyang mukha. Kaya sa pagtingin ko rin sa iba pang empleyado na nakalinya ay napansin ko na masyadong malinis at maayos ang mga itsura nila. Dahil doon ay nahihiya at palihim na napasuklay ako ng magulong buhok ko gamit ang aking pinagpapawisan na mga daliri. Nak