Pagkalabas namin ng venue ay nagkatinginan muna kami ni Zeus sa isa't isa bago mabilis napaiwas ng tingin. Nahihiyang napakamot pa ako ng aking pisngi dahil sa tinakbo ng pangyayari. Ngayon pareho kami nagkakahiyaan sa isa't isa para magsimula na mag-usap. Basta na lang kasi kami pinaalis nina mama sa loob ng venue at hindi muna hiningi ang opinyon namin pareho na dalawa. Kaya pagkalipas ng ilang sandali ay humugot ng malalim na hininga si Zeus. Pagkatapos ay malakas na tumikhim siya bago lakas loob na hinarap muli ako ng kanyang tingin. Sinubukan ko naman na umakto ng normal para harapin ang tingin na iyon ni Zeus. "Tara na, Savannah," nakangiting pag-aya niya bago naglahad ng kamay para igiya na ako paalis. Sa ganoong paraan ay maibsan ang namuong pagka-awkward sa aming pagitan. Masy