Tulala lamang ako sa kawalan nang makauwi ako sa tinitirhan ko. Wala rin ako sa aking sarili nang umupo sa gilid ng aking kama bago napatakip ng palad sa mukha ko. Hindi ko nga matandaan kung paano ko nagawa makauwi ng ligtas. Basta ang huling natatandaan ko ay sumakay ako sa kotse ni Zeus para bumalik ng Maynila. Ni hindi na kami nag-usap na dalawa sa buong biyahe tungkol sa ginawa niyang pag-amin ng damdamin sa akin. Dahil doon ay pabagsak na humiga ako sa kama at pinagkatitigan ang kisame. Umaasa ako na naroroon ang sagot sa pinoproblema ko. Kung dapat ko ba sundin ang daan na tinutungo ng tadhana sa akin? Si Zeus ba talaga ang lalaki para sa akin? Ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay mabilis na napailing ako ng aking ulo at sinampal sampal ang aking magkabilang pisngi. Nang hind