Dream 19

1775 Words

Halos alas dos na yata ng tanghali nang tapusin ng emcee ang buong programa sa selebrasyon ng kasal nina Sabrina at Anthony. Ito na rin ang nagsilbing hudyat para magsimulang mag-uwian ang bawat bisita na nasa venue. At siyempre katulad ng tradisyon ay unang umalis ang bagong mag-asawa para sa sarili nilang gagawin na selebrasyon. Marahil patungo na ngayon ang dalawa sa kanilang bahay na hinulugan nila ng ilang taon. Dahil mula sa araw na ito ay doon na sila maninirahan na dalawa. "Salamat sa pagpunta niyo, mare, pare," taos pusong pagpapasalamat ni mama sa ilang kaibigan nila na lumapit para ipaalam ang kanilang pag-alis. "Hahaha! Salamat din, mare! Nabusog niyo kami," pagbibiro naman ng mga amiga ni mama at umakto pa na nakahawak sa kanilang tiyan, "Sa uulitin ha." Malakas napahalak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD