Sandali napatigil ako sa aking pagtipa nang makaramdam ng pangangalay sa aking balikat. Pagkatapos ay napaunat ako ng likuran at hinilot hilot ito ng aking kamay para maibsan ang pananakit nito. Ngunit nang maalala ko ang mga nakapatong na daily sales report na siyang pinadala ng mga company branch ay halos gusto ko na yata maiyak. Kaysa kasi mabawasan ang mga ito ay tila padagdag ng padagdag pa yata. Tila inaalisan ako nito kahit sandali na uminom man lang ng tubig. "Urgghhh! Ang dami dami ko pang gagawin," nakangiwi kong bulong sa aking sarili, "Mukhang wala na naman akong oras para magpahinga." Napapitlag ako sa gulat nang biglang tapikin ako ni Violet. Nang makabawi sa pagkagulat ay agarang napalingon ako sa gawi niya para alamin ang kailangan niya. "Savannah, tara na," nakangiting