Ilang ulit ako napalunok habang nakatitig sa mukha ng lalaking kaharap ko. Alam ko na humiling ako kahapon ng isa pang sign para itigil ang kahibangan kay Apollo. Pero hindi ko akalain na magiging ganoong kabilis ang kahilingan ko. Dahil nasa harapan ko na ngayon ang sign na hinahanap ko. Ngayon parehong makikita sa aming mukha ang labis na pagkagulat. Dahil nangyari na naman ang hindi namin inaasahan na pagkikita na dalawa. "Eh... Zeus...? EHHH?! ZEUS?!" hindi ko pa makapaniwalang sambit at nanginginig na tinuro siya. Tila natauhan na rin siya mula sa pagkatulala at nanginginig na tinuro rin ako ng kanyang daliri. "Woah! No way! Ikaw nga ba iyan, Savannah?! Nandito ka rin sa Laguna?!" natutuwang hayag naman ni Zeus nang makumpirma na ako nga ang babaeng kaharap niya ngayon. Kaya bi