Nagpabalik balik ako ng lakad habang mariing nakakagat sa kuko ko sa aking hintuturo. Kanina pa kasi ako hindi mapirmi sa aking kinauupuan. Nag-aantay kami ngayon ng kahit anong balita tungkol sa ginagawang paghuli kay Glyden ng mga pulis. Iyon nga lang ay mga ilang oras na rin ang lumipas magmula na umalis ang mga ito magmula na makatanggap sila ng warrant of arrest para kay Glyden. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa kami natatanggap na balita mula sa kanila. Kaya walang kasiguraduhan kung ano na ba ang nangyari sa kanila. Kung nahuli o nakatakas ba si Glyden mula sa kanila. "Hindi pa rin po ba tumatawag sina Chief Inspector Reyes?" kinakabahang pagtatanong ko kay Sir Apollo, "Sobrang tagal naman yata nila roon? Hindi kaya natakasan na sila ni Glyden?" Marahan na hinila naman ako pabal