Pagkatapos nang madamdamin namin na paghaharap muli ni Myca ay ikinulong niya ako sa isang mahigpit na yakap. Alam ko na masakit para sa kanya ang nangyayari na ito. Dahil sa kapatid niya si Glyden at kaibigang matalik naman niya ako. Naiintindihan ko na wala siyang nais na panigan o tulungan sa aming dalawa. Na hahayaan niya na maayos ang gulo na ito sa tamang proseso. "Myca..." naiiyak ko na pagtawag sa kanya, "Pasensiya na talaga..." "Sssh! Savannah," pagpigil niya sa akin na humingi muli ng tawad, "Tsaka na lang natin pag-usapan ito kapag nalaman na natin kung si Kuya Glyden nga ba ang taong sumusunod sa iyo. Iyon muna ang mas pagtuunan natin ngayon." Lumapit naman si Percy sa aming dalawa at inabutan ako nang pagkain na dala dala nila. "Savannah, kumain ka muna. Marahil nagugutom k