Katulad ng inaasahan ay naging usap usapan sa mga balita sa telebisyon at social media ang malakihang paghuli sa mga empleyado ng Mijares Corporation. Idagdag pa sa pangyayari na ito ang pagsasampa ng kaso ni Sir Apollo sa may-ari ng JV Industries dahil siya ang pinakaulo ng anumalya na nangyari sa kompanya. At siyempre todo tanggi naman ang CEO nito sa paratang na iyon kahit pa may mga nakuha ng ebidensiya at umamin na rin ang ilang nahuli na empleyado na siya ang may pakana at nag-utos sa kanila na gawin ang mga iyon. Dahil sa kaguluhan na ito sa kompanya ay ilang ulit na yata ako tinawagan nina mama, papa at Sabrina para kamustahin at alamin kung isa ba ako sa mga nahuli na empleyado. Kahit nga sina Giselle at Myca na ilang araw na ako iniiwasan ay biglang mga concern na tumawag sa aki