LAST KISS
CHAPTER SIX
Primo's point of view
It has been a very hectic month, at sa isang buwan na nakalipas ay minsan nalang kami nagkikita ni Carol dahil maski ito ay busy rin at madaming ginagawa. Sa one month na nagdaan ay maraming kaganapan na nangyari, kagaya nalang ng pagka-expell nina Brandon at ng mga kaibigan nito na kagaya niya ay mga bully rin dahil in-encourage nina Mommy at Daddy ang mga estudyante pati na rin ang mga magulang ng mga estudyanteng binu-bully ni Brandon ng mga kaibigan nito.
Buti nalang at naglakas-loob na ang mga estudyanteng binu-bully na kagaya ko na magsalita at tumistigo na laban kina Brandon para mapa-expell ang mga ito. Maski si Carol din ay tumulong at nag-volunteer na tumistigo sa nakitang walang kahiyaan at kabulastugan na pinaggagawa ng mga bully na katulad ni Brandon.
Alam kong ang mga ito ngayon ay mahihirapang makahanap ng bagong unibersidad na papasukan dahil may case na ito, at bullying pa.
Doon ko nalang nalaman na tinuloy pala talaga nina Mommy at Daddy ang pagrereklamo nang inanunsyo at bali-balitang pina-expell na sina Brandon.
Isa din sa mga nangyari noon nakalipas na isang buwan ay kagaya nalang din ng pagsabay ng pagkain tuwing lunch ni Carol, Yes, Sabay na kaming kumakain tuwing lunch. Napansin niya raw kasi na kapag dumadaan o napapadaan siya sa department building namin ay nakikita niya akong kumakaing mag-isa sa room. Ang mga ka-klase ko kasi ay doon sa Canteen kumakain o ‘di kaya naman ay sa labas sila kumakain. That’s why Carol suggested na why not magsabay nalang daw kami kumain para hindi na raw ako lonely at kawawa.
Pero noon una ay hindi ako pumayag kasi baka ma-left-out siya sa grupo nilang magka-kaibigan kapag sinamahan niya pa akong kumain tuwing lunch, atsaka okay lang naman sa akin na walang kasabay, I mean, nasanay nalang din naman akong kumaing mag-isa tuwing lunch, pero mapilit talaga si Carol and she really insisted na sabay nalang daw kami kasi ang sabi niya pa ay wala naman daw siyang kaibigan... Totoong kaibigan. At first, Ayaw ko pang maniwala sa sinabi niya, kasi naman, sa ganda, bait at talino niyang iyan ay imposibleng wala siyang kaibigan, pero ang sabi niya ay madami lang daw siyang kaibigan o naglalabasan lang mga mga ‘Kaibigan’niya kapag may kailangan ito sa kanya.
Kasi nga raw ay naiinggit ang mga ito sa kanya, I mean, Who wouldn't be? Carol is almost perfect, halos na sa kanya na ang lahat, wala kanang hahanapin pa, In short, Total package. Matalino, Maganda, Sobrang bait, marunong kumanta at sumayaw, mapagkumababa and so on and so forth, Mauubusan ka talaga ng complementary words kung ide-describe mo si Carol. At saka minsan din daw ay na-mi-misunderstood ang pagiging mabait niya, nasasabihan na siyang sip-sip, kaya nga raw siguro mataas ang grades ni Carol au dahil pasipsip ito sa mga professor nila.
But, Base on my observations, matalino lang talagang tunay si Carol at pursigido din talaga ito mag-aral, kaya hindi na ako magtataka kung ga-graduate si Carol as magna c*m laude, at higit sa lahat, mabait talaga ito, not because I am her friend and I am defending her but It’s the truth, and I am stating pure fact. She’s really nice, friendly, sweet and lovely. Hindi niya na lang daw sila iniisip dahil baka mahawaan siya sa pagka negatron ng mga ito.
Pero dahil sa sobrang mapilit nito, sa huli ay pumayag nalang din ako. Kaya naman tuwing lunch ay dinadaanan niya ako sa room namin para sabay na rin daw kami. But, hindi kami sa canteen kumakain kasi super ingay, maraming tao, and really crowded pa, kaya naman ay napag-pasyahan namin na doon nalang kumain sa may Garden since may mga bench naman doon at wala rin masyadong taong tumatambay o dumadaan doon.
At napaka-presko din ng simoy ng hangin.
Paminsan-minsan ay doon din kami tumatambay ni Carol kapag may free-time kami or kapag hindi pumapasok ang professor namin kasi sabay kaming nag-aaral kahit hindi parehas ang course na kinukuha namin, I’m taking Medicine, while she, She’s taking the course Education. We sometimes help each other with our studies.
At matagal-tagal na rin ang huli naming kain at tambay doon. Mahigit isang linggo na rin kaming hindi nakakapag-usap at nakakapag-sabay ni Carol sa pagkain tuwing lunch dahil sa sobrang busy namin at sobrang hectic ng schedule naming dalawa. But we understand and respect each other’s time.
Minsan nga ay pinapagalitan ako na ako nina Mommy at Daddy dahil nakakalimutan ko na raw kainin yung bini-bake ni Mommy na ipinapabaon sa amin, at ang mas malala pa roon ay ay nakakalimutan ko na ring kumain ng lunch. Kaya naman pag-lunch time na ay sabay-sabay na nag-ti-text sina Kuya, Ate, Mommy and Daddy para paalalahanan ako na lunch time na at kailangan ko nang kumain. Sabay talaga silang apat na nag-ti-text sa akin.
Nang makita ko si Carol na naglalakad papalapit sa gawi ko ay kakawayan at tatawagin ko na sana ito pero napansin kong parang may mine-memorize ito, halatang-halata na nag-aaral ito habang papalapit siya ng papalapit. “Carol—”my voice trailed off. I’m glad that she doesn't seem to notice it, baka madistorbo ko pa siya. Ibinibaba ko nalang ang kamay ko at nagbaba ng tingin sa librong hawak ko.
Sa sobrang focus nito sa ina-aral ay hindi na niya napansin na dumaan na pala siya sa harapan ko.
“Hoy, Bantot—I mean, Primo, Ano nga ulit tawag dito? Hindi ko kasi nadala yung libro ko, Paturo naman oh,”napukaw lang ang atensyon ko nang tawagin ng isa ko sa kaklase kong lalaki. “Ah, ‘Yan ba? Sige, Share nalang tayo ng book,”I said at tinuruan din siya at hindi lang pala ‘siya’ kundi ‘sila’. Actually, tapos na ako mag-study kagabi, dinala ko nalang yung book ko para mag-review ulit at i-recall yung mga pinag-aralan ko kagabi para hindi makalimutan once na magti-take na ako ng exam mamaya.
I actually have many friends, yes, I have a lot of ‘friends’when it’s exam or quiz time, kagaya nalang ngayon. In short lumalapit lang sila sa akin kapag may kailangan sila sa akin. Pero wala na akong magagawa, nasanay nalang din naman ako, atsaka hindi ko naman sila binibigyan ng sagot ko, instead, tinuturuan ko sila. Iba kasi talaga yung feeling na nakapagturo ka at nakatulong ka pa.
Minutes later ay pumasok na ang professor namin na siyang magpapa-exam sa amin. Nang makaupo na ako ay inilabas ko na sa bag ko ang mga kakailangan ko sa pagsagot ng exam kagaya na lamang ng ballpen at lapis. At dahil malapit ako sa bintana, paglingon ko bandang kaliwa ay nakita ko na rin ang Professor nina Carol na paakyat na ng department building nila.
Bago ako nagsimulang isulat ang pangalan ko ay nagdasal muna ako, I prayed na sana ay papasa ako sa exam, pati rin si Carol at ang lahat ng estudyanteng mag-ti-take ng exam.
Pagkatapos ng ilang oras na pag-take ng mga exam ay pinalabas na muna kami ng Classroom kasi mag-chi-check daw muna ang mga professor ng test papers namin at para rin makapag-break na rin kami kasi ilang oras din ang ginugol namin para masagutan ang mga iyon.
Paglabas ko ng room ay nakita ko ang iba kong ka-klase na umiiyak dahil pag-check nila sa libro nila, marami silang maling sagot at alam na rin nila sa sarili nilang babagsak sila. Hay, Kawawa naman. Alam kong ilang araw o oras din ang ginugol nila para makapag-aral at mag-review para sa exam namin tapos babagsak lang sila, At inaamin kong mahirap talaga ang exam namin, may mga questions na hindi namin in-expect na isasali, buti nalang at nag-advance study ako at tinulungan din ako ng Kuya ko pero may pangamba parin ako.
After our exam ay tumambay ako sa dati naming tambayan ni Carol at doon ko napag-pasyahang kumain ng snacks. Inilapag ko sa lamesa ang mga baon na hinanda ni Mommy para sa akin at nagsimulang kumain. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko iyon at inilabas ang headphones ko. Pero tinawagan at t-in-ext ko muna ang pamilya ko bago ako nakinig ng music.
After I texted them na tapos na ang exam namin ay agad na tumunog ang cellphone ko dahil tumatawag si Mommy.
“Mom.”
“Primo, baby ko!”
written by: princess pheona