LAST KISS
CHAPTER SEVEN
“Mom,”
“Primo, baby ko!”
I laughed, ganyan talaga si Mommy, she always exaggerate, but I still love her, very much.
“Kamusta na ang exam mo Primo, Anak? How did it go? Did you ace it? Oh, I’m sure you aced it,”sunod-sunod na saad ni Mommy. “Sweetheart, Dahan-dahan lang naman sa pagtatanong,”I heard Daddy stated.
“Mind your own business, Sweetheart, or else, sa kwarto ka ng anak mo matutulog mamaya,”pagbabanta pa ni Mommy. I smiled. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Daddy at hindi ko na narinig si Daddy na nagsalita pa. Takot nga talaga siya kay Mommy.
“So, how was it son,?”balik tanong ni Mommy. I cleared my throat first before speaking. “Mabuti naman, Mommy, and just like what you said, I prayed before taking the exam, nasagotan ko din lahat, though, Hindi ako sure sa ibang answer ko,” My voice trailed off.
“Oh, Come on, Primo, As long as we know that you did your best, We’re fine with it. Atsaka aanhin mo naman ang perfect score eh sobrang taas na nga ng grades mo, baka kapag na-perfect mo pa lahat ng exam mo baka maging 150% na ang grades mo,” Mommy jokingly said. Tumawa naman ako. Alam talaga nila kung paano pagaanin ang loob ko. I’m glad God gave me a very understanding, supportive, caring, and loving family like them, Wala na akong ibang hahanapin at hihilingin pa. My family are more than enough.
“Oh siya, sige, Primo, Magpahinga ka na muna diyan, okay? Relax your brain, and eat your snacks, ha? I love you, Primo Baby,”Mommy said.
“I love you too, Son,”Daddy added.
“I love you both, Mom, Dad,”I answered and ended the call.
Napag-pasyahan kong makinig nalang muna ng music habang nagmu-muni-muni. Halos mapatalon nalang ako sa gulat nang biglang may kumiliti sa tagiliran ko.
“f**k!”
“Primo!”
Agad akong napa-takip sa bibig ko. Did I just cursed? Oh my Gosh, That was my first time cursing.
“H-hey, C-carol, I’m sorry, I d-didn’t mean to curse at you, I was just shocked kaya lumabas iyon sa bibig ko, I also wasn’t expecting me to curse, It was my first time, I’m sorry—”napatigil ako sa pagsasalita nang biglang tumawa nang napaka-lakas-lakas si Carol.
“Pssh, I’m not mad, haha,”tumawa ulit ito at napahawak na sa tiyan nito kakatawa. Nang mahimas-masan ito ay doon lang ulit ito nagsalita. “You know, Primo, I don’t like boys that curses—”
“I’m sorry,”nagbaba ako ng tingin. “Hey, Hindi mo naman ako pinatapos eh, let me finish first,”agap pa nito.
“I don’t like boys that curses pero ikaw? Do you know that you sound so hot when you curse?”Napasinghap naman ako. “C-carol,”nauutal ko pang saad. I know my face is burning red right now. “Can you curse once again, Primo, Please?”She asked, jokingly. “Carol!”I grunted.
“Joke lang, ito naman,”sabi pa nito at tumabi sa akin.
“How’s the exam?”pag-iiba ko ng usapan. “The questions are quiet hard pero kinaya ko naman, though, I don’t think I’ll pass,”nagkibit-balikat naman ito. “Pssh, Don’t say that, ikaw pa,”I said.
“Fine, Let’s make a bet then, kung sino man ang papasa sa ating dalawa, Will bet half of their allowance, Deal? Or No Deal?”Tumango ako at tinanggap ang pakikipag-kamay nito.
“Deal.”
“Carol, tawag na tayo ni Prof, i-a-announce na daw kung sino yung mga nakapasa at yung may pinaka-mataas na score at kung sino yung mga bumagsak,”a classmate of Carol said.
Nagpa-alam na rin kami sa isa’t isa kasi napag-pasyahan kong bumalik nalang din ako sa room, tamang-tama naman ang dating ko kasi kakatapos lang din ng pag-check sa amin.
I wasn't expecting this but I got the highest score of the class!
“Congrats, Primo,”Our Professor congratulated me. “Thank you, Sir,”I sad and smiled widely.
Pagka-tapos in-announce yung mga scores namin ay d-in-ismiss na rin kami. When I got out from the room, p-in-icture-an ko ang score ko and send it to my family. I’m sure they’ll be glad. Lalo na si Kuya.
I was patiently waiting for Carol dito sa tambayan namin at hindi nagtagal ay dumating na rin ito. “So?”
“Sige, Sabay tayo, okay? In One... Two... Three...”
“I passed!”
“I passed!”
It took us seconds before we finally realized what we heard and excitingly hugged each other. “Yeyy!!”We both screamed.
Me and Carol decided na magpunta ng mall to celebrate, and just keep our money since pareha naman pala kaming naka-pasa.
We ate, we also bought some stuffs, konti lang naman. Pagkatapos, we stopped by into a jewelry shop, a famous and fancy jewelry shop.
“Pasok tayo?”I asked and she nodded excitingly. Ako naman ay nakasunod at nakamasid lang din sa kanya habang pumipili ito.
Pero nabigla ako nang agad itong lumingon sa akin at hinila ako papalabas ng shop. “Why? What’s the matter? May problema ba?”sunod-sunod kong tanong dito. “Masyado kasing mahal yung necklace na gusto kong bilhin, ‘di bale, sa susunod nalang siguro—”Hindi ko siya pinatapos at agad na ini-abot sa kanya ang One thousand bill, Is this enough na pang dagdag mo para mabili mo yung necklace?”napatakip naman ito sa bibig nito. “Are you sure? Ang laki nito, Primo, baka mamaya wala ka nang allowance?”nag-alangan pa itong tanggapin ang pera pero ako na mismo ang naglagay ng pera sa kamay nito.
Tumili ito and pulled me back towrds the jewelry shop. Hindi nalang ako pumasok sa loob at hinintay na lang siya sa labas ng boutique.
“Thank you, Primo,”She said and gave me a sweet smile.“Let’s go?” tanong ko dito. Tumangp lang ito at sabay kaming naglakad papalabas ng mall hanggang sa makarating kami sa park.
“Uy, Cotton Candy, ‘Lika, bili tayo, libre ko,”ako naman ay nagpahila lang sa kanya. Ako na sana ang magba-bayad ng cotton candy but Carol insisted.
Umupo kami hindi kalayuan sa may nagtitinda ng cotton candy hanggang sa maubos namin ito.
“Primo?”
“Hmm—”
Napatigil ako sa pagsasalita nang isinuot nito sa akin ang kwintas. Pagtingin ko sa kwintas ni Carol ay kapiraso iyon ng heart na may nakaukit na ‘Aze’which is pangalan ko. Pagtingin ko naman sa kwintas na isinuot sa akin ni Carol ay ito yung kapares ng kapirasong puso na pendant na siyang suot ngayon ni Carol, ang sa akin naman ay may naka ukit na ‘Lyn’, Short for Carolyn.
“There, Ang gwapo... Mo,”She said.
“Thank’s, Teacher Lyn!”
“You’re very much welcome, Doc. Aze!”
written by: princess pheona