PROLOGUE
LAST KISS
PROLOGUE
Primo's Point of View
“Hoy, Pangit! Halika ka nga rito!” Palihim akong napailing nang marinig ko ang pangalan ko. The School's number one bully just called my name. “What?” I asked boredly as I turn around to face him. “Aba! Matapang ka na pala ngayon? Marunong ka na palang sumagot sa mas nakakataas sa’yo?” Tanong pa ulit ni Brandon— The ugliest bully in School. Yes, the ugliest. Sa sobrang taas ng tingin niya sa sarili hindi na siya nakatingin sa salamin nila, ‘yan tuloy hindi niya nakita kung gaano ka-pangit ang mukha niya at kung gaano ka-basura ang ugali niya. Tss.
Hindi nalang ako sumagot at mas piniling manahimik na lamang, dahil baka kung magsalita man ako ay baka mas lalo pang lumaki ang gulo. At makakakuha lang ako ng atensyon, which I hate the most.
At dahil mukhang napikon siya sa pananahimik ko at sa pag-ignora sa kan’ya ay unti-unti itong lumapit sa akin, habang ako naman ay atras nang atras.
He was about to throw a fit on me but gladly, I was able to avoid his punch. Nice! “So you're trying to avoid my punches now, huh?” hindi nalang ulit ako sumagot at mas piniling manahimik nalang ulit. Nang magtaas ako ng tingin ay nakita ko kung paano ako husgahan ng mga tao gamit lang ang mga mata nila, kaya yumuko nalang ako. I don't want the attention that I am getting and recieving right now. The way they stare at me is very intimidating and its making me uncomfortable.
“Natuto na ata si Bantot, Boss Brandon,” narinig ko pang sabi ng katabi ni Brandon na kung akala mo naman ay sobrang tangkad. Siguro sa liit nitong tao kay kaya ko lang siyang tapakan. But, Of course, I won’t do that, I am well-mannered enough. And they’re not worth the time. It would be so much better if magkulong na lang ako sa library at magbasa nalang ng libro.
Hindi katagalan ay narinig ko ang mga tawanan nila. Laughters and giggles that I don’t want to hear, Laughters that gives me anxiety, and the Laughters that hunts me everynight. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at agad na tinakpan ang tainga ng aking dalawang kamay. Ayaw kong marinig ang mga tawanan nila. Nabigla nalang ako nang marahas na hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay ko para hindi ko matakpan ang tainga at tumawa ulit sila. All I could do is shut my eyes.
Nang hindi ko na nakayanan ay sinipa ko ang paa ng isang lalaki nakahawakan sa akin at yung isa naman ay siniko ko sa mukha, dahilan para mabitawan nila ang kamay ko.
“You know how to fight and defend yourself now, huh? Sino ang nag-turo sa‘yo ang ate mong may malaking dede? Yung umaalog ang hinaharap kapag naglalakad?” Dali-dali ko siyang sinugod at binagyan ng suntok. Iyon na ata ang pinaka-malakas kong suntok.“Huwag na huwag mong idadamay ang pamilya ko rito lalo na ang Ate ko!”galit kong bulyaw rito.
“Husgahan, Saktan, I-bully niyo na ako at lahat-lahat pero huwag mong dinadamay ang Ate ko rito!” I added. I am an Ate's boy, kaya hindi ako papayag na babastusin lang siya ng isang lalaking pangit na katulad ni Brandon.
Mukhang masyado ngang malakas ang pagkakasuntok ko sa panga ni Brandon dahil namumula iyon. Bagay nga sa kanya. “A, matapang…E, kung bugbugin kaya kita?” paghahamon ulit nito. I need to calm myself, mas lalong lalaki ang away kung parehong mainit ang ulo namin.
“Let go of my shirt,” I said calmly pero may diin sa bawat salitang binitawan ko. Pero hindi ito nakinig at mas at hinigpitan ang pagkakahawak sa shirt ko. “I don’t want to make a scene, Brandon. So, Please, Let go of my shirt, Already,” dagdag ko pa. Pero mas matigas pa talaga sa bato ang ulo ni Brandon. “What if I don’t want to? Ano? Susuntukin mo ulit ako?” I stayed silent at sapilitang inaalis ang mahigpit na pagkakahawak niya sa suot kong uniform.
Pero bago ko pa man tuluyang mai-alis ang kamay ni Brandon sa uniform ko ay buong p'wersa at malakas niya akong tinulak na naging dahilan ng pagbagsak ng buo kong katawan sa lupa. “Aray!”daing ko nang maramdaman ko ang malakas na pagbagsak at pagtama ng lupa at maliliit na bato sa katawan ko. At dahil sa lakas ng impact ng pagkakatulak sa akin ni Brandon ay natanggal ang glasses ko at tumilapon iyon malapit sa kinatatayuan ni Brandon.
No one dared to help me or kahit lapitan man lang ako para tanungin kong okay lang ba ako? Kung anong masakit sa akin? Instead, They just laughed at me, insulted me, and threw harshful words towards me. But, What's new? Ganito nalang kasi palagi, nasanay na lang ako. Sino pa bang aasahan ko? Sino pa bang gustong makipag-kaibigan sa pangit na lalaking katulad ko?
Tss.
Sinubukan kong tumayo para sana abutin ang Glasses ko dahil wala ako masyadong makita kapag hindi ko suot ito. Pero hindi ko nagawang makuha iyon dahil pinulot na iyon ni Brandon. Kahit malabo ang paningin ko, alam ko pa rin o naaaninag ko pa rin ang mga taong nasa harap ko ngayon.
“Oh, Look! An Old-Fashioned glasses!” Tila nagulat pa kuno si Brandon nang makita niya ang Glasses ko, at iwinawagayway pa niya talaga ito sa ere. “Akin na nga iyan, Baliw ka na!”I shouted. Pero para lang akong hangin na dumaan sa harap niya dahil hindi niya ako pinakinggan— O baka mas pinili niyang hindi makinig sa akin.
“No! Give it back to me! Not that, Please!” I begged. Pilit kong inaabot ang glasses ko kahit alam kong mahirap at malabo ko siyang maabot dahil malakas na tinapakan ni Brandon ang tiyan ko, to prevent me from getting up. “Oh, You like to get this piece of s**t?” Nakaka-asar na tanong sa akin ni Brandon. And I desperately nodded. Gustong-gusto ko na makuha ang glasses ko. “I have money in my wallet, You can have all of those, Just give me back my Glasses, Please,” I begged and pleaded but They all didn't seem to care.
written by: princess pheona