Patuloy pa rin sa pagbuhos ang malakas na ulan, unti-unti ko na ring nararamdaman ang panghihina ng katawan ko. "Do-mi-nic!" pautal-utal na sambit ko, sinusubukan kong labanan ang pagka-antok at panghihina subalit malakas ang pwersa no'n hanggang sa hindi ko na nga malabanan pa. Dahan-dahang humihina ang boses ko at bumabagsak na rin ang talukap ng mata ko. Subalit bago pa man ako tuluyang hatakin ng dilim ay naramdaman ko ang paghawak ng isang nanlalamig na kamay sa aking braso. Parang muli akong nagkaroon ng lakas ng loob, muli kong binuksan ang mata ko at kahit na mahirap makita si Dominic ay alam kong siya ang nasa tabi ko. "A-andriette," anito sa paos na tinig. Kumilos ang kanang kamay ko at nanginginig na hinawakan ko din ang mga kamay niya, "Andito pa ako," mahina kong tugon sa ka