bc

INFINITY 8 SERIES 2: FIRE AND FLAME

book_age16+
968
FOLLOW
3.3K
READ
spy/agent
independent
brave
comedy
twisted
bxg
medieval
enimies to lovers
tricky
photographer
like
intro-logo
Blurb

Matapos ang mahabang panahon ng pagsabak sa mga misyon, nagkaroon na rin ng pagkakataon si Andriette Del Carmen upang makapagpahinga.

Pinili niyang mag-travel at gugulin ang tatlong buwang bakasyon sa pananatili sa bundok ng Sierra Madre- Ang lugar na noon pa man ay pangarap niya ng akyatin at masilayan..

Subalit hindi niya inasahan ang problemang sasalubong sa kanya sa napakagandang lugar na iyon. Ang nakakabahalang plano ng gobyerno na makakabuti para sa mamamayan ng Manila subalit makakasama naman sa kalikasan gayundin sa mga katutubong naninirahan doon.

Dahil likas na mapagmahal sa kalikasan si Andriette, ang plano niyang pagrerelax ay nauwi sa tahimik na pakikipaglaban sa gobyerno.

Subalit hindi nakaligtas ang plano niya kay Dominic Asusacion- siya ang bunsong anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bayan na iyon. Ang pamilyang kumukumbinsi sa mga katutubo na iwan na ang kanilang mga bahay at lumipat sa Relocation Center.

Ang bawat pagkikita ng dalawa ay nauuwi sa kumusyon at away. Hanggang dumating ang pagkakataon na babago sa galit na nararamdaman nila para sa isa't-isa. Isang gabing wala silang pagpipilian kung hindi ang asahan ang isa't-isa.

Ang gabi kung saan pareho nilang natuklasan ang bagay na hinahanap ng kanilang mga puso.

Mabago kaya ng isang gabing iyon ang taliwas na ipanaglalaban ng bawat isa sa kanila? Sino ang handang magpaubaya?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1:
FIRE AND FLAME BY: Redd Ynna "Hoy! Ibaba mo nga ako dito." sigaw ni Dominic habang animo'y idinuduyan siya sa ere ng nakabaligtad. Hindi ko napigilan ang mapahagalpak ng tawa sa nakita, hindi pala baboy ramong ligaw ang mahuhuli ng patibong ko kung hindi isang damulag na mapagmataas. Napailing-iling ako habang nakatingin sa nakalambitin na lalaki. "Sayang naman 'tong patibong ko! Hindi mapapakinabangan ang nahuli," sabi ko. "Will you shut your mouth, please? Ibaba mo na 'ko dito, bilis!" gigil na utos ni Dominic. "Ops, as far as I remember, kapag humihingi ng tulong, hindi dapat mayabang. Sa paraan mo ng pagsasalita sa akin, parang ako pa ang dapat na sumunod sa 'yo kaagad. I'm not your friend, remember?" sarkastikong sagot ko sa kanya. Sa inis ay napairap na lang si Dominic. "Okey, okey. Please, paki-baba naman ako." Mahinahong tugon niya pero alam kong sa likod ng isip niya ay gigil na gigil na siya sa akin. "Okey!" masayang sambit ko, mabilis kong naakyat ang may kalakihang puno ng mangga at naabot ang kinalalagyan ng tali ni Dominic. Inilabas ko ang itak na nakasukbit sa aking beywang at inihanda iyon. "Are you ready?" natatawang tanong ko sa kanya. "Huh? Wait, a-anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ni Dominic. "Puputulin ang tali, ano pa ba?" sigaw ko. "What?! No- no.." sigaw niya pero huli na ang lahat, naputol ko na ang tali. lalaki man ay hindi napigilan ni Dominic ang mapasigaw ng parang papel siyang bumagsak sa lapag matapos kong putulin ang tali mula sa puno... "Aray!" Maiyak-iyak na sambit niya habang hindi alam kung saan unang hahawak, kung sa ulo ba, o sa balakang. KABANATA 1: Isang malakas na tunog mula sa alarm clock ang nagpabalikwas kay Andriette. Agad na napatayo ang dalaga at pupungas-pungas na nagtungo sa banyo upang maligo. "Aah!" Parang biglang nabuhay ang mga dugo niya pagtapat sa malamig na shower. "Woah!" Sigaw niya. Palibhasa ay nag-iisa at alam niyang wala namang makakarinig sa kanya, ugali niya ng gawin iyon tuwing umaga, hindi naman siya nagpapraktis para kumakanta, sadyang iyon lang talaga ang paraan niya para gisingin ang diwa. Nagkekekembot pa siya at patuloy na kumanta ng wala sa tono habang hinihilod ang braso at likod, patuloy lang na bumubuhos ang tubig sa kanyang katawan.. "May message ka.. may message ka.. may message ka.." boses na nagmumula sa selpon ng dalaga. Pansamantala niyang iniwan ang sepilyo sa bunganga at tinungo ang cabinet para kuhain ang selpon at sagutin ito. Bumalik siya sa loob ng banyo at ipinagpatuloy ang pagsesepilyo habang may kausap sa selpon. "Hello,"aniya sa pagitan ng pagkuskos sa kanyang mga ngipin. "Good luck sa Journey mo! Enjoy your vacation!" Voice message iyon mula sa kanyang mga katrabaho. Napamulagat si Andriette. Hindi pa man natatapos sa pagsesepilyo ay agad siyang nagmumog at tinakbo ang kalendaryo na nasa ulunan ng kanyang higaan, katabi ng wall clock. Agad na binatukan niya ang sarili at tinapik tapik ang kanyang noo. "Ang tanga ko! Bakit nakalimutan ko?" Inis na kausap ng dalaga sa hangin. Maya maya pa ay nagtatalon na siya, "Yes!! This is the day. Yohoo!" Impit na tili ni Andriette. Nagpaikot-ikot siya sa higaan at ng mapagod ay inilatag ang sarili at nagpahinga. Dali dali naman siyang dumapa ng may maalala, sinipat niya ang silong ng kanyang kama at pinilit na inabot ang travel bag na naroon. Pinagpag niya ito, napaubo pa siya ng malanghap ang alikabok na nanggaling sa plastik na nakabalot sa may kalakihang bag. Tiningnan niya ang laptop at chineck kung anong oras magiging byahe niya. Sa online lang siya nagpareserve ng seat. Dahil gusto niya ng medyo challenging na paglalakbay, mas pinili niya ang mag commute nalang. Nakalagay do'n na after lunch pa naman aalis ang sasakyan niyang bus. Tumayo ang dalaga at nagtimpla muna ng kape.. Hinalungkat niya ang matagal tagal na ding nakatabi sa itaas ng kanyang aparador. Masayang binuksan iyon ng dalaga. Marahang inilabas mula sa kahon ang kanyang canon camera at chineck ang mga baterya nito. Kung sabagay, regular niya naman itong nililinis at tseni-check kaya sigurado siyang maayos at ready ang camera niya. Regalo pa ito sa kanya ng kanyang ina nung mag-debut siya. Isa ito sa pinaka magandang klase ng camera no'ng mga panahon na iyon at isa ito sa pinangarap niyang gamit na tinupad naman ng kanyang mama. Maliban sa pagiging agent, hilig niya din ang kumuha ng mga larawan, lalong lalo na yung mga endangered species. Gusto niyang makapag tabi ng magagandang larawan ng mga ito bago pa man sila tuluyang maglaho at maubos. Dahil sa pagiging mahilig niya sa iba't ibang uri ng hayop, nakahiligan niya na ding umakyat ng mga bundok. Ang tanawin mula sa itaas ng bundok ang nakapagpapasaya sa kanya at nagtatanggal ng stress na madalas niyang maramdaman... Kasama ang ilang stocks niyang battery para sa Camera, inayos niya na din ang pitong pares ng mga kasuotan na dadalhin niya sa tatlong buwang adventure. Hindi niya ugaling magdala ng sangkaterbang gamit, magiging sagabal kasi iyon sa paglalakad niya. Sa daan na siya bibili ng ilang toiletries na kakailanganin niya. Naeexcite siya, hindi nagbabago ang saya na nararamdaman niya sa tuwing magtatravel siya. Nagkasya naman lahat gamit niya sa medyo malaking travel back pack. Itinago niya ang laptop niya sa aparador. Gaya niya, makakapagpahinga din iyon ng ilang buwan. Alas dies pasado na ng matapos siya sa pag-eempake, lumabas siya upang magluto na ng pananghalian. Napansin niyang medyo marami pang stock ang ref niya, di bale, ibibigay niya na lang ang mga ito kay aling Ason, ang matandang pinagkakatiwalaan niya at naglilinis ng kanyang buong bahay, maliban sa isang kwarto na siya lang ang pwedeng pumasok.. Pagtapos makakain ay tinawagan niya na si aling Ason, agad naman itong sumagot sa kabilang linya.. "Nay, tatlong buwan akong mawawala, paki-linis nalang ang buong bahay isang beses kada dalawang linggo. Iiwan ko na ang kabuuang bayad sa may lamesita ng kwarto ko," mahabang saad ng dalaga. "Walang problema, anak. Mag-iingat ka," bilin nito sa kanya. "Salamat po, siya nga pala nay, marami pa pong stock sa ref, kunin nyo na po lahat. Kayo na rin po ang magpatay mamaya." Dagdag na bilin ni Andriette. Matapos makapag-usap ay nag-asikaso na siya para sa pag-alis.. Nagpalit nalang siya tutal naman ay ang aga aga niya naligo kanina. Medyo hindi na rin siya sanay na hindi kinukumusta ng mga katrabaho, parang ibibigay talaga ng mga ito sa kanya ang bakasyon na walang stress o kahit anong istorbo. Nangiti ang dalaga sa isiping 'yon. Sa kanilang walo, siya ang pinaka-explorer. Palagi siyang napapagalitan dahil laging late sa mga meetings, at pinaka-joker din. Maging si Armani na lider nila ay nagagawa niyang bolahin kahit pa napakasungit at seryoso nito. Hindi ito madalas na ngumiti, kahit siya na palaging positive vibes ang dala ay hindi tumatalab sa kasamahan. Siguro nga ay misteryoso ito pero napakaresponsable at mabuting lider naman sa kanilang walo. Wala pa itong desisyon na pumalpak kaya naman bilib na bilib talaga sila dito. Siguradong mamimiss ng dalaga na kulitin ang mga kasamahan, alam niya din sa sarili na mamimiss ng mga ito ang presensya niya lalo na ni Aziza, ito ang pinaka-close niya sa lahat kahit medyo kikay at pabebe ito. Parang pinaka baby kasi nila ito, bukod sa pinakabata sa kanilang grupo ay ugali talaga nito ang maglambing sa kanila. Matamang tinitigan ni Andriette ang larawan nilang walo na nakadikit sa kanyang malaking salamin sa loob ng pribadong silid niya. Nakagayak na siya at ready na din umalis, dumaan lang siya sa kwartong ito para kunin ang paborito niyang balisong. Isinuksok niya ito sa likod na bulsa ng kanyang bag. Sa kwartong ito nakalagay lahat ng gamit niya, iba iba ng hugis at laki, may mga baril, tsako, arnis, at higit sa lahat, iba't ibang uri ng balisong kung saan siya bihasa. Pagdating niya ng bus station ay paalis na ang bus na dapat ay sasakyan niya. Dumaan pa kasi siya ng grocery para mamili ng ilang gamit niya.. Kahit may kabigatan ang dala dala ay mabilis na tinakbo at hinabol ng dalaga ang bus.. "Teka, Manong driver, sandali!" Sigaw niya habang mabilis na hinahabol ang sasakyan….

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
326.2K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
329.6K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
538.8K
bc

Billionaire's Twins

read
266.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.4K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
458.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook