"Bakit n'yo pinalayas si Macmac?" Igting ang bagang na tanong ni Mommy sa tito kong parang lider ng mga gang. Mayabang ang dating nito at tadtad ng tattoo ang katawan. Kasalukuyan akong nasa gilid ng pintuan at matamang nakikinig sa usapan nila habang walang tigil ang daloy ng luha sa mga mata ko. Hindi ko lubos maisip na hindi na kami magkikita ni Macmac. Sa murang isip ay hindi ko maintindihan kung bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong emosyon, ang pagkawala ni Lolo at ang pagpapalayas kay Macmac. "Dahil sa bastardong 'yon gusto ipamana ni nanay at tatay ang bahay at lupang 'to, kahati pa namin siya sa malawak na ektaryang sakahan! Tama ba 'yon, ha?" sigaw ng tito ko. Sinilip ko si Mommy at nakita ko na sapo sapo niya ang kanyang noo habang nakaupo. Parang stres