Hita ko ang tinutumbok ng mabilis na palaso pero dahil bihasa din ako sa training, mabilis akong nakaiwas doon kaya imbis na tumama ito sa akin ay dumaplis lamang ito sa kaliwang hita ko. Napaupo ako at agad na napahawak sa sugat na noo'y agad na nagdugo. Nakita ko ang mabilis na paglabas ni Dominic mula sa malaking puno at pagtakbo nito papunta sa akin. "Oh my god, Andriette. A-are you okey?" humahangos na sambit niya. Balewala niyang inilapag sa lupa ang hawak na pana at agad niyang tiningnan ang hita ko. Naihilamos niya sa mukha ang dalawang kamay na tila inis na inis sa sarili. "I'm- I'm so sorry! I didn't.." 'di magkanda-ugagang paliwanag niya. "Shh. It's ok. It's not that bad," putol ko sa sinasabi niya habang pinupunit ang laylayan ng suot kong manipis na jacket. "You don't unde