"Didn't I tell you yet that I understand you, completely?" maang na tanong ko. Hindi ko inakala na hanggang ngayon ay iniisip niya pa din ang tungkol sa bagay na 'yon. Maraming malalagong d**o sa lugar na iyon at sigurado akong hindi niya natanaw ang biik ng inahing baboy ramo kaya niya ito binalak na hulihin din. Hindi ba't 'yon din naman talaga ang plano ko? "I just don't know what to do if I repeat the mistake I committed before," malungkot na pahayag niya. Agad akong nakaramdam ng kuryusidad tungkol sa sinasabi niya. "I already forgive myself but it's giving me a hard time to accept the fact, Parang nakita at naramdaman ko ulit kahapon ang pagkakamaling nagawa ko noon." Nakayuko siya habang nakahawak sa magkabila niyang sintido. "You can open up with me, you know? I'm a good listene