"Hey." mahinahong kalabit ni Dominic sa akin, agad akong nagtaas ng tingin sa kanya. "Why?" takang tanong ko. "What are you whispering?" kunot-noo at pabulong na tanong niya. "Whispering, me?" lalo akong nagtaka. Ang alam ko sa isip ko lang naman sinasabi ang mga salitang 'yon. Napalakas ba? "Yes," aniya bago naupo ulit. Ang mga mata niya ay nakatutok sa ginagawang pag-aalay ng mga katutubo. Naghahandog na sila ng isang buong manok at may mga sariwang prutas din doon. "I- I don't know what you're talking about. I'm not whispering," tanggi ko sa kanya. "Yeah," tila hindi naman siya kumbinsido. Pinaikot pa nito ang kanyang mga mata. Na-amazed ako, biglang may nakaraang ala-ala ang pumasok sa isip ko. Sino nga ba ang madalas gumawa ng gano'n? Ah, si Macmac! Dati, kapag may isang baga