"Ah- pero.." bigla akong kinabahan sa sinabi ni Dominic. Sa pagkakaintindi ko ay mas lamang ang pahayag sa sinabi niya kaysa sa tanong. Tila hindi naman ito naghihintay ng kasagutan sa sinabi niya. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita type," deretsong saad niya. Para akong nanliit sa narinig, ang kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng galit at pagkasuya sa lalaking kaharap. "At sa tingin mo naman type kita? Eew! May balat sa pwet," hininaan ko naman ang huling salitang binitawan ko. Halos pabulong na nga lang iyon pero sapat lang para marinig niya. Gaya ng inaasahan ko, nainis nga si Dominic. Anong akala niya, maaasar niya ako? Umiling iling akong muli sa sarili. "Swerte ko 'to! Ikaw, may birthmark ka ba? Baka naman yang buong balat mo, e isang malaking Birthmark pala. Kaya pala an