KABANATA 3

1178 Words
Agad na naramdaman ni Andriette ang kirot mula sa pagkakatutok ng matalim na bagay sa kaniyang kaliwang tagiliran. Lihim na napairap ang dalaga, malinaw din sa pandinig niya ang utos nito na ibigay ang kanyang wallet. Dahan dahan niyang iniharap ang mukha sa lalaki, hindi ito nakatingin sa kanya. Tanging sa unahan lamang ito nakatitig habang dinidiin-diin ang bakal na icepick sa kanyang tagiliran. "Wag mo kong inipin, ilagay mo sa bag ko ang wallet mo kung ayaw mong gripuhan kita dito!" Mariin at halos pabulong na sambit ng lalaki.. Marahang itinayo ni Andriette ang katawan mula sa pagkakasandal sa upuan. Lalo pang diniinan ng lalaki ang icepick. Nagtangis ang bagang ni Andriette, "Bibigyan kita kung kailangan mo, hindi mo kailangan gumawa ng masama," malumanay na sambit ni Andriette sa lalaki. Lalo naman itong nagalit at nanlilisik pa ang mga mata habang nakatingin sa kanya. "Isa…" Galit na bilang nito.. "Dalawa, tatlo! Sige, ibaon mo!" Mariing sambit ni Andriette. Inilapit pa niya ang katawan sa nakatagong kamay ng lalaki… Dahil napalakas ang pagkakasabi ni Andriette ay kusang nabaling ang tingin ng ilang tao na nasa malapit na upuan lang. "Talagang sinusubukan mo 'ko ha?" anang lalaki bago iniambang isasaksak sa tagiliran ng dalaga ang bakal na icepick pero agad na nahawakan ni Andriette ang mga kamay nito at pinilipit iyon gamit lang ang isang kamay niya. Pero malakas ang lalaki, pinipilit nitong mabawi ang mga kamay kaya naman napilitan si Andriette na tuluyan itong balian ng isang buto sa kamay. Napasigaw ang lalaki matapos niyang mabilis na mapaikot ang mga daliri at braso nito, kusa nitong nabitawan ang icepick na hawak-hawak. Dahil sa ingay ng lalaki, agad na pinalibutan sila ng mga tao na noo'y nagsisiakyatan na sa bus mula sa ibaba.. "Holdaper ang isang 'to!" ani Andriette. Nakita ng mga taong nando'n ang pagbagsak ng icepick sa lapag, mababakas sa mukha nila ang pagkatakot, ang iba ay sumisigaw pa na tuluyan niya na daw ang lalaki. Nakaluhod na ito at namimilipit sa sakit. Agad niyang sinabunutan ang lalaki at itinaas ang mukha nito. Mababakas sa itsura ng lalaki ang labis na sakit dahil sa pagkakabali ng isang buto niya sa daliri.. May ilang tao do'n ang nais na saktan ang lalaki pero inawat sila ni Andriette. Maya maya pa ay dumating ang ilang Security Guard na agad tumawag sa mga police. Ipinosas ng mga ito kamay ng lalaki palikod . Nagulat pa si Andriette ng biglang lumuhod ang lalaki sa harap niya at nagmakaawa. "Miss, miss… Please, maawa ka sa 'kin. Nasa Philippine General Hospital ang anak ko, na-dengue siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasalinan ng dugo. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Patawarin mo ako, wag mo ko ipakulong... wala ng kikilos para sa anak ko kapag nakulong ako, iniwan na ako ng asawa ko.. Please, miss... maawa ka sa akin.." pagsusumamo ng lalaki. Umiiyak na rin ito at halos yakapin ang mga binti at paa ng dalagang nakatayo sa harapan niya. "Sana inisip mo yan bago ka gumawa ng kalokohan." Pagmamatigas niya sa lalaki, humahagulgol naman itong patuloy na humihingi ng tawad sa kanya. Kinuha niya ang selpon at agad na pinicturan ang kabuuan ng lalaki.. "Sige, mga sir. Ibaba niyo na ho yan," anang dalaga. "Pero ma'am kailangan po kayong makausap ng mga police," sabi ng isang guard. "Sige, pakikiusapan ko muna ang driver para hintayin ako." sagot ni Andriette. Agad namang lumapit ang dalaga sa driver pero hindi pa man siya nakakapagsalita ay inunahan na siya nito. "Sige ho, mam. Hihintayin ko po kayo," mabilis na saad ng driver. "Sige ho, salamat," ani Andriette bago tuluyang bumaba ng bus. Ilang minuto lang ay dumating na ang mga police, mabilis na nakuha ng mga ito ang statement niya bago isinama ang lalaki. Naaawa siya dito pero hindi pwedeng hayaan niya lang ang ginawa nitong masama. Kailangan niya 'yong pagsisihan at pagbayaran. Paano nalang kung hindi siya marunong lumaban? Paano kung ibang babae ang naging biktima nito? Magiging trauma iyon sa biktima or worst, baka mauwi pa sa madugong insidente. Muli niyang pinasalamatan ang driver at dumeretso na sa kanyang upuan. Mabilis na umandar ang naabalang bus, maya maya lang ay payapa na ulit itong bumabyahe. Tinawagan ni Andriette si Madeline, sa bahay niya ito nakatira pansamantala at dahil medyo malapit ito sa general hospital, kakailangan niya ang tulong ng katrabaho. "Hello, Andi," mabilis na sagot nito mula sa kabilang linya. "Can you go to General Hospital?" Walang paligoy-ligoy na tanong nito sa kasamahan.. "What? Hey, why? What happened?" Gulat at sunod sunod na tanong nito. "Shhh. Calm down. Haha, I just need you to find someone for me." Malumanay na paliwanag ni Andriette. "I see. Ok then, who is it?" Kalmadong tanong ni Madeline. "I will send you some image in messenger." Tugon ni Andriette. "Ok." Iyon lang at nawala na ito mula sa kabilang linya. Mabilis niyang ipinasa ang picture sa katrabaho, nakita niya kasi sa suot na damit kanina ng lalaki ang picture nito at ng kanyang anak na nakaprint doon. May pangalan din ang mag-ama. Sigurado siyang ito ang anak ng lalaki na nasa hospital. Babayaran niya ang hospital bill at ang lahat ng gamot na kakailanganin ng bata bilang tulong dito. Lingid sa kaalaman ng lalaking gusto siya holdapin, nakiusap siya kanina sa mga pulis na huwag na ikulong ang lalaki, pagsabihan lang ito at pakawalan na rin. Para magtanda lang ito at matakot na gumawa ng mali sa susunod. Naging kampante naman si Andriette ng malaman mula kay Madeline na nahanap niya kaagad ang bata at masasalinan na ito ng dugo... Pasado alas sais na ng gabi ng dumating ang bus sa Santa Ana Cagayan. Madilim dilim na, agad na naisipang mag-check in muna sa isang lodge ni Andriette at kinabukasan na magsisimulang umakyat sa bundok.. Wala pa siyang permanenteng matitirahan sa bundok, umaasa siyang makakahanap ng mabubuting tao dito na pwede siyang patuluyin. Matapos makakuha ng kwarto ay muling lumabas si Andriette para maghanap ng pwede niya maging hapunan. Isang 7/11 ang natagpuan niya. Papasok pa lang siya do'n ng mapansin niya ang dalawang bata, isang batang babae at batang lalaki, may dala dala ang mga itong hinog na mangga at tipong ibinebenta nila 'yon.. "Ate, bilihin niyo na po ito para makauwi na kami." Sabi ng batang lalaki habang ipinapakita sa kanya ang supot na may lamang mga hinog na mangga. Napangiti naman siya dito. Agad niyang kinuha ang hawak nito, "Matamis ba 'to?" nakangiting tanong ni Andriette. "Aba, opo." agad na sagot ng dalawa. "Sige, sabi nyo yan ha?" Aniya bago dumukot ng pera at inabot sa dalawang bata.. "Naku, 50 pesos lang po yan, ate." Bulalas ng batang babae ng iabot niya ang buong 200 pesos sa mga ito. "Magpapapalit lang po ako para masuklian kayo." Sabi naman ng batang lalaki. "Naku, huwag na.. sige na, sa inyo na yan." Pigil niya sa mga ito.. "Talaga po?" masayang tanong ng dalawa. Nakangiting tumango siya sa dalawa bago dumeretso sa loob ng 7/11. Nakita niya mula sa loob kung gaano kasayang naglakad paalis ang dalawang bata. magkaakbay pa ang dalawa habang naglalakad palayo, muling sumagi sa isip niya ang kuya Macmac niya. Namimiss niya na talaga ito, saan na kaya ito napadpad? Tanong na nanatili nalang sa isip niya at walang sagot hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD