KABANATA 2

1056 Words
Kumportableng isinandal ni Andriette ang likod ng ulo sa sandalan ng upuan ng bus habang nakatanaw sa labas ng bintana. Nanghihinayang ang dalaga, kung may ordinary lang sanang bus na available, 'yon ang kukunin niya. Gustong-gusto niya kasi na binubuksan ang bintana ng bus at langhapin ang sariwang hangin mula sa mga nadadaanang palayan, higit sa lahat ay tanawin ang luntiang kabuuan nito. Sobrang nakakapagpagaan ng loob niya ang gano'ng tanawin habang pinupuno ang dibdib ng sariwang hangin. Ngayon ay hanggang tanaw na lamang siya. Ala-una pasado na ng hapon, anim na oras ang biyahe mula manila patungong Sierra Madre. Siguradong madilim na siya makakarating sa destinasyon. Kampanteng tumanaw sa labas ng bintana si Andriette. May manaka-nakang palayan na silang nadadaanan, mula sa pagtanaw sa maberdeng kalupaan, muling bumalik sa ala-ala niya ang ilang parte ng kaniyang kabataan... Hindi man madalas na mapunta sa palayan at bukid, para sa kanya ay laking palayan na siya dahil no'ng maliit pa siya, madalas siyang pagbakasyunin ng kaniyang mama at papa sa kanyang mga lolo at lola sa side ng mama niya. Dito niya inilalagi ang ilang buwang bakasyon pagtapos ng ilang buwang klase sa paaralan. Kasama ang ilang pinsan at naging mga kaibigan at kababata sa probinsya, masaya niyang ginugugol ang higit tatlong buwang bakasyon sa bukid at bundok. Taon taon na inaabangan niya ang bakasyon, napakasaya, puno ng tawa at adventure ang kaniyang kabataan. Bukod sa bukirin, nasa paanan din ng bundok ang lugar ng kaniyang mga lolo at lola, dito niya natutunan ang ilang mga bagay tungkol sa kabundukan. Naging isang mahusay at madiskarte siyang batang babae na walang ibang ginawa kung hindi ang mangaso at mag explore sa kabundukan kasama ang naging napakalapit na bata sa kanya, si Macmac. Ampon ito ng kanyang lolo at lola at tanging kasa-kasama sa bahay ng mga ito. Ang mga tito at tita niya ay nakahiwalay ng bahay sa kanyang lolo at lola dahil may kaniya kaniya na rin silang mga pamilya. Naging kuya niya si Macmac. Bagama't matapang na bata si Andriette, kay Macmac siya tanging umiiyak at humigingi ng tulong. Sa lalaki niya rin nasasabi lahat ng hinaing at hinanakit niya patungkol sa kaniyang mga magulang. Naging mabuti itong kaibigan sa kanya, nakikinig at nagpapayo ng puro kabutihan. Kaya naman kahit gano'n kalaki ang pagkukulang ng kanyang mga magulang sa kanya, hindi niya nagawang magalit sa mga ito dahil sa mabubuting pangaral ni macmac sa kanya. Palibhasa ay sampung taon ang agwat ng idad nilang dalawa, trinato siya nito bilang prinsesa. Pinagtatanggol at madalas na ipinag-iigib ng tubig panligo o kung hindi naman ay sinasamahan siya sa talon kasama ang ilan nilang mga pinsan. Tunay na napunan ni macmac ang kakulangan sa buhay ni Andriette. Dahil sa mahusay ang kanyang lolo sa mga survival skills, hindi rin ito nagdalawang isip na ituro sa kanya at kay Macmac ang ilang bagay dahil nakitaan sila nito ng kakayahan at desidido din silang matuto. Tinuruan sila nito gumawa ng apoy sa pamamagitan ng buho, itinuro ang mga pagkaing pwede nila makain para makasurvive, mga gamot na pwedeng makatulong sa iba't-ibang uri ng injury, at higit sa lahat, natuto siya kung paano manghuli ng iba't-ibang hayop sa pamamagitan ng patibong. Ang paggawa ng mga patibong ay kay Andriette na lamang naituro ng kaniyang lolo. Minsan kasi ay kailangan tumulong mag-araro ng bukid ni Macmac lalo at kasama niya naman ang kanyang lolo, kampante siyang iniiwan nito sa pangangalaga ng kaniyang lolo. Ang pagkabihasa ni Andriette sa patalim ay inaral niyang mag-isa nung maliit pa siya at nadagdagan nalang ang husay at techniques niya nang siya ay magdalaga na at magsimula maging agent. Nadagdag pa ang pagkatuto sa baril, tsako at arnis. Ang huling bisita niya sa probinsiya ay no'ng ilibing ang kanyang lola, matapos ang anim na buwan ay sumunod ang kanyang lolo pero hindi siya nakarating sa burol at libing nito dahil kasagsagan ng bagyo ng mga panahong 'yon. Sobrang sama ng loob niya, gusto niyang liparin ang distansiya sa pagitan ng lugar na kinaroroonan niya at ng lolo niya.. Grade six lamang siya no'n. Masasabi niyang d'on na nga nagtapos ang masayang adventure niya bilang bata. Pero lahat ng kaalaman na ipinamana sa kanya ng kanyang lolo ay binaon niya at isinaisip. Matapos na mamatay ang kaniyang lolo, naglaho na rin na parang bula si Macmac, sinubukan niyang ipagtanong kung saan napunta si lalaki pero walang nakapagturo sa kanya. Maging ang magulang niya ay pinakiusapan niya na para tulungan siyang hanapin si Macmac pero maging ang mga ito ay wala ring nagawa.. Habang nagdadalaga, mas naging busy ang kanyang mga magulang, masama man ang loob ay paulit ulit lang na sumasagi sa isip niya lahat ng payo ni Macmac at pilit niyang inintindi ang mga ito, dito niya na rin nagsimulang magustuhan ang photography. Naging tutok din siya sa pagiging girlscout, natutuwa siya sa mga camping nila lalo na sa mga bundok. Bukod sa nakakakuha siya ng magagandang shot sa kanyang simpleng camera noon, nagiging top honor din siya dahil sa pagiging madiskarte at pinakamahusay na girlscout... _____ Mahihinang katok sa bintana ang pumukaw sa atensyon ni Andriette at nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Pansamantala palang nag-stop over ang bus. Nakita niyang may nag-aalok sa kanya ng itlog na nilaga mula sa labas, bata ito at nakapaa lang. Pinaakyat niya ito sa loob ng bus at binili ang natitirang limang supot ng itlog na hawak nito. May tatlong pirasong itlog kada balot, iyon ang kakainin niya habang nasa biyahe. Paborito niya ding lantakan ito sa tuwing bumabyahe ng malayo. Inilabas niya ang wallet, medyo makapal ito dahil sa ilang cash na dala niya. tatlongdaang piso ang iniabot niya sa bata at hindi na kinuha pa ang sukli. Ngumiti ito sa kanya at masayang nagpaalam bago tuluyang bumaba.. Lingid sa kaalaman ni Andriette ay may mga matang nakabantay sa kanya mula sa kabilang upuan, lalo na ng makita nitong abutan niya ang pera ang batang nagtitinda lang ng itlog. Palibahasa ay katamtamang taas at balingkinitan lang ang katawan ng dalaga, inisip ng taong ito na kayang kaya niyang pasunurin ang dalaga isang tutok lang ng matalim na bagay sa tagiliran nito. Maya maya pa ay naupo ang medyo matangkad at matabang lalaki sa tabi ni Andriette. Walang anu-ano'y palihim na itinutok nito ang matulis at matigas na bakal na may korteng icepick sa tagiliran ng dalaga… "Ibigay mo sa akin ang wallet mo!" Malumanay ngunit mariing sambit ng lalaki..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD