"Ma-mayumi?" mahinang tawag ko sa kanya. Hindi naman kumibo si Mayumi. Parang naglalakad nga siya ng tulog. Napailing ako at marahan ko siyang nilapitan. Ihinarap ko siya sa gawi pabalik sa higaan niya. Naglakad naman ito ng marahan habang dahan dahan ko siyang inaalalayan. Nang maiupo ko siya ng marahan ay malumanay ko din siyang ihiniga at kinumutan. May kasamang kulog at kidlat ang malakas na hangin at ulan. Masarap ang ulam sa kaning lamig, gustuhin ko mang bagalan ang pagkain ko ay hindi ko magawa. Mabilis kong naubos ang pagkain. Hinugasan ko agad ang pinagkainan ko at naisipang magtimpla muna ng kape. Sigurado naman akong hindi ako makakatulog kaagad. Muli akong bumalik sa kwarto ko, sa unang pagkakataon ay in-open ko ang cellphone na dala ko at tumingin ng mga updates doon. Mata