Damn! Hindi lang pala mapang-inis ang lalaking iyon, napaka-tuso din. Hindi ko alam kung paano makakadaan sa butas gayong nilagay na nito doon ang isa sa kinatatakutan ko. "Anong klaseng manok yan, Ate? Bakit ang lalaki at kulay itim?" nagtatakang tanong ni Lakan. "H-hindi yan manok, Lakan. Pabo ang tawag diyan. Nanghahabol yan at pwede mo siyang maikumpara sa isang aso." paliwanag ko sa kanya. "Gano'n ba, Ate. Matapang pala yan. Paano tayo dadaan diyan?" si Mayumi. Wala naman akong maisagot sa kanya. Muli akong naglakad pabalik sa malaking gate na bakal. Nakita kong may doorbell pala doon. Sunod-sunod ko iyong pinindot. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako may matanaw na isang may idad na babae, papalapit ito sa gate. "Anong kailangan mo, Iha?" magiliw na tanong niya sa akin hab