Aminado akong biglang bumangon ang takot sa dibdib ko. Pero hindi ibig sabihin noon ay nanghihina na din ako. Ang totoo, mas bumibilis ang kilos ko at mas nagiging matapang at alerto ako sa tuwing makakaramdam ako ng takot.
Pumikit ako ulit at pinakiramdaman ang mahabang nilalang na dahan-dahang lumilingkis sa buhok ko. Nang maramdaman kong bumibilis ang kilos ng ahas ay mabilis ko ding itinaas ang kamay ko at dinaklot ang ulo nito. Presto! Saktong leeg ng isang cobra ang nadaklot ko. Agad akong tumayo habang mariin ang pagkakahawak ko sa ulo nito. Para itong bulateng kumikilos at nais manlingkis. May isang dipa na din siguro ang haba nito. Tunay na napakadelikado lalo na kung makakapanuklaw ito. Nakita ko din ang paglabas nito ng likido mula sa kanyang bibig. Mabuti na lang at hindi nakaharap sa mukha ko ang bunganga nito dahil kung hindi ay paniguradong nalapnos na ang mukha ko.
Plano ko na sanang bumalik sa pwesto ni Manong Crisanto upang makuhaan ng litrato ang ahas at mapakawalan din sana ng may biglang pumalakpak mula sa likuran ko.
"Wow, Bravo!" bulalas ng isang may kalakihang boses ng isang lalaki.
Agad akong napalingon sa gawi nito. Hindi ko pa rin nabibitawan ang hawak hawak kong Cobra. Una kong napansin sa lalaki ang halos hubad nitong hitsura. Tanging ang basang boxer shorts lamang ang suot nito. Siguro ay naliligo din ito doon.
"Whoa! Don't, please. That's not a cobra," sambit niya bago tinakpan ang harapan ng kanyang boxer short.
Agad na naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Tila nakabawi naman ako, agad na inangat ko ang tingin sa mukha niya. "W-who are you? Kanina ka pa ba diyan?" Lakas loob na tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya ng nakakaloko bago sinuklay ang buhok niya palikod gamit lamang ang kanyang mga daliri.
"Uhm, yup. And I like what I just saw!"
"And you don't dare to help me, don't you?" inis na tugon ko.
Lumabi siya at tila nang-aasar pa.
"No," aniya habang dahan dahan siyang lumapit sa akin.
"And why is that?" tanong ko. Hindi ko naman binalak umatras dahil alam kong delikado ang tinutuntungan ko.
Makisig at hindi maikakailang gwapo ang lalaking ito. May kahabaan ang alon-alon niyang buhok. Napaka-manly ng kaniyang kabuoan at tunay na maaakit ang sino mang babaeng makakakita ng kanyang hitsura ngayon.
"You're staring at me again," bulong niya. Nakalapit na pala siya sa akin.
"Hell no!" Walang alinlangang tugon ko kahit ang totoo ay gustong bumigay ng tuhod ko sa kakaibang kaba na ngayon ko lang naramdaman.
"Really? Then let me see." marahan niyang ipinatong ang kanyang mga kamay sa balikat ko, pababa sa aking braso at kamay. Maya maya pa ay mabilis niya ng naagaw ang ulo ng ahas sa mga kamay ko at saka siya lumayo sa akin.
"What the hell are you doing?" Bulalas ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang na naglakad palayo sa akin.
"Poor little thing," animo'y sira-ulong kausap niya sa ahas.
Naiwan naman akong nakakunot ang noo. Gusto ko siyang habulin at dagukan. Pakiramdam ko ay naisahan niya ako. Ginamit niya yata ang kahinaan ko!
"Hey! You. Mr. Nobody. Ibalik mo 'yan sa 'kin. Muntik na 'kong madisgrasya niyan at wala ka namang ginawa para tulungan ako. How dare you!" Hindi ko mapigilang sigaw sa kanya pero tila bingi pa din ito.
Napansin ko naman na huminto siya sa bandang itaas na bahagi kung saan may lupa na. Nakita ko rin na pinakawalan niya doon ang ahas. Matapos 'yon ay bumalik siya at muling lumapit sa akin.
"Why? What do you like to do with that little thing? gusto mong patayin ang maliit na hayop na 'yon?" nakita ko ang galit sa mga mata niya.
"Did I say I'm gonna kill it?" Sarkastikong balik-tanong ko sa kanya.
"No, but I think you will." Nakataas pa ang kilay nito ng sambitin niya iyon. Napabusangot naman ako.
"Ewan ko sayo. Sinayang mo lang moment ko." akma na sana akong tatalikod upang iwanan na ang lalaking iyon ngunit nakita ko si Manong Crisanto na papalapit na din sa gawi ko.
"Andriette, okey ka-" hindi naman nagawang ituloy ni Manong Crisanto ang sasabihin ng makita ang lalaki sa likuran ko. Agad siyang yumukod dito, lalo naman akong nainis sa ginawa ni Mang Crisanto. Hindi ko namalayan na sumunod na pala siya sa akin doon.
"S-sir Dominic, k-kayo ho pala." tila ilang na sambit niya.
Nabaling naman ang tingin ko sa lalaki, ngumiti ito ng bahagya at tumango kay Manong.
"O, Mang Cris. Teka, tino-tour 'nyo ho ba itong babaeng 'to dito?" Nakapamaywang na sambit niya.
"Kilala n'yo ho siya?" curious na tanong ko kay Manong.
Nakayuko pa rin siya kahit na tumatango sa akin.
"Oho, costumer ko siya. Pasensya na ho kayo. A- tara na, Andriette. Mauna na ho kami, Sir Dominic." paalam niya sa lalaki.
Muling tumango ang lalaki at ngumiti sa akin.
"Sige ho, mag-iingat kayo Manong. Lalo na sa ahas! Nice meeting you, Andriette." halos abot tainga naman ang ngiti nito at tila nang-aasar pa.
"I'm not pleased to meet you, Dominic!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko ang pamumula sa mukha ni Manong Crisanto. Lalo pa itong nagmadali sa paghakbang.
"T-teka ho, Manong. Baka naman madulas kayo." nag-aalalang sabi ko sa kanya.
"Naku, ikaw talagang bata ka!" bulalas niya habang patuloy sa paglalakad ng medyo mabilis. Tila kabisado niya naman ang bawat tatapakan.
"Ano bang ginagawa niya dito? Kailan pa siya nagagawi sa ganitong klaseng lugar!" Naririnig kong bulong ni Manong Crisanto sa sarili.
"Kausap n'yo ba 'ko, Manong?" kunwa'y tanong ko sa kanya.
"A- hindi. Halika na." Iniabot niya sa akin ang kamay niya upang tulungan akong maka-akyat ng mabilis.
"Sino ho ba 'yon, Manong?" Takang tanong ko sa kanya ng maka-akyat na kami parehas sa tuyong lugar.
"Anak 'yon ng sinasabi ko sayong pamilya na kilala at mayaman dito sa amin," aniya habang unti-unting inaayos ang mga bag na dadalahin namin.
"Teka, paano kayo nagkakilala? Nagalit ba siya sayo? Bakit parang kakaiba siya ngayon?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Manong Crisanto.
Parang wala naman akong maisagot sa kanya. Pansamantala akong hindi umimik ngunit nakaisip din ng isasagot kalaunan.
"Ano hong kakaiba siya? E, mukhang natural na bastos naman 'yon, Manong. Hindi ho ba?" tugon ko sa kanya.
"Naku, ikaw talaga. Huwag ka masyadong maingay lalo na at ganyan ang sasabihin mo. Baka may makarinig sa 'yo at mapasama ka pa," nag-aalalang sabi niya.
Hindi na ako kumibo. Tila totoo nga na takot ang mga taong ito sa pamilya ng lalaking iyon. Pwes, hindi ako!
Hindi ko tuloy na-enjoy ang magandang tanawin na 'yon.
"Manong, magrerequest sana ako," paki-usap ko sa kanya.
"Ano 'yon?"
Nilinis ko muna ang lalamunan ko bago nagsalita.
"Pwede bang kuhaan ko muna ng picture 'tong lugar? Kahit hindi na ako bumaba. Do'n na lang ako pupunta." itinuro ko ang madamong parte ng gubat ngunit ang binabaybay naman nito ay ang kabuoan ng sapa.
Tila nag-iisip pa si Manong Crisanto kung papayag o hindi.
"Sige na ho, Manong. Hindi ako sigurado kung makakabalik pa ako dito, ang ganda ganda pa naman dito," pagmamakaawa ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"O, siya! Basta 'wag ka magtatagal, ha?"
"Opo," masayang tugon ko. Agad kong inayos ang camera ko at isinukbit 'yon sa leeg ko. Nagsimula na akong kumuha ng mga litrato. Kada anggulo na maganda ay walang sawang kinukuhaan ko ito. Maya maya pa ay dahan dahan na din akong lumayo at pumasok sa kasukalan para makuhaan ng maayos ang ilang parte ng napakagandang sapa.
Nang itaas ko ang hawak na camera ay may nakita akong pugad ng ibon sa bandang itaas ng isang puno. Nasaktuhan ko naman ang pagpapakain ng inahin sa kanyang inakay ng isang bulate. Na-amazed ako sa tanawin na 'yon. Agad ko iyong kinuhaan habang naka-zoom in.
Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko. Inilipat ko ang camera sa iba pang uri ng puno. May mga puno doon na iba iba ang kulay ng dahon, may orange at pula na sobrang nakaka-agaw pansin. Hindi ko pinalampas ang mga iyon at pinikturan din. Napansin ko din ang cameleon sa isang sanga na kung titingnan lang ay di mo ito gaanong mahahalata pero dahil naka-zoom in ang camera ko ay malinaw ko itong nakita at nakuhaan ng litrato.
Muli ko pang iginala ang paningin ko.
Ang last but not the least ay ang talon na pinanggagalingan ng tubig na umaagos sa magandang sapa. May kataasan ito at may kalakasan din ang ibinanagsak na tubig. Hindi ko ito nakita kanina bagama't rinig ko ang tubig na nanggagaling dito. Medyo malayo pala ito sa pwesto ko. Kailangan mo pang lumiko sa kaliwang parte ng sapa upang matanaw ito.
Sa sobrang tuwa ay kinuhaan ko ito ng litrato. Sinubukan kong muling i-zoom ang camera at sinuyod ang pababang parte ng talon. Napansin ko na tila may maliit na butas sa ilalim ng talon na iyon, lalo akong namangha. Di ko pa nga lang makita ang parteng iyon ng maayos dahil biglang nag-blur ang camera ko. Inalis ko muna ang mata ko doon at naghintay ng ilang segundo bago muling sinilip ang ibabang bahagi ng talon sa pamamagitan ng camerang dala-dala ko.
Halos maibato ko ang camerang hawak ko ng malinaw kong makita ang bulto ng isang lalaki doon. Hindi sinasadyang nakuhaan ko ito ng litrato. Muli ko pa iyong tiningnan dahil pakiwari ko ay namamalik-mata lamang ako pero totoo iyon! Maaaring si Dominic iyon pero sa pagkakataong iyon ay sigurado akong hubad na ang lalaki habang nasa gitna ng kweba at nasa loob ng talon! May umaagos man na tubig mula sa itaas ay malinaw ko itong nakikita sa aking camera. Nakatalikod ito, kita kita ko ang pang-upo niya na agad nagpamula ng dalawang pisngi ko.
Nang akma itong haharap ay mabilis kong ibinaba ang camera. Mabilis din ang t***k ng puso ko. Gusto kong yumuko sa matataas na talahib upang hindi niya ako makita. Tumalikod ako at dahan-dahang naglakad pabalik kay Mang Crisanto. Medyo malayo naman ang pwesto ko pero kung nasa labas lamang si Dominic ay siguradong makikita niya din ako doon. Parang gusto ko na tumakbo at makalayo doon. Nakakahiya ang ginawa ko. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako naka-experience na makakita ng kabuoan ng isang lalaking walang saplot sa katawan. Halos matapilok pa ako sa kagustuhang makalayo agad sa lugar na iyon.
"O, bakit namumutla ka?" nag-aalalang tanong ni Manong Crisanto sa akin.
Tumikhim ako bago nagsalita.
"Uhm, n-nauuhaw na po kasi ako, Manong." Pinilit kong ngumiti.
"Gano'n ba. O, etong tubig mo," aniya at inabot sa akin ang isang mineral water na nasa bulsa ng bag ko.
"Salamat, ho." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Tara na ho, Manong." yakag ko na rin sa kanya.
"Marami ka bang nalitratuhan?" masayang tanong niya sa akin.
Tumango na lamang ako bilang tugon sa kanya.
"Mabuti naman kung gano'n. O siya, tayo na. Malayo layo pa ang lalakbayin natin." Nauna na siyang naglakad sa akin habang tahimik akong sumusunod sa kanya.
Hindi mawala wala sa isip ko ang hitsura ni Dominic. Nararamdaman ko nalang na namumula na ang pisngi ko sa 'di malamang dahilan. Hindi siya masyadong maputi pero hindi rin naman masasabing moreno. Nasa gitna lang siguro ang kulay niya. Takaw pansin din ang pinong balahibo mula sa kanyang puson paakyat sa kanyang pusod. Napansin ko iyon kanina gayundin ang pinong balahibo sa kanyang hita pababa sa kanyang binti.
May bigote itong bumabalot sa kanyang baba paitaas sa kanyang tainga na bumagay naman sa medyo pahabang hugis ng kanyang mukha at may kalakihang panga. Kung susumahin ay lalaking lalaki ang hitsura ni Dominic. Matangos ang kanyang ilong, malamlam ang mga mata at maninipis ang labi.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng mawalan ng balanse dahil sa batong matigas na nakaharang pala sa tinapakan ko. Hindi ko nakontrol ang sarili ko dahil mabigat din ang bag na sukbit sukbit ko sa likuran, dere-deretso akong bumagsak sa lupa ngunit nagawa kong ipangtukod ang mga kamay ko.
"Nyayy!" bulalas ko.
Mainit init pa at malambot ang tae ng kalabaw na nabagsakan ko. Mabuti na lang at naitukod ko ang dalawang kamay ko at ito lang ang nalublob doon.
Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Manong Crisanto pero hindi maitatanggi na natatawa ito sa itsura ko. Pigil ang mga tawang nais kumawala sa kanyang mga labi.
Mabilis siyang lumapit sa akin at itinayo ako ng dahan-dahan.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ko matapos niya ako maitayo ng maayos. Nanlalatak ang mga kamay ko sa tae ng kalabaw. Gaya ng inaasahan, bumunghalit na din ng tawa si Manong Crisanto. Halos mamula ang mukha nito sa katatawa habang ako ay maiyak-iyak naman sa sinapit ko…