"Kumusta na ang pakiramdam mo, Iho?" tanong ni Inang sa akin. Magkakasalo kami sa hapag kainan upang mag-almusal. Tiningnan din ako ni Akay at Andriette. Tumango ako at ngumiti sa kanila. "Mabuti na po," simpleng sagot ko. "Mabuti naman kung gano'n. Ibig ba'ng sabihin n'yan babalik ka na sa inyo?" si Akay iyon. Hindi ko alam pero napasulyap ako kay Andriette na noo'y humihigop ng kape. Hindi siya nakatingin sa akin pero naroon ang kagustuhan kong manatili muna doon. Narinig ko ang pagtikhim ni Akay, "ah, babalik na lang po siguro ako dito one of these days, Akay. Wala din ho akong mga damit na pampalit." paliwanag ko sa kanya. "Ibalik mo 'yang damit ko, ha?" agad na singit ni Andriette. "Teka, ayaw mo bang bilihan na lang kita ng bago?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Sunod-sunod s