DOMINIC's POINT OF VIEW Naalimpungatan ako ng mapanaginipan ang nakaraan kong 'yon. Sumusuot din sa balat ko ang lamig ng panahon. Kinapa ko ang magkabila kong braso, malalamig iyon, wala pala akong kumot. Sinipat ko ang higaan, nagulat pa ako ng makitang may katabi akong babae doon. Oo nga pala! muntik ko na rin makalimutan na nasa ibang bahay ako at nakikitulog lang sa kwarto ni Andriette. Masyado yata akong nadala ng panaginip ko kanina. Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago muling sinipat ang dalaga. Nakaharap siya sa gawi ko habang nakatanday ng kumportable sa unan na nasa pagitan naming dalawa. Nakakumot ito ng hanggang beywang pero hantad pa rin ang braso niya at- dibdib! Napalunok ako ng laway, may kalakihan ang hinaharap ni Andriette at kita mula sa pwesto ko ang maliit na