Chapter 4 -Mapang asar na Marcus-

2314 Words
◄Mayson's POV► A knock on my door stops me from working on my laptop. Masama akong tumingin sa pintuan dahil may nang-iistorbo sa akin. Naiinis ako dahil kung sino man ito ay malaking sagabal sa ginagawa ko. "Who is that and what do you want?" I yelled, trying to hide my frustration but failing. Arg! Saan ba kasi nagpunta ang babaeng 'yon? I have searched everywhere, pero hindi ko siya mahanap. Damn it, Catherine! Nasaan ka na ba? It has been a year at hanggang ngayon ay hindi pa rin kita mahanap-hanap. Damn it, nagkaanak nga ba ako sa'yo? Damn, damn, damn! Hinahanap ko siya para kuhanin ang bata kung nagkaanak nga talaga kami. Pero nasaan na nga ba siya? Hindi ko tuloy alam kung totoong buntis siya nuon, o gusto lang niya akong pikutin. Kapag nalaman ko na totoong buntis siya nuon at may anak pala kami, kukuhanin ko sa kanya ang bata dahil ako lang ang makakapag-bigay ng magandang buhay sa anak ko. Bumukas ang pintuan at walang sabi na pumasok ang dalawa kong pinsan na sina Marcus at Hanz. Hindi ko sila nilingon. Base lang sa amoy ng pabango nila kaya nahulaan ko kung sino ang pumasok sa silid ko. I quickly shut the lid of my laptop, hoping na hindi nila nakita ang ginagawa ko. "Are you still searching for her? It has been a year, at baka nga wala na siya sa Pilipinas," Marcus said. I shook my head, annoyance bubbling up as I stood and walked towards the balcony. Magpapahangin lang muna ako dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga sa loob ng silid ko. "Sino ba ang hinahanap mo? Maybe I can help," Hanz offered. I rolled my eyes at him. He couldn't even manage his own girls, so how could he possibly help with mine? Yeah, whatever! "Nah! Hindi mo na kailangan pang malaman," I responded, rolling my eyes again as I took out a cigarette. "Gago ka! Kapag nakita ka ng Dad mo na naninigarilyo, grounded ka ulit ng one month. Did you forget what happened last time? It was worse than being stuck in a quarantine room." Marcus warned. I laughed, but I didn't care. "Malapit na akong mag-twenty, so what's the big deal? I'm not a kid anymore, so you all need to stop treating me like one. Nakakainis ang ganyan, saka bakit ba kayo nandito? Wala namang masama kung manigarilyo ako, at huwag nyong ipanakot sa akin na isusumbong ninyo ako sa aking ama. I can make my own decisions and handle my own life. It's time you all recognize na nasa hustong edad na ako, at tigilan mo ng kasasabi sa akin kung ano ba ang dapat kong gawin." I replied, trying to mask my frustration. I took a deep drag from my cigarette, exhaling slowly as I tried to calm my nerves. Napatingin ako sa ibaba, nakikita ko ang mga tauhan ng dad ko na masayang nag-uusap. I smirked, at muli kong hinitit ang sigarilyo ko. Mukhang nandito na naman ang ama ko. Baka na-cancel ang meeting. "The amazing peklat boy is annoyed, akala mo naman gwapo." Pang-aasar ni Marcus, his voice dripping with sarcasm. Hanz burst into laughter, and I shot him a menacing glare, hoping to wipe the grin off his face. Instead, my evil look only made him laugh harder, his amusement growing at my expense. Damn my cousins. Wala na silang ginawa kung hindi ang asarin ako. Alam ko naman na kaya nandito si Marcus ay para pag-tripan na naman ako. Lagi naman 'yan. Wala na siyang nakita kung hindi ang peklat ko sa mukha. Pero alam ko kung bakit niya 'yon ginagawa, gusto kasi niya na ipaayos ko na ang peklat ko para mawala na ito. Hindi pa ngayon, ito ang peklat na kilalang-kilala ni Catherine. Pero pinag-iisipan ko na rin naman na ipatanggal ito, makulit din naman kasi ang aking ina. Minamaya't maya ako na ipaayos ko na raw. "Ano ba ang masama sa peklat ko? Tumigil ka, Marcus. Hindi ka nakakatuwa. Kahit may peklat ako, gwapo ako at alam ninyo 'yan." I snapped. My voice tinged with irritation. If I could, I would kick him in the balls, but I knew better. Siguradong siya ang kakampihan ni Lolo, at ako na naman ang mapapasama. Ganuon naman palagi. Kasi para kay lolo, sakit ako ng ulo. Pero hindi naman 'yon totoo, nagkataon lang na lagi akong habulin ng chicks kahit may peklat ako sa mukha ko. "Sus! Saan ka gwapo? Parang wala naman kaming nakikitang kagwapuhan sa mukha mo. Anyway, ita-transfer na sa akin soon ang organisasyon ni lolo at tatawagin na akong King Venum. Wanna join my organization?" I laughed sarcastically and shook my head. "No thanks. Iyo na 'yan." Sagot ko kaya natawa siya. "Kung sabagay, gusto ko puro gwapong katulad ko ang miyembro ng aking organisasyon. Nandiyan naman ang mga kaibigan ko, lahat sila nakakapanglaway ang kagwapuhan. Hindi katulad ng iba diyan na..." He said, making me even more upset. Why is he trying to get on my nerves? Damn you, Marcus! Sana pwede ko itong suntukin sa mukha para matauhan na hindi niya ako dapat kayan-kayanin lang, kaya lang ako na naman ang pag-iinitan ni lolo. Si Hanz naman ay tawa lang ng tawa na parang laging may clown sa paligid. Magkakampi talaga ang mga bugok na ito na feeling gwapo. Buti na lang at wala dito si Hugo, isa pa 'yong numero uno kung mang-asar. I clenched my fists, trying to keep my cool. My cousins had a knack for getting under my skin and seemed to take great pleasure in it. "Bakit ba pikon na pikon ka sa amin? Or should I say na napipikon ka sa akin? Ganyan na ba ako kagaling mang inis para mapikon ko ang isang Mayson Jayden Dux? I'm only here dahil I want to know if you need help para mahanap si Catherine, pero kailangan ko ng picture niya at ng kanyang buong pangalan. I'm pretty sure may last name ang Catherine na 'yan." I made face, showing him na hindi ko need ang tulong niya. "Ayaw ni Amazing peklat ng tulong ko." Sabi ni Marcus, natawa pa ito kaya mas lalo akong napipikon dahil dalawa na silang pinagtatawanan ako. Sira ulo talaga ang Marcus na ito. Ang lakas mang-asar, kay sarap suntukin ng mukha niyang gwapo. Oo, totoong gwapo talaga ang tarantadong 'yan. "Seriously guys, don't you have anything better to do? Umalis na nga kayo dito dahil napipikon lang ako sa inyo." I said, hoping to divert their attention. "I have a lot on my plate right now, and your jokes aren't helping." Dagdag kong sabi. Natawa naman si Marcus at ikinatang ang kanyang dalawang kamay sa fence ng balkonahe ko at tumingin sa paligid. "Ang sabi ko ay umalis na kayo." But of course, my words fell on deaf ears. Marcus just smirked at kinuha ang kaha ng sigarilyo ko at kumuha ng isa, at pagkatapos ay ngumisi at tumingin sa akin, clearly enjoying the reaction he was getting from me. Hanz, on the other hand, continued to chuckle. Moments like these made me wish I could disappear, even if just for a little while, just to escape their relentless teasing. "Huwag ka ngang mapikon sa amin Mayson. Kaya kita mas lalong inaasar dahil masyado kang pikon. Seryoso ako sa sinabi ko, tutulungan kitang hanapin ang Catherine na 'yon basta mabibigyan mo ako ng kahit na isa sa hinihingi k kong information sa'yo." Humugot ako ng malalim na paghinga. Hindi ko alam kung ano ang buo niyang pangalan. Ipinahanap ko ang pangalan niya sa school, pero sa dami ng Catherine ay puro naman hindi ito nagtutugma. Nagkamali ba ako sa pangalan niya? Tinanong ko naman ang isa sa classmates niya at ang sabi ay Catherine ang pangalan nito. Iyon ang mga panahon na siya ang nakapulot ng sunglasses ko at ibinigay sa office. Magpapasalamat sana ako nuon kaya naitanong ko sa classmates niya kung ano ang pangalan ng babaeng naka-salamin na mahaba ang buhok. Sabi nila ay Catherine. Duon ko nalaman na Catherine ang pangalan niya. Damn it, Catherine, where are you? Magpakita ka sa akin, kailangan kong malaman kung may anak nga ba ako sa'yo. ❀⊱Trisha's POV⊰❀ "Queen, bakit kaya ang tagal naman yata matapos ng regla ko? Saka bakit parang masakit ang ano ko? Normal ba talaga ito? Sabi ni nanay ay dahil sa matagal kong pagkakatulog kaya ngayon lang ako dinatnan ng buwanang dalaw ko. Ganuon pala 'yon, ang sakit ng kiffy ko, parang may sugat." Nilapitan ako ng kapatid ko. Tumawa ito at sinuklay niya ang mahaba kong buhok. Sabi din niya ay ganuon nga daw talaga 'yon. Pakiramdam ko tuloy ako 'yung nanganak, pero imposible dahil wala pa akong karanasan at virgin pa ako. Wala nga akong boyfriend kaya paano naman ako magbubuntis? May sakit kasi ako kaya ganito ang nararamdaman ko, sana lang ay gumaling na rin ako para mawala na ang panghihina ng katawan ko. Birthday ngayon ni Queen at may kaunti kaming handaan sa labas. Kami-kami lang naman at wala naman kaming bisita. Nagluto lang si nanay ng spaghetti na paborito namin ni Queen, may cake at may pansit din. Saka menudo at kanin. Nagluto naman si Tito Manuel kaninang umaga ng suman at puto. Tumulong pa nga ako dahil ako ang taga tikim niya. "Alam mo ate excited na ako sa pag-papaayos nila sa ngipin mo. Excited na rin ako na ipaayos nila ang mga mata mo. Wala ng manunukso sa'yo ng nerd. Hindi ka naman kasi talaga nerd, nagkataon lang na hindi ka nabiyayaan ng magagandang ngipin, pero gayunpaman, alaga naman ang ngipin mo at walang kahit na isang cavity. Tapos mabango pa ang hininga mo. Pero sabi daw ng dentista kay nanay ay maaayos nila 'yan sa loob lang ng isang buwan. Malalaki kasi ang ngipin mo at kaya daw nilang ayusin 'yan. Excited na tuloy akong makita ang itinatago mong kagandahan." Natahimik naman ako. Malapit na nga pala 'yon. Sabi ni nanay ay hinihintay lang daw nila na mas lumakas pa ako. Tapos ay dadalhin na nila ako sa doktor ng mga mata para maayos na raw nila ang aking paningin. Excited ako, kasi gusto ko ng matanggal ang suot kong makapal na salamin. Tapos excited na rin ako na makangiti na hindi ako nahihiya. Kasi nga ang laki ng mga ngipin ko. Kung paano nila gagawin na maayos ang ngipin ko ay hindi ko alam. "Queen, may itatanong ako sa'yo. Pero gusto ko ay sagutin mo ako ng totoo." Napatingin sa akin ang kapatid ko, itinigil niya ang pag-aayos sa aking buhok at naupo ito sa tabi ko. "May nangyari ba sa akin na hindi ko alam? Kasi naulinigan ko si tatay at nanay na nag-uusap, sabi nila na mas okay ng wala akong naaalala sa aking nakaraan kaysa magdulot ito ng matinding kabiguan sa puso at isip ko. Umamin ka nga sa akin, kaya ba ako nagkasakit dahil may nangyari sa akin?" Nakita ko na bahagya siyang nagulat, pero saglit lang 'yon at sumagot din siya agad sa akin. "Hindi naman ikaw ang pinag-uusapan nila. Chismosa ka na nga palpak pa ang nasagap mo. Si Tita Liway 'yon, kasi nuong ipinanganak niya ang kanilang anak ni Tito Manuel ay may kumuha sa kanilang anak na sanggol, kaya mas mabuti na hindi na lang maalala ni Tita Liway ang nangyari sa kanyang nakaraan kaysa naman makaramdam ulit siya ng matinding kabiguan sa isip at puso niya. Hay naku ate, chismosang palpak ka. Hindi ka pwedeng maging Marites niyan." Natawa ako sa kapatid ko. Kinabahan pa naman ako. Akala ko talaga ako ang tinutukoy nila, si Tita Liway pala. Naikwento na nga ito sa akin ni nanay nuong isang araw. Bakit ba hindi ko 'yon naisip? "Halika na nga sa labas at kanina ka pa nila hinihintay. Excited na akong kumain ng spaghetti at cake. Sabi ni tatay a bumili siya ng fried chicken kaya kumpleto na ang paborito natin." Tuwang-tuwa naman ang kapatid ko at sabay na kaming nagtungo sa malaking bakuran. Pero laking gulat namin ng maraming bisita ang tumambad sa amin. "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday Queen Love." Malakas na pag-awit at palakpakan ang sumalubong sa amin. Tuwang-tuwa ang kapatid ko at hinipan niya ang cake na may sinding kandila na hawak ni nanay. "Happy Birthday Queen!" Pagbati ng lahat sa aking kapatid. Ipinakilala kami nila nanay sa mga bisita nila. Mga malalayong kamag-anak pala sila nila Tito Manuel na nakatira daw sa kabilang ibayo. "Hi Trisha, ako nga pala si Bentot." Tumaas ang dalawang kilay ko at unti-unti akong tumatalikod. Bahala siya diyan, hindi ko siya type, sa pangalan pa lang nakaka-ano na, kaya huwag siyang magpa-cute sa akin. Actually, hindi naman siya pangit, wala lang sa kanya ang katangian ng isang lalake na gusto ko lalong-lalo na ang pangalan. Mabilis naman akong nilapitan ni Queen at saka ako pinalo sa braso. "Si ate ang sama!" Ngumuso ako, napatingin ulit ako sa nakikipagkilala sa akin na Bentot daw ang pangalan. Panay pa rin ang pa-cute niya kaya hindi ko talaga siya pinapansin. "Gwapo naman siya. Matangos ang ilong, matangkad at..." Pinutol ko agad ang sasabihin niya. "At... payatot at moreno. Tapos ang baho pa ng pangalan niya. Kilala mo naman ako, hindi ba? Nai-in love ako sa isang tisoy at maganda ang pangalan, 'yung macho ang dating sa pangalan pa lang. Iyon talaga ang ideal man ko. Isang tisoy na matangkad at maganda ang pangalan." "Hindi naman kasi Bentot ang totoo niyang pangalan. Narinig ko kanina duon sa dalawang babae na kasama niya, ibang pangalan ang tinawag sa kanya, parang Rufus yata. Ah basta parang ganoon." Hindi ko na pinansin pa ang kapatid ko at kumuha na lang ako ng plato para makakain na ako ng spaghetti. Ayoko sa pangalang Bentot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD