Chapter 5 -Ang kulay ng mga mata ni Emboy-

2356 Words
❀⊱Trisha's POV⊰❀ Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng magpatingin ako sa isang doktor. Maayos na ang pakiramdam ko at parang normal na ulit sa akin ang lahat. 'Yung pananakit ng katawan ko ay tuluyan ng nawala. "Wow ate, kinabitan ka na pala ng braces sa ngipin. Masakit ba? Sabi ng marami ay masakit ang nakasuot ng braces at hindi makakain ng maayos ng ilang araw." Napangiti ako kay Queen. Pero hindi naman ako makapag-salita dahil ang sakit ng mga gilagid ko, lalong-lalo na ang mga ngipin ko. Daig ko pa yata ngayon ang binubunutan ng ngipin, isa-isa. I never expected to be hurt like this. Nakakainis talaga! "Si ate naiiyak na. Sabi na nga ba masasaktan ka. Kasi ang kaklase ko dati ay naka braces din, tapos hindi siya makakain kasi ang sakit-sakit daw. Lalo na daw kapag time na ng adjustment. Every three weeks ina-adjust ang braces niya, ganuon din ba sa'yo?" Tumango lang ako sa kapatid ko tapos sinenyas ko ang ngipin ko na masakit kaya hindi pa ako makapagsalita. Aatayin ko munang mawala ang sakit nito. "That's okay ate, after naman ng isang taon, I'm sure na ang laki na ng pagbabago ng ngipin mo. I can't wait to see your big transformation. Tignan mo 'yang mga mata mo, wala ka na ring salamin dahil isang buwan na mula ng ma-LASIK ka. Buti nga hindi na masakit ang mga mata mo at hindi ka na nagluluha. Nag-heal na talaga ang mga sugat sa loob ng mga mata mo. Ang ganda mo ate. Pati ang kilay mo, tapyas na, thanks to me!" Wika ni Queen at humagikgik pa ito. Kahit masakit ang ngipin ko ay natawa ako sa kanya. Puro na lang kalokohan ang kapatid ko, kaya mahal na mahal ko talaga si Queen. Syempre mahal ko din ang bunso kong kapatid na si Emboy. "Pero seryoso ate, sobrang ganda mo na. Huwag ka pa lang ngingiti kasi hindi pa ayos ang ngipin mo. Ang pangit pa ng ngipin mo eh!" Umirap lang ako sa kanya. Ngipin ko na naman ang nakita nito. Dumating naman si nanay at pinagalitan siya dahil sinabihan niyang pangit ang ngipin ko. Humarap ako sa salamin. Inilabas ko ang lahat ng ngipin ko at tinitigan ko ang sarili kong reflection. Unang araw pa lang ng braces ko ay napapaiyak na ako sa sakit. Akala ko ay simple lang, pero hindi naman pala madali. Ang sakit talaga at hindi ako makakain. Hinimas ko ang kilay ko. Ang ganda ng pagkaka-ahit ni Queen. Mula ngayon ay lagi ko na itong aayusin para hindi na bumalik ang makapal kong kilay. Aayusin ko na rin palagi ang buhok ko para naman hindi parang walis tambo ang buhok ko. Pati ang pananamit ko ay binago ko na rin. Napahawak ako sa bibig ko. Kumikirot na naman. Jusko normal ba talaga ito? It felt like all my teeth were being pulled out slowly without anesthesia. Ganuon siya kasakit. Jusko tiis ganda ako ngayon! Pero... sino kaya ang unang manliligaw sa akin kapag gumanda na ako ng tuluyan? Gusto ko ang unang boyfriend ko ay gwapo at tisoy, at sa kanya ko lang iaalay ang pagka-birhen ko. Sabi ng aking ina ay maganda naman talaga ako, kaya lang ay malalaki ang mga ngipin ko at nakausli kaya pati nguso ko ay nakausli. Ang sabi ng dentista kanina ay malaki ang magiging pagbabago kapag pumasok na ang ngipin ko. Isa pa ay aayusin daw nila ito para hindi masyadong malaki. Iyon lang daw ang aayusin nila sa akin dahil ang mukha ko daw ay napakaganda. Hmp! Feeling ko ay inuuto lang ako ng dentista na 'yon kanina kasi umiyak na ako sa sakit ng gilagid ko. "Ate, gusto mo bang kumain kahit lugaw? Ipagluluto kita. Kailangan mo kasing kumain dahil hindi ka pa kumakain ng pananghalian." Napatingin ako kay Queen. Bahagya kong ibinuka ang bibig ko. Kahit papaano ay tumatalab na ang gamot na ipinainom sa akin. Pain killer daw 'yon para makakain ako kapag nawala na ang sakit. Pero sa tingin ko naman ay unti-unti ng nawawala. "Huwag na. Sabi ni Tita Liway kanina ay maluluto na ang ginataang mais niya kaya bibigyan daw niya ako ng marami. Excited na tuloy akong kumain, alam mo naman na paborito ko 'yon." Sagot ko, tapos ay ginalaw-galaw ko ang panga ko. Nakakangawit palang magsalita kapag may braces at maraming goma. Ang hirap niyang ibuka kaya talagang nakakangawit, pero sabi naman ay pwede kong tanggalin ang goma kapag nahihirapan ako, pero mas okay daw kung hindi ko tatanggalin para mas mapabilis ang proseso. Syempre duon ako sa hindi ko tatanggalin. Tiis ganda talaga ako at pagtitiyagaan ko ito. Narinig kong umiiyak si Emboy. Napatingin ako sa kuna. Nilapitan ko ang kuna at tinitigan ko ang kapatid ko na umiiyak lang. Ewan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit pakiramdam ko ay gusto ko siyang yakapin, bakit gusto kong maiyak habang pinagmamasdan ko ang kapatid ko? Normal lang ba ang nararamdaman ko? "Ate, bakit tinititigan mo lang si Emboy? Umiiyak kaya, bakit hindi mo man lang kinarga? Huwag mong sabihin na masakit ang ngipin mo dahil sa braces mo. Bakit, ngipin mo ba ang bubuhat sa kanya?" Wika ng kapatid ko at binuhat niya si Emboy at saka niya ito hinele ng hinele. Sa inis ko ay kinurot ko siya sa kanyang tagiliran kaya natawa siya. Ang hilig talaga niyang mang-asar. "Grabe ka naman sa akin. Parang napakalaki naman ng mga ngipin ko kung magsalita ka." Inis kong sabi. Natawa siya at ibinigay niya sa akin si Emboy. Napatitig na naman ako sa kapatid kong si Emboy. Ewan ko ba kung bakit iba ang pakiramdam ko sa tuwing hawak ko ang bunso kong kapatid. May kung anong kakaibang damdamin ako sa kapatid ko na hindi ko maipaliwanag. Naguguluhan ako, iba kasi ito sa nararamdaman ko para kay Queen. Ibang klase ng pagmamahal na mahirap ipaliwanag. "Gagawa lang ako ng gatas niya. Saglit lang ako ate." Tumango lang ako sa kapatid ko. Tinitigan ko si Emboy. Ang bigat na niya at ang laki-laki na niya. Six months old na siya at habang lumalaki siya ay lalo siyang gumagwapo. Pero bakit kaya hindi niya kamukha sila nanay at tatay? Ang mga mata niya, ang layo sa mga mata namin. Bakit kaya ganuon? Bakit may ibang kulay ang kanyang mga mata samantalang sa amin ang brown lang? Saan kaya pinaglihi ni nanay si Emboy? Ang gwapo, siguro kapag lumaki ang kapatid kong ito, pwede siyang maging artista o kaya ay modelo. Sobrang tangos din ng kanyang ilong. I mean... matangos naman ang ilong namin, wala naman sa lahi namin ang pango, pero ibang-iba ang ilong ni Emboy, bakit kaya? Pagbalik ni Queen ay kinuha niya sa akin si Emboy. Nakatingin lang ako habang may nakapasak na feeding bottle sa bibig ng bunso naming kapatid. "Queen, bakit kaya iba ang hitsura niya sa atin? Tignan mo ang mga mata niya, bakit ang ganda ng kulay samantalang lahat naman tayo ay brown ang mga mata. Tignan mo sa kanya, kapag nasisinagan ng araw, nag-iiba ang kulay. Kapag ang suot niya ay dark color, nagiging dark din ang kanyang mga mata at kapag light colors, grabe ganuon din ang nangyayari sa kanyang mga mata. Bakit ganuon? I mean... si nanay ay maganda ang kulay ng mga mata dahil kila lolo, pero iba ang kulay ng mata ni Emboy sa kanila. Sa tingin mo, bakit iba sa kanya?" Napatingin sa akin si Queen. Hindi agad siya nakakibo, tila ba nag-iisip ito ng kanyang isasagot sa akin. "Nandiyan pala kayong dalawa. Tawag na kayo ng Tita Liway ninyo dahil nakaluto na siya ng ginataang mais." Nang marinig ko ang sinabi ni nanay ay namimilog ang aking mga mata. Mabilis na akong tumakbo palabas ng bahay at pinuntahan ko na agad si Tita Liway. "Ate, hintayin mo ako!" Malakas na sigaw ni Queen. Pero tumawa lang ako at mabilis lang akong tumakbo para ako ang unang makakain ng paborito kong ginatan. ◄Mayson's POV► "Fuuuuuuck!" Malakas kong sigaw at inihagis ko sa dingding ng aking silid ang laptop na bagong bili ko lang. Damn it! I want to know kung nagkaanak nga ba kami ni Catherine, but I still haven't been able to find her. Hindi ko na alam kung saan pa ako maghahanap. I feel like I have searched every corner of the Philippines, pero talagang wala. Ilang katok sa pintuan ng silid ko ang lalong nagpainit ng ulo ko. Inis akong tumayo at galit kong binuksan ang pintuan. Kung kaylan ang dami kong inaasikaso at iniisip ay saka pa may nangungulit. "What? Didn’t I tell you earlier not to disturb me? Damn it, I’m busy right now!" I yelled, showing my frustration. Napapiksi naman sa gulat ang kasambahay namin. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin at inis kong isinara ng malakas ang pintuan at padabog akong naupo sa kama. Simpleng utos, hindi niya magawa. Bwisit! Tinignan ko ang laptop ko na nawasak at nakakalat sa sahig. Humugot ako ng malalim na paghinga at saka ako nagtungo ng aking banyo. Humarap ako sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko at ang peklat ko. Lalo na sa may bandang baba ko. I think Marcus is right. It’s time for me to deal with my scars and think about having surgery to get them removed. Muli kong hinimas ang mukha ko. Inalala ko ang nakaraan kung bakit ko natamo ang peklat na ito. I let out a long sigh as I turned on the faucet, letting the cool water flow before splashing it onto my face to wash away the day’s worries. Paglabas ko ng aking banyo ay nagulat pa ako ng makita ko si Hugo na nakaupo sa gilid ng kama ko. Punong-puno ng luha ang kanyang mga mata. Nagulat ako. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pinsan ko na umiiyak. "Bro, ano ang nangyayari sa'yo? Bakit ka umiiyak?" He didn't say a word, and I’m incredibly worried about him. Para lamang siyang bata na umiiyak, at nakikita ko sa kanyang mga mata na nasasaktan ito. Something must have happened, and I need to find out what it is. "Dude, hindi ka naman pupunta dito sa akin kung iiyak ka lang. Alam ko na kaya ka nandito ay upang magsabi sa akin ng dinaramdam mo." Nag-angat siya ng mukha. Nakikita ko ang sakit na gumuguhit sa kanyang mga mata. "I joined Lolo's organization. I had to... at least before Marcus is appointed as the new leader." Nagulat ako sa sinabi niya. Two months from now ay si Marcus na ang tatanghaling pinuno ng Venum organization, pero bakit siya sumali agad kay lolo? Ano ang problema niya? "I joined Lolo's organization because I felt a deep need for revenge. Maria betrayed me in the worst possible way... she not only cheated on me but also had the guts to tell me to my face that she never truly loved me. She confessed that her affection was nothing more than an act, a pretense for my money. I want her to suffer for the pain she caused me. I loved her deeply and realizing that she was only interested in my wealth is devastating. Her deceit has made it clear that all she ever wanted from me was financial gain." Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ako na ang may pinaka-malalang problema, pero masakit ang nangyayari ngayon sa aking pinsan na si Hugo. "Sigurado ka ba? Si Maria? Hindi ba at nagmamahalan kayo? Gusto mo nga siyang pakasalan, hindi ba? Nahuli mo ba na may lalake?" Sunod-sunod kong tanong. Nakakaramdam ako ng matinding awa para sa kanya. Matapos niyang ikuwento sa akin kung paano niya nahuli si Maria na may ibang lalake ay matinding galit din ang naramdaman ko. "Gusto mo bang uminom? Punta tayo ng bar at duon mo ibuhos ang lahat ng galit mo." Tumango lang siya sa sinabi ko. Inakbayan ko siya at tinapik sa balikat. Naaawa ako sa kanya, pero ano naman ang tulong na magagawa ko sa kanya? Ako nga ay pinoproblema ko pa si Catherine kung paano ko siya mahahanap. Hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta para lang mahanap siya. Napahawak ako sa baba ko at sa kilay ko. Saka ko na ipapatanggal ito, baka ang peklat na ito ang maging dahilan para magkatagpo kaming muli. "Let's go bro. Pagdating natin ng bar ay saka tayo magpakalunod sa alak at sa babae." Hindi naman siya kumibo at tumayo na lamang ito. Bagsak ang kanyang balikat na naglalakad palabas ng aking silid. Pagkarating namin ng bar ay umorder lamang siya ng maraming alak kahit dadalawa lang kami. Napakamot ako ng aking ulo, kaya ba naming ubusin ang ganito karaming alak? Dadalawa lang kami, pero anim na bote ng mamahaling alak ang nasa table namin. Isang babae ang lumapit sa amin. Sobrang iksi ng suot nito, kulang na lang ay lumitaw ang kanyang malulusog na dibdib. Naupo agad ito sa tabi ni Hugo. Huh! Ayaw sa may peklat. Natawa na lang ako at pinanuod ko ang panlalandi niya kay Hugo, pero malakas siyang itinulak ni Hugo at nalaglag ito sa sahig. "Kayong mga babae, pare-pareho lang kayo na mukhang pera! Lumayo ka sa akin at baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo. LAYO!" Tumaas ang dalawang kilay ko at napangisi lang ako. That's what you get! Ayaw mo ng may peklat sa mukha? Pwes! Iyan ang napala mo! "How dare you! Damn you! Sana mamatay ka na!" Sigaw ng babae at mabilis itong tumakbo palayo. "Sana nga mamatay na lang ako!" Sigaw ni Hugo kaya napapailing lang ako ng aking ulo. Bigla ko tuloy naalala si Catherine. Nasaan na nga ba ang babaeng 'yon? Kailangan ko siyang mahanap, kailangan kong malaman kung nagka-anak ba kami. Muli kong tinignan si Hugo, naaawa ako sa kanya. Mahal na mahal niya si Maria pero mapapatay ko rin ang babaeng 'yon kapag nakita ko siya, o kaya ay sasagasaan ko ang babaeng 'yon para malumpo na siya at hindi na siya makalakad pa. Ganyan ang gagawin ko sa kanya para makaganti man lang si Hugo sa kawalanghiyaan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD