Chapter 3 -Dissociative Amnesia-

1855 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ A week has passed since Trisha gave birth to her child, but she cannot remember any of it. The trauma she experienced has caused her mind to block out the painful memories, burying them deep within her subconscious. Every heartbreaking moment, every tear she shed, has been wiped clean from her memory kaya nagtataka ang mga magulang ni Trisha kung paano nangyari na makalimutan nito ang taong mahal na mahal ng kanilang anak. The man who once broke her innocent heart and destroyed the dreams she held so dear is now just a shadow she cannot recognize. His face, his name, everything about him has faded away, leaving no trace of the pain he caused. Tuluyan ng kinalimutan ng kanyang isipan ang lalaking unang itinibok ng kanyang puso. Ang nag-iisang lalaki na naging dahilan na halos mawala na siya sa kanyang katinuan. Para nga lamang siyang nagdahilan na may sakit, at ngayon nga ay nanumbalik na ang dati nitong sigla. Ang dating masayahing Trisha ay muli na namang nakikita ng kanyang mga magulang at ng kanyang kapatid na si Queen. Lagi na itong nakatawa at laging nilalaro ang inaakala niyang kapatid na si Emboy. "Nanay, bakit po ba may gatas ako? Nakakainis kasi laging tumutulo kahit na maglagay ako ng bimpo." Natatakot na tanong ni Trisha sa kanyang ina. "Huwag kang mag-alala dahil normal lang 'yan. Nagkasakit ka kasi at nakatulog ka ng kulang isang taon. Tignan mo nga anak at may kapatid ka ng bunso ng hindi mo man lamang nalalaman." Ani nito sa kanyang anak. Iyon na lamang ang ipinasok nila sa isipan ni Trisha na nakatulog ito ng matagal at kapatid nito si Emboy. Hindi rin naman kasi nito naaalala ang nangyari sa kanya sa lumipas na taon. Ito ang labis na ipinagtataka ng kanyang mga magulang kaya nag desisyon na sila na ipatingin ito sa doktor. Trisha glanced at the child she neither recognized nor remembered. She couldn't even recall being pregnant, kaya pinaniwala na lamang siya ng kanyang mga magulang na si Emboy ay bunso nitong kapatid. Everything connected to the man who broke her heart had been completely erased from her mind. Her parents were determined to find out why this was happening to her kasi ngayon lang nangyari ito at natatakot sila na baka may tumor na sa utak ang kanilang anak. "Pahawak kay Emboy" Sabi nito sa kanyang kapatid na si Queen. Hawak kasi nito ang bata at nilalaro ito ng kanyang kapatid. "Aalis kayo nila Nanay. Mamaya mo na lang laruin si Emboy pagbalik ninyo." Nanulis ang nguso ni Trisha at padabog itong naupo sa kawayang upuan na nasa ilalim ng puno ng mangga. "Nakahanda ka na ba anak? Pupunta na tayo ng hospital para malaman natin kung ano ang nangyari sa'yo. Kasama natin ang tatay mo. Maiiwan naman dito si Tita Liway mo, si Queen at si Emboy. Huwag ka ng sumibangot diyan at pwede mo namang laruin ang kapatid mo mamaya pag-uwi natin." Tumango lang si Trisha. Binelatan pa nito ang kanyang kapatid kaya tawa ng tawa ang kanilang ina. "Ang sungit mo Queen, hindi na tayo bati." Natawa naman sila. Lumapit tuloy si Queen sa kanyang ate at ipinayakap si Emboy kaya tuwang-tuwa na ito. "Tara na nga at baka gabihin pa tayo sa daan. Mahirap ang byahe kapag gabi na." Tumango naman si Trisha at kumapit agad ito sa kanyang ina. Nagkukuwento pa ito na gusto daw niyang maging flight attendant at iyon daw ang kursong kukuhanin nito. Ang kanyang lolo naman na ama ng kanyang ina ay nagawang hugutin ang kanyang record sa eskwelahang pinasukan nito dahil na rin sa hiling ng ina ni Trisha. Iyon man lang daw ay magawa nito sa apo upang makaiwas na sa gulo at hindi na malaman pa ng iba ang nangyari dito. Sakay sila ng kanilang jeepney na tinungo ang kapatagan. Nag-aalala kasi ang mga magulang ni Trisha kung ano ba talaga ang dahilan at nakalimot ang kanilang anak. Kasama nila ang asawa ni Liway na si Manuel dahil may kakilala daw ito na magaling na doktor. Hindi nagtagal ay nakarating sila ng hospital. Maliit lang naman ang hospital na pinuntahan nila. Nakilala agad ng security guard si Manuel kaya pinapasok agad ang mga ito. Sakto naman na walang pasyente ang doktor na pupuntahan nila kaya agad din silang pinapasok sa loob ng clinic. "Dr Centeno, sila ho ang itinawag ko sa inyo sa telepono. Ito ang anak nila na tinutukoy ko ho sa inyo. Katulad ng sinabi ko sa inyo sa telepono, may mga bagay na sana ay tayo na lang ang nakakaalam, dahil hindi na muna ipapaalam sa kanya ang ilang katotohanan." Ngumiti naman ang doktor at nilapitan nito si Trisha. Makikita sa mga mata ng dalaga ang pagkalito. Hindi niya nauunawaan ang mga nangyayari pero alam niya na nandito sila para sa kanya. Matapos ang ilang pagsusuri na ginawa nila kay Trisha ay naghintay pa sila ng kulang isang oras para sa resulta. Inabot na nga sila ng mahigit tatlong oras kanina at ngayon ay panibagong isang oras na naman. Pero okay lang sa mga ito dahil ang gusto nila ay malaman kung ano ang kondisyon ng kanilang anak. "Mister and Misis Cena. Pwede na ho kayong pumasok. Pero bilin ho ni Dr Centeno ay kayo na lang daw ho na mag-asawa." Iniwanan nila si Trisha sa pangangalaga ni Manuel at sila na ang pumasok sa loob upang makipag-usap sa doktor. "Nasa akin na ho ang resulta. Base sa aming ginawang eksaminasyon sa inyong anak ay nagkaroon siya ng Dissociative Amnesia." Nagulat naman ang mag-asawa dahil hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng doktor, pero nauunawaan nila ang salitang amnesia. "Dok, ano ho ba ang ibig ninyong sabihin? May sakit na kalimot ang anak ko? Pero naaalala at nakikilala naman niya kami. May mga pangyayari lang sa buhay niya ang hindi niya maalala." Sagot ng ama ni Trisha. "Ganito ho kasi 'yan. Ipapaliwanag ko ho sa inyo ang tungkol sa sakit na 'yan para maunawaan ninyo." Tumango naman ang mag-asawa kaya kinuha ng doktor ang mga papel na resulta ng kanilang pagsusuri sa dalaga at muli itong binasa. "Ang Dissociative Amnesia ay isang kondisyon kung saan hindi maalala ng isang tao ang mahahalagang personal na impormasyon o ang mga taong dating naging bahagi ng kanyang buhay. Karaniwan itong nangyayari kapag may isang traumatic o stressful na nangyari sa buhay ng isang tao. Hindi ito tulad ng ibang uri ng amnesia, hindi ito sanhi ng pisikal na pinsala sa utak, sanhi ito ng mga psychological factors. Ang pagkawala ng alaala ay maaaring pansamantala lamang, ngunit sa ilang kaso na aking naranasan sa mga pasyente ko, ito ay tumatagal ng mas mahaba, minsan pa nga ay umaabot ito ng maraming taon. Katulad ng ikinuwento sa akin ni Manuel sa telepono. Iyon ang naging dahilan kung bakit dumaranas ngayon ang inyong anak ng Dissociative Amnesia. Ang trauma na 'yon ay hindi kinaya ng kanyang isipan. Kaya matagal siyang nawala sa kanyang sariling katinuan. At ng matauhan siya ay maayos na ang kalagayan niya dahil kinalimutan na ng kanyang isipan ang lahat ng masasakit na nangyari sa kanyang buhay kasama na duon ang lalaking 'yon at ang lahat ng pwedeng alaala na kasama ng lalaking 'yon, maging ang ipinanganak nitong sanggol, ibig sabihin ay hindi niya naaalala ang tungkol sa ipinagbuntis niya dahil maging ito ay kinalimutan ng isipan niya. Ito ang paraan ng kanyang isipan para protektahan siya mula sa mga sugat ng nakaraan. Kung kailan babalik ang lahat ng alaala niya tungkol sa nangyari sa kanyang buhay at tungkol sa kanyang anak, iyan ay hindi ko masasagot sa inyo. Tanging panahon na lamang at ang anak ninyo ang makakatulong sa kanyang sarili. Pero kung may mangyayari, o may ilang pangyayari na magaganap sa buhay niya na may kahalintulad sa nangyari sa kanyang nakaraan, pwede itong maging trigger upang manumbalik ang lahat ng kinalimutan ng kanyang isipan kasama na duon ang batang isinilang niya na hindi niya naaalala na anak niya. Lahat ng sakit na idinulot nito sa kanyang puso ay muling mabubuhay. Iyon lamang ang isa sa paraan upang manumbalik ang lahat sa kanyang isipan." Trisha's parents were left completely stunned matapos marinig ang sinabi sa kanila ng doktor na tumingin sa kanilang anak. The news was so unbelievable that they struggled to process what they had just heard, hindi nila akalain na pwede palang mangyari ang ganuon. Trisha's mother, overwhelmed with a surge of emotions, couldn't hold back her tears kaya napayuko na ito dahil hindi ito kinakaya ng kanyang puso. The disbelief and sorrow she felt were too much to contain, and slowly, her tears began to flow, bawat patak ng luha ng ina ni Trisha ay dito ibinubuhos ang matinding sakit at lungkot na nararamdaman niya para sa kanilang anak. Ang ama naman ni Trisha ay matinding galit ang nararamdaman para sa lalaking nanloko sa kanilang anak. "Ganyan lumaban ang isipan ng isang tao. Kaya nitong protektahan ang sarili upang hindi na ito tuluyang malugmok sa kalungkutan at kalimutan nito ang masasakit na alaala na nangyari sa kanya. Hindi naman 'yan panghabangbuhay. Katulad ng sinabi ko kanina lang, may mga case na panandalian lamang ito, at may mga case naman na bumibilang ng maraming taon bago manumbalik ang lahat ng kanyang alaala." "May kailangan ho ba siyang inuming gamot?" Ngumiti ang doktor sa kanila. Sapat na ang ngiti na 'yon upang mapagaan nito ang kanilang kalooban. "Base naman sa pag-susuri namin sa kanya ay maayos na ang isipan niya. 'Yung trauma na nangyari sa kanya ay wala na sa kanyang isipan kaya lagi na siyang nakangiti. Sa ngayon ay wala kayong aalalahanin sa kanyang kalagayan dahil mismong sarili na niya ang kusang kumilos upang malagpasan ang trauma na nangyari sa buhay niya. Kapag wasto na ang kanyang edad at matapang na ang inyong anak na humarap sa laban sa kanyang buhay, wala na kayong aalalahanin pa kung sakaling manunumbalik ang lahat sa kanya. Masasaktan siya, pero magiging palaban na ito." Nang marinig nila ang tinuran ng doktor ay tila ba kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng kanilang dinadala. Dalawang katok sa pintuan ang kanilang narinig at bumukas din agad ito. "Nanay, nagugutom na ako. kanina pa tayo dito. Ako tapos na po sa checkup, pero kayo ni tatay ay hindi pa." Natawa naman ang doktor sa tinuran ng dalaga. Maging ang mga magulang ni Trisha ay natawa na sa kanya, at pinahid na nito ang luha sa kanyang mukha. "Hintayin mo lang kami anak, patapos na kami dito. Sabihin mo kay Tito Manuel mo na kakain tayo sa labas." Tuwang-tuwa naman si Trisha at isinara na nito ang pintuan. Natawa ang doktor ng mahina at sinabi nito na hayaang maghilom ang sugat sa puso ng dalaga habang wala pa itong naaalala. "Maraming-maraming salamat dok. Magkano ho ba ang babayaran namin?" Ngumiti naman ang doktor at umiling. Ang sabi nito ay may malaking utang na loob ito kay Manuel at kahit man lang daw sa pamamagitan nito ay makabayad siya dito. Nagpasalamat naman ang mag-asawa at nilisan na nila ang hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD