bc

The Assassin's KARMA

book_age18+
4.0K
FOLLOW
60.6K
READ
mafia
addiction
like
intro-logo
Blurb

"Buntis ako at ikaw ang ama."

"Hindi 'yan totoo! Hindi totoo na magkakaanak tayo. Huwag mo akong lolokohin Catherine dahil hindi ikaw ang gusto kong maging ina ng aking mga anak!"

Paano nga ba haharapin ang isang malaking dagok sa buhay kung sa batang edad ay maaga kang nabuntis ng lalaking pinakamamahal mo?

Paano mo haharapin ang lahat ng sakit na dulot nito sa buhay mo na siya mismo ang dahilan ng iyong pagkalugmok?

Paano mo aalalahanin ang pinaka-masakit mong nakaraan, kung ang iyong isipan ay kusang nilimot ang iyong nakaraan at kinalimutan na isa ka palang ina, at ang kinikilala mong kapatid ay anak mo pala?

Halina at alamin natin ang buhay pag-ibig ni Mayson Jayden Dux at ni Trisha Cena. Maalala kaya ng isipan ni Trisha na si Mayson... ang magaling na assassin ng Venum Org ay ang lalaking nanloko at nagpatalsik sa kanya sa school upang matakasan nito ang responsibilidad sa kanya? Alamin natin ang kanilang kapalaran sa muli nilang pagtatagpo.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Trisha's POV NERD, pangit, makapal ang salamin, kwago, at kung ano-ano pa ang ipinupukol na salita sa akin ng mga taong kakilala ko dito sa private school na pinapasukan ko. Hindi naman ako 'yung estudyante na nerd na nag-aaral dahil sa scholarship. Lihim akong pinag-aaral dito ng aking lolo sa mother side ko. Maging ang lolo ko yata ay nahihiya dahil sa hitsura ko. Ewan, kasi hindi dumadaan sa pangalan nila ang perang ginagamit sa pag-aaral ko. Nagmumula ito sa isang foundation na nagpapaa-aral ng mga kapos-palad na matatalino na hindi kayang makapag-aral sa isang pribadong paaralan. Kaya kahit halukayin kung sino ang taong nasa likod na nagpapa-aral sa akin, lalabas lang na isa akong scholar student kahit hindi naman. Kasi-sixteen ko pa lang three months ago, pero madalas akong mapagkamalang dalaga na dahil malaking bulas akong babae, balingkinitan din ang katawan ko at sabi nga nila ay maganda ang hubog nito. Malaki rin ang dibdib ko at minana ko ito sa aking ina. Ang problema lang naman talaga sa mukha ko ay ang malalaki kong ngipin, pero malinis at mabango naman ang hininga ko. Dito ako nag-aaral sa isang mamahaling university. Fourth year high school na ako at patapos na rin ang klase. Nakapasok ako sa school na ito dahil matalino daw ako. Siguro ay iyon talaga ang advantage ng isang nerd, ang pagiging matalino. Pero hindi naman ang eskwelahang ito ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko sa school na ito kahit kinukutya ako ng ibang estudyante dahil sa hitsura ko. May isa kasing basketball player na sobrang gwapo kahit may pilat ito sa mukha, isa sa baba niya at isa sa noo nito. Ang pagkakarinig ko sa usap-usapan ng mga estudyante nuon sa school ay nakuha 'yon ni Dimitri sa isang aksidente ng mahulog ito sa puno at binagsakan nito ay puro barbwire. Hindi ko na alam kung saan, pero gayunpaman, sobrang gwapo pa rin niya, kaya lang ay payatot kumpara sa ibang estudyante na kasama niya sa varsity. May suot din itong makapal na salamin pero hindi siya kinukutya ng mga estudyante, parang takot pa nga sa kanya ang mga ito. First year college na si Dimitri Samson. Iyon kasi ang pangalan na sinabi niya sa akin ng minsan na nabangga ko siya nuon. Titig na titig siya nuon sa dibdib ko kaya agad kong tinakpan ng kamay ko ang aking harapan. Duon ko siya unang nakilala at sinabi nga niya na Dimitri Samson ang kanyang pangalan. Mabait siya at tinulungan pa nga niya akong damputin ang mga gamit ko. Isa pa ay may nangyari na sa amin sa loob ng restroom. Aksidente lang kasi 'yon. Hindi ko alam na nanduon siya sa banyo ng mga babae. Pagpasok ko kasi ay may narinig akong umuungol, tapos siya pala 'yon na nagsasarili. Duon unang may nangyari sa aming dalawa. Siya ang unang lalaki sa buhay ko, siya ang unang lalaki na kumuha ng pagkabirhen ko at sa loob pa ng banyo. Gayunpaman ay hindi ko ito pinagsisisihan. Bata man ako tignan, alam ko naman sa sarili ko na mahal ko talaga si Dimitri. Isa pa ay mahal niya rin daw ako at akala nga niya dati ay third year lang ako at fifteen years old. Pero fourth year high school na ako at ewan ko kung nauunawaan niya ang bawat sinasabi ko sa kanya. Minsan kasi ay parang wala naman siyang interes sa ibang kinukuwento ko. Sabi ko nga sa kanya ay graduating na ako ng high school pero hindi ko alam kung iniintindi niya ang mga sinasabi ko. Nakatayo ako ngayon dito sa may likod ng school at hinihintay si Dimitri. Three weeks na lang at bakasyon na namin at sabi sa akin ni Dimitri ay isusulit namin ngayon ang buong maghapon dahil maaga kaming pinalabas ng school. Hindi ko alam kung bakit, samantalang ang ibang fourth year naman ay may pasok, 'yung section lang namin ang pinauwi dahil may emergency daw ang aming adviser. Isang sasakyan ang huminto sa harapan ko at biglang bumukas ang pintuan nito. Si Dimitri ang driver kaya napangiti ako, ibang sasakyan naman ngayon ang dala niya. "Get in babe," wika niya. Yes, may relasyon na kaming dalawa ni Dimitri. Boyfriend ko na siya at six weeks na rin kaming may relasyon. Pero walang nakakaalam dahil inililihim namin ito, kasi nga ay eighteen years old na siya at ilang buwan na lang ay nineteen na siya. Pero sa akin naman ay okay lang, kasi mahal naman namin ang isa't isa. Pero nagagalit siya kapag sinasabi ko sa kanya na okay lang na malaman ng iba, kaya pumayag na lang ako na ilihim namin ang lahat. Ang mahalaga ay nagmamahalan kaming dalawa. Kapag nasa school ay hindi niya ako kinakausap. Magbibigay lang siya ng message kapag gusto niyang makipagkita sa akin sa hotel. Lagi ko rin siyang nakikita na may ibang babae na kasama at ka-akbay pa, pero kaibigan lang daw niya ang mga 'yon. "Babe, saan tayo pupunta?" Tanong ko pagkasakay ko agad ng sasakyan niya. Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay bigla niyang iniyuko ang ulo ko sa kanyang kandungan upang hindi raw ako makita ng ibang estudyante. Laging ganito ang sitwasyon namin, itinatago niya ako. Nakarating kami ng hotel at sa basement kami dumaan. Ito ang pangatlong beses na napunta ako dito sa tuwing gusto niyang may mangyari sa amin. Hindi mawala ang ngiti ko kasi may sasabihin ako sa kanya. Sigurado ako na matutuwa siya sa sorpresa ko sa kanya. Ginamit niya ulit ang isang key card. Sabi niya ay sa kaibigan niya ito na isang Dux. Iyon kasing mga Dux ang may-ari ng university na pinapasukan ko. Sa totoo lang ay babe lang lagi ang tawag sa akin ni Dimitri kapag walang nakakarinig. Hindi nga niya tinatanong sa akin kung ano ang pangalan ko dahil ang sabi niya ay alam na raw niya dahil nagtanong daw siya nuon sa office. Kasi sabi niya ay matagal na siyang may pagtingin sa akin. Oh 'di ba? Kahit na pangit ako ay may lalaking nagmamahal sa akin ng totoo. "Tara na, kanina pa ako nag-iinit dahil sa'yo," wika niya at hinila na niya ang kamay ko papasok sa isang silid. Agad niya akong niyakap at hinahalikan ako sa aking balikat, pero pinipigilan ko siya dahil kailangan niyang malaman na buntis ako. Kailangan niyang malaman na magiging tatay na siya. "Bakit ka ba nag-iinarte?" inis niyang ani kaya inirapan ko siya. "May sasabihin kasi ako sa'yo kaya makinig ka muna sa akin dahil mahalaga ito." Sabi ko, pero parang balewala sa kanya ang nais kong ipabatid sa kanya at tinulak lang niya ako sa kama. Agad niya akong pinatungan at hinahalikan ako sa aking leeg, pero itinulak ko siya ng malakas kaya galit na galit na naman siya sa akin. "Tang-na! Ano ba kasi ang inaarte mo eh pang-apat na natin ito?" Sigaw niya. Napakamot pa siya sa kanyang ulo at galit na tumingin sa akin. "Makinig ka nga kasi, may mahalaga akong sasabihin sa'yo. Huwag kang magalit sa akin, saka huwag mo nga ako basta itinutulak na lang at baka makasama sa akin." Wika ko. Kumunot naman ang noo niya at masama akong tinignan. Inirapan ko siya at saka ako bumangon. "Buntis ako at ikaw ang ama." Diretsahan kong sabi. Bigla siyang napaatras at nakita ko sa mukha niya ang takot. Pati tuloy ako ay natakot sa nakikita ko sa reaksyon niya. "Hindi 'yan totoo. Hindi totoo na magkakaanak tayo. Huwag mo akong lolokohin Catherine dahil hindi ikaw ang gusto kong maging ina ng aking mga anak." Nagulat ako. Catherine? Kailan pa ako naging Catherine? "Hindi Catherine ang pangalan ko, ako si..." Pinutol agad niya ang sasabihin ko kaya hindi ko nasabi ang buo kong pangalan. "Wala akong pakialam kung ano ang tunay mong pangalan. Hindi ko pananagutan ang sinasabi mo na ipinagbubuntis mo. Hindi mo ako mapipikot!" Sigaw niya sa akin kaya napahawak akong bigla sa tiyan ko. Ibig ba sabihin nito na all along pala ay nagpapakatanga lang ako sa lalaking ito na maging pangalan ko pala ay hindi niya alam? Kaya ba sa tuwing magkikita kami ay babe lang tinatawag niya sa akin? "Dimitri, buntis ako. Tignan mo itong pregnancy test na dinala ko, dalawang guhit so ibig sabihin ay buntis ako," wika ko at umiiyak na ako. Pero tinampal lang niya ang kamay ko kaya tumilapon sa kung saan ang pregnancy test. "Wala akong pakialam kahit ilang guhit pa 'yan. Hindi ako magpapakasal sa isang pangit na katulad mo. Ginusto lang kita dahil nasarapan ako sa'yo. Nakikita mo ba ang hitsura mo sa salamin? Sa tingin mo ba talaga ay seseryosohin kita? Nababaliw ka na kung iyan ang iniisip mo. Masyado kang nagpa-uto sa akin." Sigaw niya kaya nag-uunahan ang mga luha ko sa pag-agos. "Huwag mo akong iyakan. Ibabalik kita sa school at bahala ka na sa buhay mo." Wika niya habang masama niya akong tinitignan. Sa isang iglap, ang lahat ng mga pangako niya sa akin ay kusang naglaho na parang bula. "Dimitri," umiiyak kong tawag sa kanya. "Stop calling me Dimitri!" Sigaw niya. Pagkatapos ay dinampot niya ang bag ko at inihagis niya ito sa akin, at halos kaladkarin na niya ako palabas ng hotel room. Napatingin ako sa pintuan at napansin ko ang letrang nakaukit sa pintuan nito na MJDux, at kahit nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa pag-agos ng aking mga luha at nabasa ko pa rin ito. Sa private elevator ulit kami dumaan, at ilang saglit lang ay galit siya na ipinasok ako sa loob ng kanyang sasakyan. Habang binabaybay namin ang pabalik ng university ay hindi siya nagsasalita kaya ako na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Ano ang gagawin ko? Itatakwil ako ng mga magulang ko kapag nalaman nila na buntis ako. Huwag mo naman gawin sa akin ito, Dimitri!" Sigaw ko at halos mag-makaawa na ako sa kanya. "Wala akong pakialam! Hinding-hindi ko pananagutan ang batang 'yan. Ito na ang huling araw na magpapakita ka pa sa akin dahil tapos na ang pakikipaglaro ko sa'yo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Akala ko ba ay matalino ako? Bakit ako nagpakatanga at nagpa-uto sa lalaking ito? Para akong sasabog na hindi ko maunawaan. Parang gusto ko na lamang maglaho na parang bula. Ibinaba niya ako sa school kung saan niya ako isinakay kanina. Pagkatapos ay pinaharurot na niya agad ang sasakyan at iniwanan ako na parang basahan. Iyak ako ng iyak habang naglalakad. Wala akong pakialam kahit na ang lahat ng tao na nadaraanan ko at nakakasalubong ko ay pinagtitinginan ako. Tinanggal ko ang salamin ko dahil tuluyan na itong lumabo kaya pinunasan ko agad ito at muli akong naglakad. Namumuhi ako sa'yo Dimitri at ipinapangako ko sa sarili ko na babaguhin ko ang buhay ko at magiging matapang ako upang harapin ka sa pag dating ng tamang panahon. Ipinapangako ko sa aking sarili na pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mong panloloko sa akin. Namumuhi ako sa'yo at kinasusuklaman kita. Hindi ko na namalayan na malapit na pala ako sa amin kaya pinunasan ko agad ang aking mga luha at nagmamadali akong umakyat sa aking silid. "Trisha anak, may sakit ka ba? Bakit ang aga mo yatang umuwi?" Tanong ng aking ina, ngunit hindi ko na siya nagawa pa na lingunin dahil ayokong makita niya ang pamumugto ng aking mga mata. "Wala na pong klase 'nay, sinisipon pa po ako. Dito na lang muna po muna ako sa silid ko para makapag-pahinga," sagot ko. Ikinandado ko ang pintuan ng aking silid at saka ako umiyak ng umiyak. Pakiramdam ko ay ako na ang pinaka-tangang babae sa buong mundo dahil nagpa-uto ako sa Dimitri na 'yon. Dahil sa sobrang kaiiyak ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako sa malakas na katok sa pintuan ko. "Ate, sabi ni nanay ay kakain na tayo," tawag ng kapatid ko na si Queen. Napatingin ako sa aking orasang pambisig at nagulat pa ako na mag-aalas nueve na pala ng gabi. Agad akong bumangon at nagtungo ako ng banyo. Naghilamos agad ako at saka ako naglagay ng kaunting eye liner upang tumapang ang mga mata ko, pagkatapos ay isinuot kong muli ang makapal kong salamin sa mata. Humugot ako ng malalim na paghinga at nag-practice pa ako kung paano ang ngumiti sa harapan ng salamin. Nang sa tingin ko ay okay na ako ay saka ako lumabas ng silid ko. "May sakit ka daw ate? Mukha ka ngang may sakit, alam mo ba na kanina pa nag-aalala sa'yo si nanay?" ani ng kapatid ko. "Sinisipon lang ako kaya nakatulog ako." Sabay na kaming bumaba ng hagdanan ng aking kapatid. Pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko pero pilit ko itong pinaglalabanan dahil ayoko pa malaman nila ang tunay kong kalagayan. Pag-upo ko sa silya ay humalimuyak ang amoy ng bawang sa sinangag na niluto ni nanay kaya nagmamadali akong nagtungo ng banyo at duon ako nagdududuwal. Sinundan naman agad ako ng aking ina at ng aking kapatid at sinalat ni nanay ang noo ko. "Okay ka lang ba anak?" "'Nay, masama po kasi ang pakiramdam ko, gusto ko muna po matulog para gumaan ang pakiramdam ko. Busog naman po ako dahil kumain kami ng mga kaibigan ko. May exam pa po kami bukas at hindi pwede na hindi ako pumasok. Okay lang po ba?" wika ko. "Mabuti pa nga anak. Ipagluluto na lang kita ng lugaw para magkaroon ng laman ang sikmura mo." Inalalayan na ako ni nanay paakyat sa silid. pagkatapos ay iniwanan din niya agad ako. Naligo ako upang mawala sa katawan ko ang amoy ni Dimitri. Ayoko ng maalala pa ang lalaking 'yon. Ayoko ng maging bahagi pa ng kahit na anong alaala niya. Kung pwede ko lang burahin sa isipan ko ang lahat ng tungkol sa kanya ay ginawa ko na. Namumuhi ako sa lalaking 'yon. ╭────────✎ Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi na ako nakapag-review pa dahil sa nangyari kagabi, pero maayos na naman ang pakiramdam ko. Hindi na rin namamaga ang mga mata ko kaya inayos ko ang sarili ko at nagbihis agad ako ng uniporme ko. Paglabas ko ng aking silid ay nakasalubong ko pa si nanay. Gulat na gulat ito ng makita niya na nakasuot na ako ng uniporme. "Papasok ka? Hindi ba at masama ang pakiramdam mo?" wika niya. "Okay na po ako nanay, kailangan ko lang ng kumpletong pahinga kaya nga po maayos na ako ngayon dahil maayos akong nakatulog. Kailangan ko po kasing pumasok, final exams na po namin at hindi po ako pwedeng mag absent." "Okay anak. Gusto mo ba kumain muna? O kaya ay..." Hindi na natuloy pa ni nanay ang kanyang sasabihin ng tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong sinagot at nakakunot pa ang noo nito. Nagtataka naman ako kaya hindi ako umalis sa kinatatayuan ko dahil nakita ko na ang school ang tumawag. "Opo ma'am. Darating po kami diyan," wika ng aking ina at pinatay na agad niya ng telepono. "Nay, bakit po tumawag ang school sa inyo? May problema po ba? Tanong ko. Mabilis na tumitibok ang puso ko at hindi ko alam kung bakit. "Hindi ko alam anak, ang sabi lamang ay kailangan daw kaming makausap ng iyong ama kasama ka. Baka kaya may high honor ka ulit kaya pinatatawag kami ng iyong ama. Naku siguradong matutuwa ang iyong ama nito. Huwag ka munang aalis at sabay-sabay tayong pupunta ng school." Sabi ng aking ina. Pero ako ay may kung anong takot na nararamdaman. Hindi ko ito maipaliwanag, pero iba talaga ang pagkabog ng aking puso. Lumipas ang tatlumpong minuto ay nakarating na kami ng school. Ang lahat ng tao ay sa amin nakatingin kaya nakakaramdam ako ng takot. May kinalaman kaya ito kay Dimitri? Nabasa ko ang pintuan ng suite room sa hotel at nakaukit dito ang pangalang MJDux. Ibig sabihin ay pag-aari ng isang Dux ang room na 'yon at maaaring may CCTV footage sa loob. Isa pa ay nanduon ang pregnancy test ko na positive ang resulta. Ngayon ay pakiramdam ko ay gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa dahil nakikita ko na ang mapanuring tingin sa akin ng mga kapwa ko estudyante. At maging ang mga magulang ko ay alam ko na nagtataka na rin. "Mayson, anong nangyayari?" Malakas na tawag ng isang lalaking gwapo. Napalingon ako at nakita ko na ang tinawag niyang Mayson ay parang si Dimitri. Kahit nakatalikod ito, sigurado ako na si Dimitri ito. Hindi ako maaaring magkamali, pero bakit Mayson ang itinawag sa kanya at hindi Dimitri? "Pasok na ho kayo." Bigla tuloy akong napalingon. Duon ko lang napagtanto na nandito na pala kami sa office ng president ng school. Mas lalo tuloy tumibok ng mabilis ang puso ko. "Ano ho! Hindi ho 'yan magagawa ng anak ko. Hindi niya pipikutin ang isang estudyante dito at hina-harrass pa kamo? Naku ho baka ibang estudyante ang tinutukoy ninyo at hindi ang anak ko." "Hindi ho kami maaaring magkamali. Siya ho ang tinutukoy ng isang estudyante dito na nangha-harrass at pilit na pinapa-ako sa ipinagbubuntis daw ng inyong anak. Pinipikot daw ang estudyante namin ng inyong anak. Kaya napagpasyahan ng eskwelahang ito na expel na ang inyong anak sa school na ito. Pasensya na ho, kami ay sumusunod lamang sa nakatataas." Wika ng Presidente ng school. Umiikot ang aking paningin, hindi ko na naiintindihan pa ang pinag-uusapan nila, ang alam ko lang ay tumataas na ang boses ng aking ina at ama. Napatingin ako sa may bintanang salamin at marami na ang nakikiusyoso na itinataboy ng mga teachers. "Magsi-alis kayo kung ayaw ninyong pag-initan ko kayo dito!" Napatingin ako sa lalaking gwapo na itinataboy din ang mga kapwa namin estudyante. Kilala ko siya. Nakatingin lang ako sa kanya, tumingin din siya sa akin pero walang reaksyon ang kanyang mukha. Isa siya sa football player ng school na ito, siya si Raegan Moreau. Umalis na rin agad ito kaya napatingin ako sa Presidente na nagsasalita. Bakit ganito? Bakit ganito ang ginawa mo sa akin Dimitri? Bakit mo sinira ang buhay ko? Tumingin ako sa aking ina at nakikita ko ang pag-aalala nila sa akin. Ang mga luha ko ay wala na yatang katapusan na dumadaloy sa aking mukha, hinimas ni nanay ang pisngi ko, pero wala ng salita pa ang lumabas sa aking bibig dahil tuluyan na akong nawalan ng ulirat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook