◄Mayson's POV►
Ilang buwan pa ang lumipas mula ng makausap ko si Hugo tungkol sa panloloko sa kanya ni Maria. Ilang buwan din kaming nahirapan sa kanya dahil wala siyang ginawa kung hindi ang maglasing at umiyak dahil totoong minahal niya ng lubos ang babaeng 'yon. Pero ngayon naman ay unti-unti na siyang nakakalimot, iyon nga lang ay tingin niya sa lahat ng babae ay manloloko. Para sa kanya, dapat hindi sineseryoso ang mga babae, pero at least ay maayos na siya at nagagawa na ulit niyang tumawa.
I was on my way to my dad's office here in Baguio when I saw Maria crossing the street. Inihinto ko ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada at tinignan ko kung saan siya pupunta. Hindi ko alam na nandito pala siya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking manibela, gusto ko siyang sagasaan pero nananatili lamang akong nakamasid at hindi ko magawang tapakan ang gas pedal. Humugot ako ng malalim na paghinga... paalis na sana ako ng biglang isang malakas na sigawan ang narinig ko at malakas na pagsalpok kaya napatingin ako sa kalsada. Isang kotse ang mabilis na humaharurot upang takasan ang babaeng nasagasaan nito. Gulat na gulat ako ng makita ko na nakahandusay sa gitna ng kalsada si Maria na walang malay at duguan ang katawan nito. I remained completely still and didn't lend a hand. She doesn't deserve my help after what she did to my cousin Hugo. Wala din naman akong magagawa dahil hindi pwedeng galawin ang kanyang katawan, isa pa ay malapit lang naman dito ang hospital kaya sigurado ako na may darating agad na ambulansya. Hindi ko rin susundan ang kotseng nakasagasa sa kanya, hindi ko na problema 'yon kung tinakasan man siya. Baka isa 'yon sa may galit sa kanya. May mga pulis naman at may mga cctv sa paligid kaya sila na ang bahala na tumugis sa taong 'yon.
I drove away without bothering to check on her, and as I did, I could hear the distant wail of an ambulance siren growing louder at siguradong papalapit sa aksidenteng nangyari. Hindi rin ako tumingin sa rearview mirror ko para lang makita ang kalagayan niya, hinayaan ko lang. Siguro ay naging karma na niya 'yan dahil sa kawalanghiyaan niya sa pinsan ko. Hindi ako nakakaramdam ng guilt na umalis ako ng hindi ako nagbigay ng tulong. Kung sino lang ang deserving, duon lang ako. Bahala siya sa buhay niya, at kung ikamamatay niya 'yan, paghandaan niya ang galit ni Satanas sa kanya dahil sa kawalanghiyaan niya dito sa lupa.
Humugot ako ng malalim na paghinga. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko si Catherine kung nasaan na ba siya. Kailangan ko siyang mahanap dahil baka nga nagkaanak ako sa kanya. Hindi naman ako tumitigil sa paghahanap, pero hindi ko na alam kung saan pa siya hahanapin. Ang dami ko ng napuntahan pero tanging Catherine lamang ang alam ko na pangalan niya.
I arrived at my dad's office and took a seat on the couch, making myself comfortable as I waited. Sampong minuto pa lang akong naghihintay ay bumukas na agad ang pintuan at iniluwa nito ang aking ama. Napahinto ito sa paglalakad at napatingin sa akin, pagkatapos ay ngumiti kaya alam ko na good mood ito.
"Good morning, Dad! Mukhang good mood ang mahal kong ama." Bahagya siyang tumango at naupo na ito sa kanyang swivel chair. Binuklat niya ang dala niyang makapal na folder at tinawag ako.
"Maupo ka dito sa may harapan ng desk ko at may pag-uusapan tayo. Mahalaga ang bagay na ito anak kaya kita pinapunta dito." Tumalima naman agad ako at lumapit ako sa aking ama. Whatever it is, it seems very important.
"Here, son." Ani niya ng iniabot sa akin ang ilang dokumento. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung para saan ito. Wala naman kasi siyang sinasabi na dahilan kung bakit ako nandirito, basta nagbilin lang siya sa aking ina na pumunta daw ako dito sa Baguio, kaya nandito ako ngayon, pero babalik din ako ng Manila bukas ng umaga.
"What's this?" Tanong ko, naguguluhan ako. Tumawa siya ng mahina bago niya ako sinagot.
"Ita-transfer ko sa pangalan mo ang Telecom company. Next week ay ikaw na ang magiging CEO ng kumpanya. Pag-aralan mong mabuti ang mga dokumentong 'yan, simula sa darating na linggo ay uupo ka na sa sarili mong opisina. Duon mo na patutunayan sa akin kung gaano ka kagaling na negosyante. Malalaman natin kung tinataglay mo ba ang husay ng mga Dux pagdating sa mga negosyo." Nagulat ako sa tinuran ng aking ama. Matagal ko ng gustong mahawakan ang Telecom company namin at ngayon ay maisasalin na ito sa aking pangalan. Hindi ako makapaniwala habang titig na titig ako sa mga dokumentong hawak ko. Akala ko ay next year pa ito mapupunta sa kamay ko, pero heto at hawak ko na ito ngayon.
"Wow, Dad! Thank you so much! I have been looking forward to this moment for a long time. I can’t wait to see my name on my desk with the title 'CEO' next to it! Wow! Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko, basta ang saya ko lang na hawak ko na ang mga ito at next week ay ako na ang uupo bilang CEO."
Natawa lang ang aking ama. Hindi naman ako makapaniwala na heto na 'yon, ako na ang bagong CEO ng isang kumpanya ng aking ama. Pagbubutihin ko at katulad nila Marcus ay patutunayan ko rin sa aking ama na magaling din akong negosyante. Mas lalawak ang impluwensya ko at mas mapapadali ang paghahanap ko kay Catherine kapag isa na akong ganap na CEO. Holy damn! nandito nga pala ako ngayon sa Baguio, bago ako umuwi ng Manila ay maghahanap ako sa lugar na ito at baka makita ko dito si Catherine.
❀⊱Trisha's POV⊰❀
"Ate, ang laki na ng ipinagbabago mo. Pati ang ngipin mo, ang laki ng ipinagbabago. Ang ganda-ganda mo at hindi na nakausli ang nguso mo. Patingin nga ulit, natutuwa kasi ako." Ngumiti naman agad ako sa kapatid ko na kita ang lahat ng ngipin ko. Tuwang-tuwa siya dahil talagang maayos na ang mga ngipin ko. Sabi nga ng dentista ko ay mas mapapadali ang pagtanggal ng braces ko dahil nakapasok na ang mga ngipin ko, kaya nga ang nguso ko ay hindi na masyadong nakausli. Kapag ngumingiti din ako ay ang laki na talaga ng ipinagbago ko. Hindi na ako nakakatakot tignan, at hindi na rin ako kinukutya ng ibang kabataan na kasing edad ko. Hindi katulad dati na ang daming lumalait sa akin.
"Kapag nag-aral na ulit ako, wala ng mangungutya sa akin." Sabi ko, ngiting-ngiti ako. Tapos naalala ko na naman ang sinabi ni nanay at tatay na sa susunod na taon na lang daw ako mag-aral. Ang sama ng loob ko pero wala naman akong magagawa.
"Bakit ba kasi hindi muna ako pwedeng mag-aral? Hindi ko maintindihan si nanay kung bakit ayaw muna nila akong pag-aralin ngayong taon. Gusto kong makatapos ng pag-aaral, graduating na ako ng high school pero nahinto ako. Hindi ko nga alam kung ano ang dahilan at bakit nahinto ako, eh. Basta na lang sinabi ninyo na nagkasakit ako at nakatulog ng halos isang taon." Malungkot kong sabi sa kapatid ko.
"Ate, huwag mo ng isipin 'yan. Ang mahalaga ay makakapag-aral ka next year. Kasi nga, ang gusto nila nanay ay maging maayos muna ang hitsura mo para hindi ka nilalait ng kapwa natin estudyante. Kasi ate nasasaktan kami kapag may nambubully sa'yo." Tumango lang ako sa kapatid ko. Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya.
"Punta tayo ng bayan. May gusto akong bilhin." Wika ko, nakita ko naman ang tuwa sa kanyang mga mata. Nagpunta agad siya sa labas upang magpaalam daw sa aming mga magulang kaya binuhat ko si Emboy na nasa kuna at lumabas din ako ng aming kubo.
Inabutan ko si Tito Manuel at si Tita Liway na kausap ang aming mga magulang, si Queen ay nakatayo lang sa tabi nila at hindi pa ito nagsasalita. Umiyak si Emboy kaya lahat sila ay napalingon sa akin. Ngumiti ang aming ina at tumayo, pagkatapos ay nilapitan ako at kinuha sa akin ang kapatid ko.
"Gising na pala ang bunso namin." Sabi ni nanay at hinalikan sa mukha ang kapatid ko.
"Nanay, pupunta kami ni Queen sa bayan kaya pahingi po ng pera. May bibilhin ako, sige na nanay, two hundred lang po. Hindi ba Queen?" Sabi ko kaya nilakihan ako ni nanay ng kanyang mga mata. Tawa ako ng tawa, dapat pala ay three hundred, baka naliitan si nanay sa two hundred.
"Pupunta kayo ng bayan tapos hihingi ka ng pera sa akin. Iba din talaga itong panganay ko." Ngumuso ako. Mukhang hindi pa yata kami papayagan ni Queen.
"Ate huwag ka nga munang ngumuso ng ganyan, nagmumukha kang nguso ng bibe, hindi pa ganuon kaayos ang mga ngipin mo kaya huwag mong itulis." Pagkarinig ko ng sinabi ni Queen ay mabilis ko siyang hinabol. Pintasera din ang kapatid kong ito. Pero natigilan ako ng tinawag ako ni Tito Manuel.
"Heto ang five hundred pesos at mag-enjoy kayo ng kapatid mo sa bayan. Tamang-tama, sa mga oras na ito ay marami ng nagtitinda sa bangketa ng mga pang-ayos ng buhok. Bumili kayong magkapatid para naman naayos ninyo 'yang mga buhok ninyo. Nagkatinginan naman kami ni Queen at tuwang-tuwa kami na lumalapit kay Tito Manuel.
"Salamat po Tito Manuel." Sabi ko. Kita sa mukha ko ang labis na katuwaan.
"Ninong, dapat ay laging ninong ang tawag mo sa akin dahil ako ang ninong mo, at ninang naman sa aking asawa." Ngumiti ako at sunod-sunod akong tumango. Ginusot-gusot pa niya ang buhok ko at tumawa. Inabot niya sa akin ang limang daan piso kaya ang saya-saya ko. Tapos lumapit sa amin ang aking ama at inabutan pa kami ng five hundred para pangdagdag. Sobrang saya namin ng kapatid ko. Ibinigay ko kay Queen ang isang limang daang piso para hati kami. Walang lamangan.
"Ate, may nakita ang blouse at saka skirt, terno siya pero three hundred pesos lang. Bibilhin ko 'yon, sigurado akong babagay 'yon sa akin." Tuwang-tuwa naman ako dahil bibili din ako ng magandang damit. Kasi inuunti-unti ko na ang pagbabago sa pananamit ko. 'Yung mga damit ni nanay at bestida niya na hiningi ko sa kanya nuon ay hindi ko na isinusuot para hindi ako magmukhang manang.
"Salamat po! Magbibihis lang kami ni Queen at pupunta na kami ng bayan." Sabi ko, at magkahawak kamay kami ng kapatid ko na nagtungo sa loob ng aming munting kubo.
Hindi nagtagal ay bumalik kami kila nanay at nagpaalam na kami, pero ihahatid daw kami ni ninong at ninang, babalikan na lang daw kami after ng three hours kaya pumayag kami. Kasi mamamasyal pa kami ni Queen sa park. Excited na rin akong kumain ng fishballs at kikiam.
"Heto pa ang six hundred, paghatian ninyo 'yang magkapatid at bumili kayo ng mga gusto ninyo. Mag-enjoy lang kayo at huwag matigas ang mga ulo. Huwag din kayong makikipag-usap sa strangers, at tandaan ninyo ang bilin ko na walang makakaalam kung saan kayo nag-aral sa Manila. Basta kapag may nagtatanong ay dito lang tayo sa Baguio naninirahan, naiintindihan ba ninyo 'yan?" Tumango kami kay nanay. Isa pa 'yan, lagi nila 'yang sinasabi. Bakit kaya hindi namin pwede sabihin kahit kanino na galing kami sa isang exclusive school sa Manila? Siguro para maiwasan ang pagkidnap sa amin dahil wala silang pang ransom. Siguro ay iyon ang dahilan. Ay ewan! Nakakaloka.
"Bye nanay at tatay. Uuwian namin kayo ng fishballs." Tumawa lang sila nanay at tuluyan na kaming umalis sakay ng jeepney ni tatay na minamaneho ni ninong.
Pagkarating namin ng kabihasnan ay umalis din agad sila at nagbilin lang din sa amin na mag-iingat daw kami. Nagpunta agad kami ng plaza at tumingin ng damit na pwede naming mabili. May eight hundred pesos each kami at marami-rami na rin kaming mabibili sa pera namin.
Habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada ay napatingin ako sa isang lalaki na nagtatanong sa mga tindera. Maganda ang pangangatawan nito kahit nakatalikod siya sa amin. Hindi naman ito kalayuan sa amin, pero bakit pakiramdam ko ay galit ako sa lalaking 'yon? Bakit pakiramdam ko ay namumuhi ako sa kanya kahit nakatalikod naman siya. Umiling-iling ako at pumasok na kami sa loob ng mall. Narinig namin ang boses ng isang lalaki na parang kami ang tinatawag kaya napahinto kami. Bakit parang narinig ko na ang boses niya? Bakit para akong nakakaramdam ng matinding galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling?
"Miss!" Sigaw nito. Hindi ako lumingon, pero si Queen ay tinignan ng bahagya ang tumatawag ng miss.
"Ate, baka iyan ang nangingidnap ng mga kabataan at nagbebenta ng mga lamang loob ng biktima nila dahil may peklat sa mukha. Hala takbo!" Pagkasabi ng kapatid ko ay mabilis na kaming tumakbo papasok sa loob ng mall. Hindi na kami lumingon at mabilis lang kaming pumasok sa loob ng comfort room para duon kami magtago.
"Dito muna tayo ate, kapag thirty minutes na at wala namang sumunod sa atin ay saka tayo lalabas." Tumango lang ako sa kapatid ko. Hawak ko ang puso ko kasi takot na takot ako. Dapat pala ay hindi na lang namin pinaalis sila ninong at ninang.