CHAPTER 5

1100 Words
NANG matapos ni Choleen ang pagluluto nilapag na niya ito sa mesa. Lalabas na sana siya para tawagin ang amo ng saktong pagbukas niya ng pinto ay papasok na rin ito. "Nakahanda na po ang hapunan senyorito." Hindi ito kumibo bagkus dumiretso nalang ito sa mesa at umupo. Tahimik naman siyang sumunod sa amo. Nanatiling nakatayo sa gilid. Nagsimula na itong kumain. Maya maya pa ay.. "Anong klaseng pagkain itong niluto mo!" pasigaw na aniya sa kaniya ng amo. "Hindi ko rin po alam, iyan lang po kasi ang nasa loob ng ref, hindi ko rin naman po alam anong gusto niyong pagkain hindi ko po kabisado ang nasa recipe na binigay ni Nay Rissa sa'kin sa Villa." Gusto talaga niyang matawa sa itsura ng amo niya. "Tutal ikaw ang nagluto niyan ikaw ang umubos niyan ayoko ng lasa. Magpapadala nalang ako ng pagkain dito." nagmadali itong tumayo at pumasok sa kwarto. "Buti nga sayo. Bahala ka magutom diyan hindi kita ipagluluto ng masarap ang sama-sama ng ugali mo." kinakausap niya ng pakunwari ang pinto ng kwarto ni Archer. Gaya ng sabi ng amo siya na ang kumain ng niluto niya. Masyado lang talagang maarte ang amo niya at hindi sanay sa pagkain na pangmahirap. Sumapit ang alas nwebe ng gabi ay hindi pa rin lumabas si Archer sa kwarto niya na pinagtaka ni Choleen. Sinubukan niya itong katukin pero walang sumasagot iniisip niyang natutulog lang siguro ito. Natapos na niya lahat ng dapat ayusin. Hanggang sa dinalaw na siya ng antok at nakatulog sa sala. Bigla naman siyang magising nang may marinig siyang may nabasag sa kwarto ni Archer. "Senyorito?.. ayos lang po ba kayo diyan. Senyorito pabukas po ng pinto." katok siya ng katok pero wala pa rin sumasagot. Kaya napagdesisyonan na niyang buksan ito gamit ang duplicate key. Agad na tumambad sa kaniya ang basag na salamin ng bintana, sobrang dilim sa loob ng kwarto at halos hindi niya maaninag sa loob tanging ang ilaw sa labas lang ang nagsisilbing repleksiyon niyon sa loob. "Senyorito? ayos lang po ba kayo?" dahan-dahan siyang humakbang nangangapa sa dilim "Ahhhhhh." napasigaw siya nang may biglang humila sa kaniya. "Shhh, Calm down." boses ni Archer iyon. Nakahinga siya ng maluwag akala niya ay may nanloob na sa amo niya. Agad naman binuksan ni Archer ang ilaw. Pero agad din niya tinakpan ang mata niya ng makitang hubo't-hubad si Archer. "Senyorito, pwede po bang magbihis po muna kayo." nag-iwas siya ng tingin sa Amo niya nanatiling nakatakip ang mga kamay sa mga mata. "Lumabas kana, ayos lang ako." iyon lang at agad na pumasok si Archer sa banyo. Habol-hininga namang pumasok si Choleen sa kwarto niya. "Diyos ko, nagiging nakasalanan na ang mga mata ko." hindi mawala sa isip niya ang itsura ni Archer na nakaharap sa kaniya habang nakahubad. Hindi iyon nagulat sa halip ay seryoso siya nitong tinitigan kaya agad niyang tinakpan ang mga mata. Nahihiya siya sa eksenang iyon at hindi niya alam paano haharapin si Archer. Isa iyon sa nakakahiyang pangyayare sa buhay niya. Sinadya niyang agahan ang paggising, iniiwasan niyang maabutan siya ni Archer. Nagmadali rin siyang maghanda ng agahan ng Amo. Alas tres palang ng madaling araw ay gising na siya. Saktong alas singko ay natapos na niya lahat ng gawain. Saka naman siya nagdesisyon na simulan na linisan ang mga kubong pinapalinisan ni Archer. Ayaw na niya maulit pa na mapagalitan. Kaya hangga't maaari ay gagawin niya na ng tama ang trabaho niya. Isa pa ay ayaw rin niyang mapahiya ang tiyahin niya sa Amo nila. Ang Tsang Martha nalang niya ang pamilya niya. Kahit naman matigas ang ulo niya ay mahal na mahal siya nito na parang tunay ng anak. Limang kubo ang lilinisan niya, sabi ni Archer ay sa byernes pa darating ang mga bisita nito, Martes na ngayon kaya kinakailangan niya itong matapos lahat sa hwebes. Inuna niya ang pinakadulong kubo sa dulo mula sa kubong tinutuluyan nila ni Archer. Pagpasok pa lang niya buong akala niya ay kasing dumi at kalat iyon ng iniisip niya pero gaya ng kwarto kung saan siya nanatili ni Archer ay gan'on din ang nadatnan niya sa loob.Malinis ay parang wala ng dapat baguhin pa sa silid na iyon. Pero dahil nga inutusan siya linisin iyon ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang maglinis. Nadala na siya noong nakaraan na napagalitan siya ni Archer. Ayaw na niya maulit iyon dahil siya rin ang kawawa. Nahimatay pa siya dahil sa sobrang pagod dahil pinaulit ni Archer sa kaniya ang paglilinis sa Villa kahit malinis naman na talaga iyon. Nakatapos siya ng dalawang kubo, may tatlo pa siyang lilinisan napagdesisyonan niyang bumalik muna sa kubo nila. Naramdam na siya ng gutom ng mga oras na iyon lagpas ala una na ng hapon hindi pa siya kumakain. Mula kaninang umaga ay kaunti lang ang kinain niya tanging tubig at tinapay na dala niya ang kinain niya. Dahil nga sa kagustuhan niyang iwasan si Archer kaya pati ang pagkain sa tamang oras ay nakakalimutan na niya. Bandang alas tres na nanghapon ng makabalik siya sa kubo. Pagpasok niya ay tahimik sa loob. Dahan-dahan siyang pumasok sa silid niya ng masiguro niyang wala si Archer sa loob. Naligo muna siya bago nagluto ng hapunan nila. Hindi na niya inisip kung doon ba sa kubo kakain ang amo o baka maisipan na naman nitong sa labas nalang kakain dahil sa nangyare kahapon. Dahil hindi niya alam ang lulutuin kaya napilitan siyang tawagan si Marissa para itanong kung ano ang dapat ihanda. Laking pasasalamat na lang niya na napaka-bait ng matanda sa kaniya gaya ng tiyahin niya. Maayos siya nitong pinakisamahan at tinuruan siya ng mga dapat niyang gawin. Akala niya kasi ay mahihirapan siya kapag nagtrabaho siya sa mga Morris. Hindi kasi maganda ang kwento ng tiyahin niya tungkol sa mga amo nito. Strikto ang mga ito pagdating sa trabaho. Hindi ka pwedeng magreklamo dahil sila lang ang may karapatan sa gan'on. Kapag nanilbihan ka sa kanila ay bawal kang makialam, kung ano lang ang iuutos sayo iyon lang din ang gagawin at susundin mo. Wala naman problema sa gan'on kung maayos din ang pagkakautos pero sa setwasyon ni Choleen at sa ugaling meron siya at sa klase ng amo na meron siya. Malabo talaga ang salitang "manahimik ka na lang." Ugali kasi ni Choleen ang sumagot kung tingin niya naman ay tama siya. Mabuti na lang talaga at naisip pa niya ang kapakanan ng tiyahin niya dahil kung hindi ay baka nasapak na niya ang amo dahil sa inis niya sa ugali neto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD