Umpisa pa lang ay sakit na ng ulo ang hatid ni Choleen. Kaya nga siya dinala ng tiyahin niya sa Mansion ng mga Morris para ipasok bilang katulong. Dahil ayon sa tiyahin nito ay wala na talagang balak bumalik pa sa pag-aaral si Choleen. Mula pagkabata nito ay ang tiyahin niyang si Martha na ang tumayong magulang kay Choleen. Mula ng maaga itong naulila sa magulang. Hindi na nagawang mag-asawa ni Aling Martha dahil sapat na sa kaniya ang alagaan si Choleen ang kaso hindi niya ito natutukan ng maayos dahil sa trabaho niya bilang katulog. At nang mabalitaan nitong nakipagbasag ulo sa kabilang bayan ay nagdesisyon itong isama si Choleen sa mansion at ipasok bilang katulog. Buong akala ni Choleen ay makakasama niya ang tiyahin niya pero ang nangyare ay dinala siya ni Archer ang anak ni Madamme Violet na magiging amo niya,
Sinama siya nito sa Miera Grande isa sa pagmamay-aring resort ng mga Morris. Doon nagsimulang magbago ang buhay ni Choleen.Akala niya ang pagiging katulog ay taga-linis, taga-luto at taga-laba lang ang ginagawa ang hindi niya inaasahan ay pahihirapan siya ni Archer. Nalaman kasi nito na pasaway at laging suki sa barangay nila itong si Choleen tuwing may gulong nangyayare. Doon niya naranasan na hindi lahat ng taong nakakasalamuha mo ay kaya kang makisamahan ng maayos. Hindi lahat ng makakasalamuha mo ay gan’on din ang tingin sayo kung paano mo sila e-trato. At habang nasa Miera Grande siya ay unti-unti niyang makikilala ang ugaling meron si Archer at madidiskubre nila sa isa’t-isa ang lihim na kahit kailan ay hindi nila pwedeng itago.Isang sekreto na magpapabago ng buhay nilang dalawa.