Matapos tawagan ni Choleen si Marissa ay nagsimula na siyang ihanda ang mga lulutuin. Saktong may stock sa ref. ang mga ingredients sinunod niya ang isinulat niya sa papel gaya ng sinabi ni Marissa sa kaniya. Pasado alas singko na siya ng matapos magluto. Agad na inihanda ang mesa baka ano mang oras ay darating na ang amo niya. Ayaw niyang mapahiya ulit baka sa susunod ay wala na siyang trabaho ayaw naman niyang mangyare iyon. Natapos na siyang maglinis sa kubo, magluto at kung ano-anu pa ang mga dapat gawin. Pero umabot na lang ng alas otso ng gabi ay hindi pa nakabalik ang amo niya hanggang sa makatulog na siya sa kakahintay. Sa kabilang banda ay abala si Archer sa pakikipag-usap sa investor. Luging-lugi na siya sa offer niya dahil sa kapalpakan ng isa mga shareholder nila kaya siya