Pabalik na ng Villa si Archer nang matanaw niyang madilim ang buong paligid. Iniisip niyang iniwan ito ni Choleen nang hindi man lang binuksan ang ilaw. Kaya nagmadali siyang magtungo agad sa villa.
Pero nagtaka siyang hindi naka-lock ang pinto. Kaya ng binuksan niya ito ay laking gulat niya nang makitang nakahandusay sa sahig si Choleen. Wala itong malay.
"Hey, Choleen wake up.." tinapik niya ang mukha nito. Pero nanatiling wala itong malay.
Kinarga niya ito at hiniga sa kama. Pasado alas dyes na pala ng gabi. Tiningnan niya ang buong silid. Sinuri niya ulit, malinis na ito gaya ng utos niya sa dalaga.
Sa isip niya ay napagod ng husto ang dalaga, wala pa itong kain. Kaya agad niyang tinawagan si Marissa na magpahatid ng makakain sa Villa.
Ilang minuto lang ay dumating din Marissa sa Villa.
"Senyorito ito na po ang---" hindi natapos ni Marissa ang sasabihin niya ng makitang nakahiga si Choleen sa kama ng amo.
"Ilapag mo nalang diyan ang pagkain. Kapag nagkamalay na siya ay saka ko siya papakainin."
"Ano po ang nangyare?" tanong ni Marissa sa amo.
"Pinaglinis ko siya ng Villa. Hindi ako nakuntento sa ginawa niyang paglilinis kaya pinaulit ko sa kaniya. Pagbalik ko, nadatnan ko siyang walang malay. Siguro ay dala sa pagod niya at wala pa siyang kain mula kanina." paliwanag ng amo niya.
Gusto pa sana mag-react ni Marissa pero pinili nalang niyang sarilihin ang iniisip.
Hindi naman lingid sa kaalaman niya kung ano ang ugali ni Archer. Nasubaysabayan niya ang paglaki nito. Kaya naman hindi na siya nagtaka pa kung bakit gan'on nalang ang trato nito sa dalaga.
Sa mga dating personal maid nito ay walang nakakatagal sa isang Archer Morris. Bukod sa strikto ito. Mahirap din basahin ang ugali at nasa isip. Minsan paiba-iba, may mga panahon na puro utos ito kahit hindi naman mahalaga ay iuutos. May panahon din na dinadala niya noon ang mga personal maid niya sa mga pupuntahan niya para utusan ng kung ano-anu kahit may secretary naman ito sa office. Sa pagkakaalala ni Marissa ay isang linggo lang ang pinakamahabang nagtagal bilang personal maid ni Archer.
Iniwan na niya ang amo at si Choleen hindi na siya muling nag-usisa pa.
Sa kabilang banda. Hindi pa rin nagkakamalay si Choleen.
"Mukhang hindi ka sanay sa gawaing bahay." sambit ni Archer habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Choleen.
"Mabait ka pero may tinago kang tapang. Hindi ko alam paano mo nagawang sagutin ako kanina ng ganoon." muling bumalik sa alaala niya ang sinabi ng dalaga. Pinagpipilitan kasi nito na malinis na ang silid niya.
Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga. Hanggang sa marating niya ang mapupula nitong mga labi na animo'y nang-aakit.
Marami na siyang babae ang naikama, marami na siyang babaeng natikman. Pero kakaiba ang naramdaman niya nang titigan niya ang dalaga habang nakahiga sa kama niya.
Walang kahit anong salita, dinampian niya ng isang halik ang labi nito. Alam niyang mali ang ginawa niya. Pero hindi niya iyon pinagsisihan.
Ang malambot na labi ng dalaga. Kakaiba iyong pakiramdam na hindi pa niya naramdaman kahit sinong babaeng nahalikan niya.
Isang gabi, ninakawan niya ng halik ang walang malay na dalagang si Choleen.
-
Nang magising si Choleen ay nakita niya si Archer na natutulog sa sofa. Nagtaka siya kung bakit nasa kama siya ng binata. Saka niya naalala ang nangyare. Dahan-dahan naman siyang bumangon para sana lumabas at bumalik sa hotel. Maingat niyang binuksan ang pinto para hindi siya makagawa ng ingay at para hindi magising ang amo.
Tagumpay naman siyang nakalabas. Patakbo siyang nagtungo sa elevator. Tahimik na ang buong paligid. Tanging mga street lights lang ang nagsisilbing liwanag sa labas ng hotel.
Pagdating niya sa kwarto niya bigla siyang nakaramdam ng gutom.
"Hindi pa pala ako kumakain."sambit niya sa sarili sabay hawak sa kumakalam na tiyan.
Muli siyang lumabas at nagtungo sa kusina. Mabuti nalang at may instant na pagkain na naka-stock doon kaya iyon nalang ang kinain niya.
Kinabukasan ay tanghali na nagising si Choleen kaya naman halos mataranta na siya sa pagmamadali. Nagtungo agad siya sa kusina para magluto ng agahan.
Hindi niya malaman kung tama ba ang niluto niya, sinunod lang niya ang nasa recipe. Matapos ihanda ang agahan ni Archer ay bumaba na siya para ihatid ito sa Villa.
Pagpasok pa lang niya sa loob ay agad na bumungad sa kaniya ang amo na naka-upo sa sofa sa maliit na sala nito sa villa. Naka-krus ang dalawang braso nito at seryosong nakatitig sa kaniya.
"Go-good morning po Senyorito. Pa-pasensya na po tanghali na po ako nagising. Pasensya po hindi na po mauulit." Nauutal niyang sabi. Hindi siya makatingin ng deretso sa amo nang maalala niya ang ginawa niyang pag-alis kagabi nang walang paalam.
Tumikhim muna ito bago tumayo. Naglakad ito palapit sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang umaatras.
"Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa'kin kagabi, bigla kang umalis na para bang wala kang kasama."
"So-sorry po, mahimbing na po kasi ang tulog niyo kaya hindi na po kita ginising."
"Sa susunod kapag sinabi kong linisin mo ang Villa. Huwag mong tingnan ang maayos na dahil hindi lahat ng maayos ay malinis. Hindi ka ba sinabihan ni Marissa na ayoko sa makalat at hindi malinis."
Nagsimula ng manermon si Archer sa kaniya.
"Si-sinabihan po."
"Sige na lumabas ka muna maliligo ako. Pagkatapos ko ay maglinis ka dito. Mamayang hapon ay sumama ka sa'kin pupunta akong kabilang bayan. May ipapagawa ako sayo."
Tumango nalang siya sa sinabi ng amo. Saka lumabas ng silid.
Nag-antay lamang siya sa labas.
"Kung hindi ka lang talaga gwapo baka kinakarate na kita." nang-gigil niyang sabi.
"Sinong kinakausap mo diyan?"
"Ay kabayong bakla.." gulat niyang sabi saka nilingon ang amo.
"Ginulat niyo naman po ako. Pasensya na po."
"Aalis muna ako, linisin mo ang banyo paki-labhan na rin ng mga damit ko. Pagbalik ko ay aalis tayo. Siguraduhin mong malinis na ang banyo pagka-uwi ko. Maliwanag?" tumango lang siya bilang sagot.
Pumasok na siya sa loob at dumiretso sa banyo.
"Kalalaking tao masyadong maarte. Anong klaseng linis ba ang gusto niya eh malinis na nga ang kwarto niya anong gusto niya pakintabin ang buong kwarto para madulas siya kapag pumasok dito. Nakakainis talaga ang lalaking iyon." pagmamaktol niya sa sarili.
Hindi niya maitago ang inis kay Archer dahil sa panay nitong utos sa kaniya. Kahit malinis na ay pinapalinis ulit sa kaniya.
Ayaw naman niya mapahiya ang tiyahin niya kaya kahit ayaw niya ay pinipilit nalang niya ang sarili niyang gawin ang utos ng amo niya.
Nang matapos siya ay bumalik muna siya sa hotel para mag-ayos sa sarili gaya ng sabi ni Archer ay isasama siya nito sa kabilang bayan.
Bandang alas dos ng hapon nang makabalik si Archer sa villa. Agad niyang tinawagan si Choleen ng malamang wala ito sa villa.
"Nasaan ka?"
"Saglit lang po Senyorito nagbibihis pa po ako. Papunta na po ako riyan."
Nagmadaling kumilos si Choleen dahil paniguradong masesermonan na naman siya kapag pinaghintay niya ang amo ng matagal.
Pagkabalik niya sa villa ay sinalubong naman siya ni Archer na may dalang maleta.
"Bumalik ka doon sa hotel magdala ka ng damit. Pang-isang linggo, isasama kita sa kabilang bayan. Bilisan mo para hindi tayo abutan ng dilim sa daan."
Nagmadali siyang bumalik sa hotel para kumuha ng gamit.
"Pambihira, hindi naman agad sinabi na magtatagal pala kami doon sa pupuntahan namin e 'di sana nakapaghanda ako kanina. Hay naku! Nakakainis hindi niya ba naisip na nakakapagod mag-akyat baba mula rito hanggang sa villa pakiramdam ko ay para na akong malalagutan ng hininga. Sobrang nakakahingal. Bwesit talaga, nakakainis."
Walang magawa si Choleen sa pagmamakatol niya dahil isa lamang siyang utusan ni Archer. Hanggang pagmamaktol sa sarili lang ang nagagawa niya. Kahit sobra na siyang maiinis sa amo.
Pagkabalik niya sa villa ay agad niyang nilagay sa sasakyan ng gamit niya.
"Sumakay kana. Nagmamadali ako. Malayo pa ang kabilang bayan dito baka maabutan tayo ng dilim." Aniya sa kaniya ni Archer. Wala naman siyang imik na sumakay deretso sa kotse.
Gaya ng unang sakay niya sa kotse ng amo wala rin siyang imik sasagot lng siya kapag may tinatanong si Archer sa kaniya.
Hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya habang nasa byahe. Mabilis lang talaga siyang makatulog lalo na't pagod o kaya nasa byahe.
"Choleen.." Napaigtad siya ng maramdaman na may humawak sa kaniya.
"Nandito na tayo bumaba kana diyan at ibaba mo ang mg gamit natin." nataranta naman siyang lumabas ng kotse.
Muli siyang namangha sa nakita niya. Para lang siyang nasa Miera grande. Mas maganda lang ng Miera grande kaysa dito. Mas malaki din ang Miera grande kumpara sa lugar na ito.
"WELCOME TO SIERA GRANDE"
Iyan ang nakalagay sa labas ng resort. May hotel din pero hindi pa ito tapos. Maganda ang buong paligid may mga maliliit na bahay kubo sa gilid sa isip ni Choleen ay para itong mini Villa gaya ng tirahan ni Archer sa Miera grande. May malaki din silang swimming pool. May sariling basketball court kung saan pwedeng maglaro ang mga nagbabalak na magbakasyon sa lugar.
May function hall din ito na pwede pagdausan ng mga event.
"Ah senyorito ano po ang gagawin ko dito?"
"Maglilinis, nakikita mo ang mga kubo na iyan?" Turo niya sa mga maliliit na kubo sa gilid.
Tumango naman siya. "Kailangan mo linisin at ayusin ang mga nasa loob niyan. May bisita akong darating sa byernes para tingnan itong lugar dahil hindi pa tapos ang hotel kaya diyan sa mga kubo na iyan muna sila mananatili pansamantala. Siguraduhin mong malinis ang mga iyan. Iyong isang kubo doon sa may dulo doon mo ilagay ang gamit natin. Dalawa ang kwarto doon sa kanan ang kwarto ko sa kaliwa ang sayo. Kumilos kana. Bukas na bukas din ay mag-uumpisa ka ng maglinis. Maghanda ka na rin ng hapunan natin. Kompleto ang gamit doon sa kubo. Babalik ako mamayang alas syete titingnan ko muna ang construction ng hotel."
Sa haba at dami ng sinabi sa kaniya nalito naman siya alin ang uunahin. Lalo na lulutuing hapunan bukod sa hindi niya nadala ang recipe book kung saan nandoon ang mga pagkain na kailangan ihain sa amo.
"Akala ko naman makakapag-relax na ako. Gagawin pa rin pala akong utusan hanggang dito. Bahala siya hindi ako marunong magluto. Bahala siya kung kakainin niya lulutuin ko o hindi."
Kung ano lang ang nasa loob ng ref ay iyon lang din ang ginamit niya sa pagluto ng hapunan nila.
Sinadya ng hindi sarapan ang niluto dahil sa naiinis pa rin siya kay Archer. Pasok sa panlasa niya ang niluto niya pero nasisiguro niyang hindi ito papasa sa panlasa ni Archer. Ngayon pa lang ay gusto na niyang tumawa dahil naiisip na niya ang magiging istura ng amo niya kapag matikman nito ang niluto niya.