CHAPTER 3

1149 Words
Mula sa kwarto niya binuksan ni Marissa ang Terrace. May daan doon papunta sa kung saan ay hindi niya alam. Sumunod lang siya sa matanda hanggang sa makarating sila sa pinakadulo. Saka lumiko sa kanan. Pumasok sila sa isang pinto doon. "Ito ang kusina. Marunong ka bang magluto?" "Hindi po eh?" "Naku! Kailangan mong matuto hija. Ito pag-aralan mo ang mga nakalagay diyan ang recipe na inihahain namin kay Senyorito. Nandiyan nakalagay mula lunes hanggang byernes. Wala si Senyorito dito ng sabado at linggo. Kaya mahaba ang oras mo ng pahinga. Pero minsan ay buong linggo siyang nandito." Napangiwi naman niyang tinanggap ang recipe book na binigay sa kaniya. "Kailan po ako pwedeng magsimula. Saka saan po papuntang Villa?" "Oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Halika sumunod ka sa'kin." Sa loob ng kusinang iyon ay may elevator. Pumasok sila doon at bumaba sa first floor. "Galing sa kusina. Gamitin mo itong elavator para hindi ka mahirapan dalhin ang pagkain ni Senyorito." aniya, at bumukas ang pinto ng elavator at sabay silang lumabas. "Iyan ang Villa." turo niya sa isang maliit na bahay. Puro puti ang kulang niyon. "Nandyan po ba ang Senyorito?" "Wala siya ngayon umalis agad siya pagkahatid niya sayo dito. Bukas o mamaya pa ang balik niya. Halika tour kita sa loob ng Villa." Ang elevator ay deretso palabas ng hotel. Sa mismong likod niyon ka lalabas. Sa likod ng hotel ay nandoon ang Villa. Naguguluhan man ay sumunod nalang si Choleen kay Marissa. Pinakita nito sa kaniya ang kabuuan ng Villa. "Kung wala si Senyorito dito sa Miera Grande. Huwag mo kalimutan linisin itong Villa. Dito madalas natutulog si Senyorito ayaw niya sa hotel. Masyado siyang nalalakihan sa kwarto niya. Kaya dito siya madalas nagpapahinga. Tandaan mo hija ayaw ni Senyorito ng makalat kahit konting dumi ay huwag mong ipakita sa kaniya." "Naiintindihan ko po Nay." Matapos siyang ilibot sa buong Miera Grande ay bumalik na siya sa kwarto niya. Inasikaso naman niya ang pag-aayos ng gamit niya. Hindi siya sanay gumising ng maaga pero kailangan niya sanayin ang sarili gaya ng bilin sa kaniya ng tiyahin. Matapos maligo. Sinukat niya ang uniporme na binigay sa kaniya ni Marissa. Pareho lang sila ng uniporme dahil si Marissa ang mayordoma ng Hotel Miera at siya naman ang personal maid ni Archer. Agad siyang nagtungo sa kusina. Alas sais pa lang ng umaga ang sabi sa kaniya ni Marissa ay alas otso ang dating ng Senyorito nila. Hindi niya alam ano gagawin hindi siya marunong magluto. Tangging pagprito at simpleng luto lang ang alam niyang gawin. Halos kensi minutos niyang tinitigan ang recipe book hindi niya alam gagawin. "Choleen bakit nakatunganga ka pa dyan. Mamaya ay darating na ang Senyorito magluto kana." napalingon siya nang pumasok si Marissa "Nay paano nga ulit ito gagamitin hindi ko alam paano e-on." napakamot siya sa ulo niya. Parang batang gusto ng maiyak. Hindi kasi siya sanay sa mga mamahaling gamit. Sanay siya nagsisibak ng kahoy para makapagluto. Tinuruan siya ni Marissa paano gamitin ang mga gamit sa kusina. Nang makuha na niya ang tinuro ay nagsimula na siyang magluto. Saktong alas syete siya natapos. Tatlong putahe lang ang niluto niya hindi naman daw gaanong kumakain ng marami ang Senyorito. Agad niyang hinanda ang tray saka nagtungo na sa Villa. Nang matapos niyang ihanda ang mesa, nagpasiya na sana siyang umalis ng biglang lumabas galing sa banyo si Archer. "Hindi ka ba marunong kumatok?" Hindi niya alam alin ang uunahin ang takpan ang mata dahil nakatapis lang ng tuwalya ang amo niya at kitang-kita niya ang magandang katawan nito o ang sagutin ang tinatanong nito sa kaniya. "Ah-- eh.." "Tch! Get out!" Sigaw nito sa kaniya. Dali-dali naman siyang kumaripas palabas. Wari'y hindi malaman ano ang gagawin. Nang makapasok na siya sa elavator saka lang siya huminga ng nalalim. "Diyos ko po! Kinabahan ako d'on ah. Tsah! At siya pa talaga ang nagalit eh siya nga itong nanggugulat. Hindi ba siya marunong magbihis muna bago lumabas ng kwarto." Habol hininga niyang kinakausap ang sarili. Hindi paman siya nakapasok sa kwarto niya ay tumunog na ang telephone na nasa side table ng kama niya. "Hello--" mahina niyang aniya. "Come back here, linisin mo ang Villa." ngayon lang niya narinig ang boses ng Amo niya sa telepono. Hindi agad siya nakasagot, tila ba ay isang musika sa tenga niya ang boses na iyon na kaniyang narinig. "Hey, I said come back here and--" "O-opo nariyan na po." Inis niyang binaba ang telepono. At nagmartsa palabas. "Kung hindi ka lang talaga gwapo naku! Sarap mo kurutin sa singit." Wala sa sarili naman siyang natawa. Wala ng tao sa Villa pagdating niya. Wala na rin ang pagkain na kanina ay hinanda niya. "Ang bilis naman kumain ng lalaking iyon." Sabi niya sa sarili. Hindi naman gaanong malaki ang Villa kaya hindi siya nahirapan linisin iyon. Sumapit ang tanghali natapos na din siyang maglinis. Nagpasya naman siyang bumalik sa hotel para maghanda ng makakain ni Archer. Palabas na siya ng Villa ng makasalubong niya ang Amo niya. "Are you done?" "Opo." "Are you sure you are done clining the whole Villa? Gan'on kabilis mo nilinis ang Villa." Napahawak sa baba niya si Archer at tiningnan siya nito na para bang hindi kumbinsido sa sinabi niya. Suminyas ito sa kaniya na pumasok sa loob. Nakita naman niyang sinuri ni Archer ang buong Villa. Kung malinis na nga ba talaga ito. Bawat sulod ay sinuri nito. Habang siya walang pakealam sa pagsusuring ginagawa ng amo niya. Tiningnan lang niya ang mga painting sa wall habang hinintay matapos ang amo niya. "Linisin mo ulit ang buong Villa." "Po? Eh tapos ko na pong linisin to Senyorito." gustong mainis ni Choleen sa mga oras na iyon. "Ang paglilinis ay hindi lang sa pagwawalis at pagpupunas. Try to look the whole place. Then tell me kung malinis na ba?" "Senyorito, malinis at maayos naman po ah ano pa po ba ang lilinisin ko?" Pasimply itong umupo sa kama. "Ang sabi ko tingnan mo ang buong lugar saka mo sabihin sa'kin na nilinis mo nga ito. Hindi ka aalis at lalabas dito kapag hindi mo nalinis ng maayos ang buong Villa." Kunot-noo niyang tinitigan ang amo. "Ganiyan ka ba maglinis huh? Choleen. Ayusin mula mula sa pinakadulo, pinakasulok ay linisan mo." Gusto na talagang sapakin ni Choleen ang Amo niya. Pero dahil ito ang nagpapasweldo sa kaniya hahayaan muna niya itong pagalitan at pahirapan siya. Iniisip niya na kaya siguro laging iniiwan ng mga personal maid ang amo niya dahil sa kasungitan nito at pagiging strikto. Dumaan ang ilang oras pabalik-balik lang ang ginagawa niyang paglilinis. Magdidilim na, nakaramdam na ng gutom at pagod si Choleen. Parang hindi na niya kaya pa. Palabas na sana siya ng kwarto ng maramdaman niyang nahihilo na siya. Pero Huli na, bigla nalang nagdilim ang buo niyang paligid..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD