Samantala, dumating na sa mansiyon si Aling Martha at Choleen.
"Aling Martha nandiyan na pala kayo." salubong ni Sandra sa kanila.
"Nandiyan ba si Senyorito Archer?"
"Naku Aling Martha maagang umalis. Parang napagalitan yata iyon ni Madam kasi hindi maipinta ang mukha nang umalis e." talaga namang tsismosa itong si Sandra. Nagtanong lang kung nandiyan ba ang amo nila e daig pa ang reporter kung makapaghatid balita.
"Nga pala ito ang pamangkin kong si Choleen magkasing-edad lang kayo. Ipapasok ko siya dito bilang katulong nasabi ko na din naman kay Senyorito ang tungkol sa kaniya."
"Hi Choleen, mabuti naman at may makakasama na akong ka-edaran ko." panunukso niya sa matandang si Martha.
"Tigilan mo ako Sandra. Maglinis ka na nga doon. Baka maabutan pa tayo ni Senyorito rito pareho tayong malalagot."
"Sumunod ka sa akin Choleen doon ka muna sa kwarto ko. Hintayin nalang natin si Senyorito kung saan ka niya e-assign. Tandaan mo ang sinabi ko sa'yo huwag na huwag kang gagawa ng kahit anong pwedeng ikagalit ni Senyorito." paalala ni Martha sa pamangkin.
Matapos ayusin ni Choleen ang mga gamit niya saka siya lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina.
"Tsang? Nandiyan ba kayo?" dahan-dahang pumasok si Choleen sa kusina pero walang tao roon. Gutom na gutom na siya kaya naisip niyang maghanap nalang ng pagkain roon.
Dahil hindi siya marunong magluto, wala siyang choice kundi ang kumain nalang ng pagkaing de lata.
Habang abala siya sa paghahanda ng pagkain niya..
"Sino ka? Paano ka nakapasok sa pamamahay ko!" halos mapatalon naman siya sa gulat.
"Ay hotdog with egg." sambit niya dahil sa gulat saka lumingon. "Ako po ba tinatanong niyo?" palingon-lingon pa siya.
"Sino pa ba? Wala ka naman sigurong ibang nakikitang tao bukod sa akin. Now answer my question, who are you? Paano ka nakapasok dito." seryosong tanong ni Archer. Titig na titig siya kay Choleen sinusuri niya mula ulo hanggang paa.
Sa isip niya mukhang desente naman ito manamit, mukha namang hindi magnanakaw pero bakit nasa loob ito ng pamamahay niya at sa kusina niya ito naabutan kung saan kumukuha ng pagkain.
Magsasalita na sana si Choleen nang biglang pumasok ang tyahin niya.
"Naku! Senyorito pasensya na kayo sa pamangkin ko."agad naman siya nilapitan ni Aling Martha.
"Ahh, siya ho ba iyong sinabi niyong pamangkin na ipapasok niyo bilang katulong?"
"Siya nga po Senyorito, ang totoo niyan ay kanina ko pa po kayo inaantay itatanong ko ho sana kung saan niyo e-aassign si Choleen."
"Sa Miera Grande siya ma-assign Nay Martha. Kailangan ko ng tao doon dahil may bago akong itatayong hotel katabi ng Miera Grande Resort." tumango lang ang matanda.
Nang nasa kwarto na ang mag-tyahin ay saka pinaalam ni Choleen na ayaw niyang malayo sa tyahin niya. Alam niyang malayo ang Miera Grande sa Hacienda Corazon kung saan naroon ang mansiyon ng mga Moris.
"Hindi pwedeng hindi ka pumunta doon. Dadalawin nalang kita tuwing day off ko. Hindi ka naman nag-iisa doon madami kang makikilala at saka sasamahan ka naman ni Senyorito ihahatid ka niya roon. Siya sige na tapusin na natin ang pagligpit ng gamit mo maaga pa kayong aalis. Basta tandaan mo lagi ang bilin ko magpapakabait ka doon."
Gustong maiyak ni Choleen dahil wala na talaga siyang magagawa. Unang kita pa lang niya sa amo niyang si Archer ay nakitaan niya agad ito ng hindi pagkagusto. Iyong tipong hindi paman din siya nagsisimula sa trabaho niya ay pakiramdam niya mahihirapan na siya. Paano pa kaya kung araw-araw niya itong makakasama kasi ang sabi ng tyahin niya ay doon muna mananatili sa Miera Grande ang binata hanggang sa matapos ang proyektong gagawin nito.
Parang ngayon palang ay gusto ng sumuko ni Choleen ay piliin nalang na umuwi sa probinsya nila.
HABANG nasa byahe sila papuntang Miera Grande. Tahimik lang si Choleen bukod sa wala naman siyang sasabihin ayaw din niyang kausapin ang binata. Mula pa kahapon ay hindi pa din niya tanggap na malalayo siya ng tuluyan sa tiyahin niya ayos na sana noon kasi malapit lang ang bahay nila sa Hacienda. Ngayon ay sa Miera Grande na siya mamamalagi at maninilbihan sa mga Moris.
"Bumaba kana nandito na tayo." saka pa lang nilingon ni Choleen si Archer.
Nauna itong bumaba sa kaniya sumunod naman siya. Nakita niyang nakabukas na ang likuran ng sasakyan kung saan nakalagay ang mga gamit niya.
"Ma'am ako na po." biglang lumapit sa kaniya ang isang lalaki na naka-uniporme na kulay pulang polo. Lahat ng trabahante ay naka-kulay pulang damit.
"Hayaan mo siyang dalhin ang gamit niya Ramon paki-tawag si Marissa." agad naman umalis sa harapan nila ang lalaking tinawag ni Archer na Ramon.
Pasimply naman niyang nilingon si Archer. Nakasandal ito sa kotse niya ang dalawang kamay nito ay nasa bulsa. Suot ang salamin nito. Namangha naman si Choleen sa unang pagkakataon ngayon lang niya napansin ang magandang mukha ng amo niya.
"Senyorito pinapatawag niyo raw ho ako." sabay lapit ng babaeng medyo may edad na rin sa tansiya niya ay kasing edad lang ito ng tiyahin niya.
"Marissa, siya si Choleen dito na siya magta-trabaho. Ihatid mo siya sa Room 382 ikaw na din magpaliwanag ng mga gagawin niya." utos nito sa kasambahay.
Agad naman sumunod si Choleen kay Marissa. Hinatid siya nito sa silid niya. Habang papunta sila sa kwartong sinabi ni Archer ay pinaliwanag naman sa kaniya ang mga trabahong gagawin niya.
"Ikaw ang magiging personal maid ni Senyorito simula bukas. Ako si Marissa, tawagin mo nalang akong Nanay Rissa iyan ang tawag ng lahat sa'kin."
Tumango lang siya, nakasunod pa rin kay Marissa.
"Ito ang kwarto mo. Katabi ng kwarto ni Senyorito. Kapag tumunog iyang alarm sa may pinto ibig-sabihin tinatawag ka ni Senyorito." tinuro nito ang emergency alarm na nakalagay sa gilid ng pinto. "Kapag nag-ring naman iyang telephone sa gilid ng kama mo sagutin mo konektado iyan sa Office ni Senyorito." dagdag pa ng matanda.
Hindi naman maiwasan mamangha ni Choleen.
Lumaki siyang hindi marangya ang buhay na kinagisnan. Pinalaki siya ng magulang na matutong makontento sa kung ano ang meron. Nang maulila sa magulang. Doon siya nagbago, naging suwail na bata. Napasama sa barkada at tumigil na sa pag-aaral. Hindi siya gaanong nagabayan ng tyahin dahil sa abala ito sa paghahanap buhay para sa kaniya. Lagi din wala ang tyahin. Nabibisita naman siya nito pero hindi madalas.
Sa edad niyang bente tres. Nasanay siyang nagagawa ang lahat ng gusto niya.
"Hija nakikinig ka ba?" natauhan siya bigla ng kalabitin siya ng matanda.
"Ah pasensya na po. Oo nga po pala, ganito ba talaga kaganda ang silid ng mga muchacha dito?" tinaasan naman siya ng kilay ng matandaan. Wari'y hindi inaasahan ang tanong niya.
"Hindi, may sarili kaming kwarto lahat ng katulog ay doon. Ang sayo lang ang naiba. Dahil personal kang kinuha ni Senyorito bilang alalay niya. Ibig kong sabihin kapag nandito si Senyorito sa Miera Grande ikaw ang magsisilbi sa kaniya. Lahat ng iuutos niya ay ikaw ang gagawa."
"As in po lahat? Gaya ng ano po?" para siyang batang ignorante sa mga bagay-bagay.
"Oo hija. Huwag ka rin magreklamo. Ayusin mo ang trabaho mo ayaw ni Senyorito ng makalat lalo na sa gamit niya. Huwag kang papasok sa kwarto niya kung walang pahintulot niya."
"E? Sabi niyo po kapag tumunog iyang alarm ibig-sabihin pinapapunta niya ako sa silid niya gan'on po ba?" nalilito niyang tanong sa matanda.
"Gan'on na nga Hija. Kailangan maaga kang gumising kasi ikaw ang maghahanda ng agahan ni Senyorito. Dalhin mo sa Villa ang pagkain dahil doon siya kumakain lagi."
"Saan po ba iyong Villa Nay?"
"Sa likod nitong hotel. Halika ituturo ko sa'yo ang daan para hindi kana mahirapan bumaba."
Tumango lang siya saka sumunod sa matanda.