CHAPTER 1

1202 Words
"Choleen!" Sigaw ni Aling Martha sa pamangkin. "Tsang naman daig niyo pa nakalunok ng mega phone ang lapit-lapit ko lang kung makasigaw naman kayo. Ano ba kasi iyon?" Napakamot naman siya sa ulo niya na kunwari walang alam. "Ikaw na bata ka kailan ka ba magtitino hah! Diyos ko naman Choleen mamamatay ako ng maaga dahil sa'yo. Huwag kang magsisinungaling sa'kin alam ko ginawa mo kagabi. Ano bang nangyayari sa'yong bata ka hindi naman kita pinalaking ganiyan kung nabubuhay pa siguro ang iyong Ina paniguradong sinabunutan kana niya." halos ganito araw-araw ang scenario nilang mag-tiyahin. Paanong hindi magagalit si Aling Martha nalaman lang naman niya na nakipag-basag-ulo ang pamangkin niya sa may perya sa bayan. Mula ng mamamatay ang mga magulang nito dahil sa aksidente tanging si Aling Martha na ang kumupkop at nagpalaki kay Choleen. Matandang dalaga si Aling Martha hindi na ito nag-asawa pa mula ng inalagaan niya ang pamangkin. Kahit pa sa kabilang ng katigasan ng ulo nito ay mahal na mahal niya ito. "Hindi nga po ako kasali doon. Oo nandoon ako sa perya pero hindi naman ako sumali sa gulo." Pagdadahilan niya. "Ako, huwag mong pinagloloko Choleen kilala kita mula ulo hanggang paa. Ako nagpalaki sayo. Ang mabuti pa ay sumama ka sa'kin doon sa mansiyon ng mga Moris naghahanap sila ng katulong ipapasok kita doon tutal ayaw mo naman mag-aral mas mabuti pang tulungan mo nalang ako sa trabaho kaysa sumama ka sa mga barkada mo na laging nakikipagbasag-ulo." Matagal nang plano ni Aling Martha na ipasok bilang katulong ang pamangkin. Nag-alangan lang si Aling Martha noong una dahil nga sobrang pasaway ng pamangkin niya ay baka kung ano pa ang gawin n'on sa mansiyon kung sakali. Pero ngayon ay desidido na siya para magtino na din ang pamangkin at maiwas sa gulo. "Tsang naman ayoko doon. Sa ugali ni Madamme Violet sa tingin niyo ba tatagal ako doon? Naku Tsang sinasabi ko sa inyo. Alam niyo naman na nakakatakot magalit si Madam violet." minsan na kasi siyang nasita ng donya noong sinama siya ni Aling Martha sa mansiyon. "Wala si Madamme Violet doon nagbakasyon sa Hawaii kasama si Ark." "Tsang naman eh! Dito nalang po ako sa bahay eh sino ang magbabantay dito kung tayong dalawa magta-trabaho sa mansiyon." Pinipilit niyang maghanap ng dahilan para hindi siya isama ng tiyahin sa mansiyon. "Buo na ang desisyon ko Choleen sasama ka sa akin bukas sa mansiyon." Nagmamaktol siyang naglakad papunta sa kwarto niya."Bahala kayo tsang ayoko talaga sumama doon." "Huwag matigas ang ulo mo Choleen. Gusto mo yata mamatay ako ng maaga. Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa'yo." Pasigaw na sabi sa kaniya ni Aling Martha habang nagliligpit ito ng mga gamit niya sa kwarto. "Huwag naman Tsang ang bata ko pa iiwan niyo na ako ulila na nga ako sa magulang eh! Oo na sasama na ako. Nangungunsensya pa kayo eh" wala siyang magawa kahit ayaw niya sumama. Kung hindi lang niya matiis ang tiyahin ay talagang magmamatigas siyang hindi sumama. - MAAGANG umalis ng mansiyon si Archer ng bulabugin siya ng Ina nito. Naka-ilang tawag na ang Ina bago niya sinagot. At gaya ng nakasanayan niya sermon na naman ang narinig niya. Kahit wala sa mansiyon ang Donya ay talagang updated ito sa mga nangyayari kaya wala siyang rason para depensahan ang sarili sa Ina. "Mom, inaantok pa ako mamaya na kayo mamulabog hindi pa nga tumilaok ang manok sermon agad!" Reklamo niya sa Ina sa kabilang linya. "Archer Prye Moris! I'm warning you." alam niyang kapag ganiyan ang sinasabi ng Ina niya ay talagang kailangan na niyang kabahan. Pakiramdam niya tuloy gigisahin siya kahit walang mantika. Pambihira, Inuuna kasi niya ang paglalandi kaysa unahin ang inuutos ng Nanay niyang may lahing amazona. Napilitan tuloy siyang pumasok ng maaga sa opisina. Mag-aala sais pa lang ng umaga nang dumating siya. Sinalubong agad siya ng secretary niyang napa-aga din ang pagpasok. "Maggie anong sched ko today?" Napahinto siya ng 'di nagsalita agad ang sekretarya niya. "Maggie, Nakikinig ka ba?" tanong niya "Yes po ano kasi sir.. nasa office niyo po si Mr.Falcon. Mukhang kailangan niyo yata lumaklak ng baldeng kape sir. Iba ang aura ni Mr. Falcon pagpasok niya e." sabay kamot ni maggie sa ulo niya nag-aalangan pa ito. Nagtataka naman siya kung bakit napaka-aga ni Mr. Falcon pumunta sa office niya pero naalala niya na kanina noong tumawag ang nanay niya dahil sa kapalpakang ginawa niya. "No need, ayusin mo nalang ibang schedule ko for today." "Hulaan ko sir, nasermonan na naman kayo ni Madam." kung hindi lang tumagal si Maggie sa kaniya ng ilang taon paniguradong matagal na niyang tinanggal ito sa sobrang daming alam. Daig pa nito ang stalker. Hanggang sa nasanay na lang siya na ginaganoon ni Maggie. Sa halip na sumagot ay tumungo nalang siya sa opisina niya kung saan nandoon si Mr. Falcon. Pagpasok pa lang niya ay madilim na ang mukha ng ginoo sa kaniya. "Mr. Falcon, ang aga niyo yata. Wala naman akong appointment sa'yo ngayong araw sa pagkakaalam ko." "Huwag mo binibilog ang ulo ko Moris, alam mo ano ang pakay ko." Nagpipigil ng inis si Archer. Alam niya kasing matigas din si Mr. Falcon. Hindi ito basta-basta makukumbinsi sa kahit anong idadahilan niya. "Ginagawan ko na ng paraan Mr. Falcon sa katunayan ay may meeting ako later with the other investors. Ibabalik ko ang dapat ay para sa inyo. May new project din ako kaya wala po kayong dapat ipag-alala. About sa shares niyo no worries kayo pa din ang may malaking shares sa lahat ng investors. Sisiguraduhin ko po na malaki ang maibabalik sa inyo. Gaya ng napag-usapan at napagkasunduan natin after six months maibabalik ko na ang pinangako ko." Sinuri niya ang reaksiyon ng matanda. Parang hindi pa din ito kumbinsido. "I need my money now Moris. Mahaba na ang palugit na binigay ko sayo." Matigas nitong sabi sa kaniya. Naikuyom niya ang palad gustong-gusto na niyang suntukin si Falcon. Talagang nagmamatigas ang matanda. Hindi pwedeng hindi niya ito makumbinsi dahil papatayin talaga siya ng nanay niyang amazona kapag hindi niya nagawan ng paraan ang kapalpakan niya. Paano ba naman tinakbo ng isang investor nila ang perang dapat ay ibabalik niya kay Mr. Falcon. Hanggang ngayon ay hinahanap pa nila si Sanchez na siyang nagtakbo ng pera. Masyado niya kasing pinagkatiwalaan si Sanchez na matagal ng nagtatrabaho sa companya nila. Hindi niya alam na may personal na galit pala ito kay Falcon. Hindi niya pinaalam kay Falcon baka lalo lang siyang gipitin. Milyon-milyon ang tinakas na pera ni Sanchez kaya kailangan niyang mabawi at magawan ng paraan para maibalik kay Falcon ang pera. "Just give me six months Mr. Falcon I'll assure you maibabalik ko ng buo ang pera niyo walang labis, walang kulang." "Kung hindi ko lang kaibigan ang lolo mo ay hindi kita pagbibigyan. Pero huli na ito Moris. Kapag hindi mo naibalik ang pera sa akin pasensyahan nalang tayo kukunin ko ang shares mo sa companya sa ayaw mo at gusto. Kapalit iyan kung sakaling hindi mo maibalik ang pera ko within six months." Matapos niya itong makumbinsi nag-iwan pa ito ng pagbabanta. Nasuntok niya ang mesa nang makalabas na si Mr. Falcon. "Isa kang hangal Falcon.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD