At the Third Land: The Land of Swords
Third Person Point of View
Malakas ang tambol ng dalawang lalaki sa kanilang hawak na mga malalaking instrumento. Nakatayo si Jamaicah Ulaah sa dulo ng pasilyo na may mga bato sa gilid.
Padilim na ang kalangitan at nakasindi na ang mga parol sa gilid. Siyam lang silang narooon sa lugar na pagdudulugan ng kasal kasama na ang dalawang lalaking lumilikha ng ingay sa paligid.
Sa isang tabi ay nakatayo si Aero at Makani habang nakatingin kay Jamaicah na papalakad patungo sa dulo ng pasilyo kung saan naghihintay ang kanyang mapapangasawa na si Aelous Ulaah.
Sa gilid ni Aelous ay nakatayo si Sevre at Gaston habang sa gitna naman ay nakatayo ang paring magtatali sa kanilang dalawa.
Nakasuot si Jamaicah ng itim na kimono na may bahid ng kulay ginto kung saan nakikita ang kanyang balikat. Mahaba ito na lagpas ng kanyang paa at nakasayad sa lupa.
May hawak siyang ilang pirasong mga bulaklak sa kanyang kamay at nakasuot rin siya sa kanyang ulo ng bulaklak na korona.
Habang si Aelous naman ay nakasuot ng simpleng itim na damit mula sa kanyang pang itaas hanggang sa pang – ibaba.
Malalim na huminga si Jamaicah at nagsimulang maglakad. Iniisip na ito na ang araw na itatali na niya ang kanyang sarili sa isang lalaki.
Makikipag – isang didbib siya sa kapatid ng kanyang minamahal.
Nais niyang tumigil sa paglalakad. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang magpakasal sa kahit na sino bukod kay Alexander ngunit siya na mismo ang pumayag sa kasal na ito.
Siya rin mismo ang humimok kay Aelous na pakasalan siya para sa ikabubuti ng susunod na mga henerasyon ng mga Ulaah.
Humigpit ang pagkakahawak ni Jamaicah sa kanyang hawak hawak na tangkay ng mga bulaklak. Iba ang nasa isipan niya. Iba ang nais ng kanyang puso na pakasalan.
Kung hindi lamang sana nangyari ang digmaan ay masaya siya ngayon at may sarili ng pamilya.
Ngunit malupit ang tadhana sa kanya. Kinuha agad sa kanya ng tadahana ang pinakamahalagang tao sa kanyang buhay. Pinatayan siya ng puso.
Sa kakaisip ni Jamaicah ay hindi niya napansin na nakalapit na siya kay Aelous.
Nagkatitigan silang dalawa. Ang mga asul nilang mga mata ay puno ng lungkot. Iba ang sinisigaw ng mga ito sa dapat. ISang masyang araw dapat ito para sa dalawang taong mag iisang dibdib ngunit sa kanilang dalawa ay isang simpleng araw lamang para sa kanilang mga tungkulin at gampanin.
Kitang kita ni Jamaica ang pagkakamukha ni Aelous at ng yumao niyang minamahal. Iyon nga lang ay mas panlalaki ang mukha ni Aelous pagka’t kuhang kuha nito ang itsura ng ama samantalang kay Alexander na nahaluan ng kalmadong mukha ng kanyang ina.
Kinuha ni Aelous ang kanyang kamay at humarap na sila sa paring magkakasal sa kanila.
Nagpalitan sila ng kanilang mga sumpaan sa harap.
“Simula sa araw na ito, kayo ay ganap ng mag – asawa. Binabati ko kayo, panginoon,” ani ng pari sa kanila. “Maari niyo ng hagkan ang isa’t isa.”
Nakangiti si Makani habang pinagmamasdan ang dalawang taong nag iisang dibdib sa gitna.
“Pagdating ng panahon ay tayo naman ang ikakasal dito, Aero,” ani ni Makani sa kasamang binata. “Hindi na ako makapaghintay sa pagdating ng araw na iyon.”
Tahimik naman na nanonood sa isang tabi ang binata. Pinagmamasdan niya ang dalawa.
Alam niya ang katotohanan na minamahal ni Jamaica hang kanyang isang kapatid ngunit kay Aelous ito nagpakasal. Walang problema sa kanya ito. Sa katotohanan nga ay parang isang normal na bagay lamang sa kanila ang pagpapakasal sa taong hindi nila mahal ngunit pareho nilang ginusto.
“Aero,” tawag ni Makani noong hindi sumagot sa kanya ang binata. “Pakakasalan mo naman ako hindi ba? Ang sabi mo ay walang problema sa iyo kung sino man ang pakakasalan mo pagdating ng panahon kaya naman ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa iyo na ako ang pakasalan mo.”
Napatingin naman si Aero sa dalaga.
“Hindi natin masasabi,” ani ni Aero sa dalaga. “Lumilipas ang panahon at maraming mangyayari. Hindi ko sa iyo mapapangako.”
Nalungkot si Makani noong marinig niya ang mga salitang iyon sa bibig ng binata. Napansin ni Aero iyon.
“Ngunit kung pupwede tayo ay bakit hindi?” dagdag ni Aero sa dalaga.
Hindi pa rin napawi ang lungkot sa mga mata ni Makani kahit na nagsabi ang mga binata ng mga salitang pampagaan ng loob.
“Anong problema?” tanong ni Aero rito. “Iniisip mo ban a may naiibigan akong iba kaya kita tinatangihan?”
Napatawa naman si Aero at napangiti sa kanyang sinabi. Tinitigan siya ni Makani at nakita ni Makani ang lungkot sa mga mata nito kahit na nakangiti ang labi ng binata.
Naisip niya na kung ipapakita niya rito na malungkot siya ay mas dinadagdagan niya lamang ang lumbay ng binata kaya naman inginiti niya ang mga labi.
Hinawakan niya ang mukha ng binata kaya napatigil sa pagtawa si Aero.
“Kung may iibigan ka man,” ani ni Makani sa kanya. “Dapat ako lang. Tandaan mo ito Aero Ulaah, hihintayin kita kahit gaano katagal hanggang sa pakasalan mo ako. Hindi ako magpapakasal sa iba. Sa iyo lang.”
Napatawa ng mahina si Aero sa sinabi ng dalaga. Tinanggal ng binata ang mga kamay ng dalaga sa kanyang mukha.
“Maghunos dili ka,” ani ni Aero kay Makani. “Masyado na atang malalim ang pagtingin mo sa akin at kung ano ano na ang iyong nasasabi. Ang mabuti pa ay sumunod na tayo sa kanila.”
Ang tinutukoy ni Aero ay ang papalabas na sina Aelous at Jamaicah.
Dinaan na lamang ni Makani ang naramdamang sakit sa pag iwas ng binata sa kanyang sinasabi.
Naunang naglakad na sa kanya si Aero kaya napatingin na lamang siya sa likuran nito.
Napagdesisyunan niyang susundin niya ito hanggang sa kanyang huling hininga. Susuportahan niya ito sa likod at gagawin niya ang lahat para protektahan ang binata.
Napayuko si Makani sa kanyang naiisip na hanggang sa likuran na lamang siya ni Aero.
“Ano ang ginagawa mo riyan at nakatayo ka lamang?”
Napa – angat ng tingin si Makani at nakita niyang nakatingin sa kanya si Aero.
Lumawak ang kanyang ngiti ata mabilis na tinahak ang daan patungo sa binata upang sabayan ito sa pagbalik ng kastilyo.
***
Lumipas ang ilang araw at tinahak ng mga dugong bughaw na namumuno sa iba’t ibang lupain ang daan patungo sa ikalawang kalupaan para dumalo sa imbitasyon sa pagdiriwang na gaganapin sa lupain ng mga hari.
Sakay sakay sila ng iba’t ibang karwahe at kabayo. Kasunod nila ang kanilang mga hukbo habang taas taas ang kanilang mga bandera simbolo kung saang lupain at pamilya sila galing.
Araw bago ang kasiyahan sa ikalawang kalupaan ng mga hari.
Isa isa silang nagsidatingan sa may ikalawang kalupaan na kasing kulay ng pilak ang nakataas na bandila na makikita sa kaitaas taasan ng kanilang tirahan. Sa bandila nito ay nakaukit ang isang korona.
Unang dumating ang pamilyang Aragon na may moradong bandila na ang disenyo ay dragon. Ang nagtataglay ng elementong nanalaytay sa kanilang mga dugo.
Ngunit nakasarado muna ang malaking tarangkahan ng ikalawang lupain kaya naman tumigil sa harap ang hukbo nila Gregor Aragon.
Sakay siya ng isang kabayo at nasa likod niya ang karwahe na sinasakyan ng kanyang dalawang anak na babae at kanyang asawa na si Emilia.
Samantala nasa gilid niya ang kanyang mga anak na tatlong lalaki na pawang nakasakay din sa kani – kanilang kabayo.
Sunod na dumating ang Ulaah na ang bandera ay asul at may nakaguhit na tatlong espada simbolo na mula sila sa lupain ng mga talim.
Pinangungunahan ito ni Aelous Ulaah na sakay ng kabayo at ng kanyang asawa na si Jamaicah na nakasakay din sa sarili niyang kabayo.
Pangatlong dumating ang pamilyang Carlsen na may kalimbahin na bandera na nakaukit sa gitna ang bulaklak na patulis ang mga talulot.
Nangunguna dito ang kabayong sinasakyan ni Tyrell Carlsen habang nasa likuran niya ang karwaheng buhat buhat ng mga tao kung saan nakasakay ang kanyang asawa na si Ember La Casa.
Pagkatapos ay halos kasabyan din nilang dumating ang nangunguna sa pamilyang La Casa na si Raciero La Casa.
Kasama nito ang anak na si Kester at ang nakatakdang pakasalan ng kanyang anak na si Adira.
Sakay sakay silang tatlo ng kabayo.
Nakataas ang kanilang bandila na kulay kahel at may disenying ahas sa gitna.
Maya maya pa ay dumating na ang nagrerepresenta ng pamilyang Chevor na may bandilang kulay dilaw. Isang babaeng nakatingala ang disenyo ng kanilang bandila na sumisimbolo ng pinagmamalaki ng kanilang angkan. Ang kagandahan.
Pinangungunahan ni Edward Chevor ang kanilang hukbo. Kasama niya ang kanyan anak na si Efren Chevor at ang asawa nito na si Olivia Blancheuffeur. Hindi nila isinama si Ellysa Chevor na asawa ni Edward pagka’t alam ng mag – ama na magkakaroon ng maiinit na tensyon sa pagitan nito at sa pagitan ng mga La Casa at River.
Hanggang sa kanilang pag – alis kanina ay pinipigilan sila nito.
Sa loob ay naghihintay ang napakaraming mamayan sa kanilang pagparada habang ang hari at reyna pati na ang mga anak nito ay naghihintay sa may bulwagan ng kanilang kaharian.
Napatingin naman ang lalaking nasa itaas ng malaking pader na nagproprotekta sa kabuuan ng ikalawang lupain ng mga hari.
Nakita niya na kumpleto na ang pamilya na kanilang hinihintay kaya naman inutusan nya ang kasamahan na hipan na ang trumpeta simbolo na bubuksan na ang tarangkahan dahil kumpleto na ang kanilang bisita.
Unti unti namang bumukas ang malaking tarangkahan na gawa sa matibay na metal.
Nagsimula silang pumasok doon dala dala ang kanilang mga hukbo.
Malakas na kinalatok ng manunugtog ang kanilang mga tambol habang pumaparada papasok ang mga pamilyang dugong bughaw papalapit sa kaharian nila.
Masaya ang mga tao roon at nagsisigawan habang pinagmamasdan ang mga pumapasok na kanilang panauhin.
Ngayon lang nila nakita ang mga ito sa kanilang tanang buhay at mahirap na masayang nila ang oras na iyon upang makita ang mga ito na sama sama.
Ngayon lang uli nagkaroon ng kasiyahan sa pagitan ng mga lupain kaya naman para sa kanila ay isang malaki at mahalagang araw ang araw na ito.
Tuwang tuwa si Emma habang pinagmamasdan ang mga tao na kumakaway sa kanya habang si Emilia naman ay parang tambol ang dibdib.
Napangiti naman si Adira sa mga tao ngunit nagtataka ang mga ito sa pasa na nasa kanyang mukha.
Habang taas noo naman na pumaparada ang mag ama pati na si Ember na nasa loob ng karwahe.
Diretsong nakatingin lamang sa daraanan ang mga Chevor habang ang mg Ulaah ay walang pinapakitang mga emosyon sa kanilang mga mukha.
Sa may trono ay naghihintay ang hari at reyna pati na ang mga anak nila.