XIII- Ring of Death

1875 Words
At The Land of Birds: The Land of Free Men Third Person Point of VIew Napangiti si Meira nang makita ang napakaraming tao sa lupain ng mga malalayang tao. Iba’t ibang klase ang mga ito. Maraming tao sa bawat kalye at lahat sila ay  nakatuon sa kanila kanilang ginagawa. May mga nakasuot ng mahabang bestida, may mga nakatakip ang mga mukha, may mga batang gusgusin na nagtatakbuhan. Ang kapaligiran ay puno ng ingay mula sa mga tao. Ibang iba sa ikahuling lupain na tanging ihip lang ng hangin ang iyong maririnig. Bilang na bilang mo lang ang mga taong makikita mo roon kaya naman labis siyang namangha noong makita muli ang ganito karaming tao. Nakuha naman ng mga nagniningningan na mga  porselas ang atensyon ni Meira. “Erebus maari ko bang tignan ang kanilang mga paninda?” may galak sa boses na tanong ni Meira sa kanyang kapatid. Hindi sana papayagan ni Erebus ang kapatid dahil may bagay na kailangan silang gawin ngunit naunahan siya magsalita ni Alexander. “Huwag kang mag alala, ako na ang bahala sa kapatid mo. Babantayan ko siya,” sabi ni Alexander kaya napatango na lamang si Erebus sa kanila. “Huwag kayong masyadong lumayo. Masyadong maraming tao,” sabi ni Erebus at tumingin tingin sa paligid saka naglakad habang sila Meira naman ay nagtingin sa mga paninda. “Ang ganda nitong mga ito,” sabi ni Meira at hinawakan ang kakaibang singsing. Ang singsing ay gawa sa pilak. Ang disenyo nito ay tatlong singsing na para sa hinlalaki, palasingsingan at hinliliit ng kamay. Ang mga ito ay pinagdudugtong ng maliit na kadenang may maliliit na kumikanang na bato sa katawan. Ang singsing sa palasinsingan ay may nakalagay na ruby sa gitna. “Sa tingin mo ba magugustuhan ni Erebus ito?” tanong ni Meira kay Alexander habang sinisiyasat ang palamuti sa kamay. “Reregaluhan ko siya ngayong kaarawan niya.” “Oo naman, basta ikaw ang nagbigay ay imposibleng hindi niya ito magustuhan,” sabi ni Alexander sa dalaga. “Be careful your lady, you might get hurt,” sabi ng matandang nagtitinda at kinuha ang hawak hawak ni Meira sa kamay. May pinihit na parte ang matanda sa may baba ng singsing para sa hintuturo at biglang lumabas sa baba ng dalawang singsing ang hindi kahabaan na patalim. Maliit ito pero sapat na para makahiwa ng balat ng isang tao. Nagulat ang dalawa sa nakita. “This is not just an ordinary ring milady. This is a weapon,” sabi ng matanda sa kanya. “Gusto mo ba bilhin ito?” tanong ni Alexander sa kasamang dalaga. Napaisip naman si Meira. Malapit sa panganib ang kapatid niya dahil sa kagustuhan nitong paghihiganti. Naisip niya na padating ng panahon ay magagamit ito ng kanyang kapatid upang ipagtanggol ang sarili. Tumango tango si Meira ‘kay Alexander. “How much?” tanong ni Alexander sa tindera. “Twenty silver coins,” sagot ng matanda sa binata. Medyo may kamahalan pero naglabas pa rin ng pera si Meira. “I’ll take it,” sabi ni Meira at inabot ang pera sa matanda. Binigay naman ng matanda ang singsing kay Meira. “Ikaw ano ang gusto mo? Gusto rin sana kitang bilhanng regalo, Alexander. Alam kong paborito mo ang kulay ng ginto pero mas maganda pa rin kung ikaw ang mamili," ani ni Meira sa binatang katabi. Napangiti naman si Alexander sa narinig hindi niya kasi lubos akalain na bibilhan rin siya ng regalo ng dalaga. Tumingin siya sa mga paninda Habang nagtitingin sila Meira ay naglakad lakad naman si Erebus sa kahabaan ng daan. Wala siyang interes sa mga tinitindang mga kung ano ano. Iisa lang ang pakay niya. Si Shabiri na naninirahan sa sa lupaing ito. Kakailanganin nila ang patnubay at gabay ng babaylan sa pagbawi ng kanilang mga pag aari. Mahaba haba narin ang kanyang nalakad at napalayo na siya sa kanyang mga kasama. Napatigil siya nang may kumislap sa gilid ng kanyang mga mata. Napalingon siya sa pinanggagalingan nito at doon ay natagpuan ng kanyang mga mata ang isang bagay na tunay na kaaya aya kung pagmamasdan. Nakalapag ito sa lamesang nababalot ng pulang tela. Kumpara sa iba ay alam mong naiiba ito. Ang bagay na iyon ay isang palamuti sa buhok. May disenyo itong ibon na gawa sa purong diyamante. Sa kahabaan nito ay may mga nakadisenyo ring mga dyamante na kumiskislap at nakakasilaw gawa ng sinag dito ng araw. Isa lang ang naiisip niya, bagay ito sa kanyang kapatid. Magmumukha itong tunay na prinsesa. Nilapitan niya ito at hinawakan. Tila may hawak kang kayaman. “Do you like it, my Lord?” tanong ng tindera kay Erebus. Ang babaeng nagbabantay ay nasa edad benta pataas pa lamang. Kulay itim ang mga mata nito at masisilip mo ang kapilyuhan sa mga ngiti. Matangos ang ilong nito at bilogan ang mga mata. Masasabi mong maganda ang babae. “I do,” sagot ni Erebus habang sinusuri ang bawat diamante. Sa bawat pag galaw ng palamuti ay kumikinang ito sa bawat sulok/ “Then buy it. I will give you a discount,” sabi ng babae at tumayo sa kinauupuan saka lumapit kay Erebus “It symbolize purity, success and power. Ten gold coins is the original price but I will give it to you for only five gold coins, my Lord,” sabi ng babae sa matamis na boses habang hinahaplos ang binata sa balikat. “If?” tanong ni Erebus na alam na may hihingin kapalit ang tindera sa kanya. “If you wll take me as your wife,” bulong ng babae sa tenga niya habang palihim na kinakapa ang tinatagong mga pera sa bulsa ng binata. Magnanakaw ang babaeng ito. Ninanakawan niya ang mga lalaking bumibili sa kanya sa pamamagitan ng pang aakit nito gamit ang boses, mukha, at katawan. Tinanggal naman ni Erebus ang kamay ng babae kaya nagulat ang dalaga. Hindi tumalab ang pang aakit nito sa binata. Hindi pa siya pumapalya sa ganoong taktika niya. Ngayon pa lamang. “Here’s the ten gold coins. I don’t need a discount,” sabi ni Erebus at ibinagsak sa lamesa ang mga pera saka kinuha ang binili at  itinago ang palamuti ng buhok sa loob ng damit. Napangisi naman ang babae sa natanggap na sagot sa binata. Iba ito sa lahat ng nakasalamuha niya kaya bigla siyang nagkaroon ng interes dito. “You are new herem my Lord?” tanong ng babae kahit alam niyang bago ito rito. Dito siya lumaki kaya mamumukhaan niya agad kapag bago lang sa lupain ang kaharap niya. “None of your business,” sagot ni Erebus. Ayaw niya lamang na magtanong pa ang babae. Tingin niya ay tuso ito at mapanganib. “Oh! An angelic face with a cold heart. If you need help you can approach mem my Lord” sabi ng babae at ngumiti. Hinawakan niya muli sa braso ang binata. “I’m willing to do anything for you since you got my interest.” Tinignan lang siya ni Erebus at tumalikod na saka naglakad paalis.   Ang babae naman ay sinundan ng tingin ang binatang naglalakad palayo. Napangiti at biglang nahamon ang damdamin dahil hindi man lang nagkaroon ng kahit konting interes sa kanya ang dalaga. “I’m NABI!!!” sigaw ni Nabi ‘kay Erebus habang naglalakad ito paalis. “I CAN HELP YOU WITH ANYTHING! COME BACK IF YOU NEED ME!” Hindi naman na sumagot pa si Erebus at naglakad na paalis doon. ***   Napatingin sa bintana ng maliit na gusali si Shabiri. May nararamdaman siyang kakaiba. May nararamdaman siyang awra na hindi pangkaraniwan. Napagpasyahan niyang lumabas upang hanapin kung saan nanggagaling iyon. May hinala siyang isa iyon sa mga hinahanap niya. Tinakpan niya ng puting tela ang buong mukha upang hindi siya makilala ngunit nakasuot parin siya ng puting belo at damit upang malaman ng mga tao na isa siyang babaylan. Paglabas niya ng gusali ay sinalubong siya ng napakaraming tao. May kanya kanyang ginagawa ang mga ito. May mga nagbebenta, bumibili, nagnenegosyo, nagaaway, nagtatakbuhan, nagiinuman at may mga ibang napapatingin sa kanya. Sagrado ang mga babaylan sa paniniwala ng mga tao pero hindi lahat ay naniniwala rito. Napatingin sa kanya ang tatlong mga kalalakihan sa isang gilid. Mga grupo ito ng mga naniningil ng mga buwis sa mga nagtitinda. Nasa pagitan ito ng edad bente singko hanggang trenta. Ang lalaki na nasa gitna ay nagsisigarilyo. Bigotilyo ito at kayumanggi ang  balat. Sa likod nito na dalawang lalaki ay mahahalintulad ang mga itsura sa mga goblin. Lumapit sa kanya ang nasa gitnang lalaki at sumunod naman dito ang  dalawa. “A shaman huh?” aroganteng sabi nung lider nila kay Shabiri. Hindi sana ito papansin ni Shabiri at aalis na lamang ngunit pinaligiran na siya ng tatlo. “Where are you going? We are not  done yet,” sabi ulit ng lalaking nasa gitna. “Boss is this okay? She’s a shaman. I’m afraid that this will bring bad luck to us or she’ll put a curse to us,” bulong na sabi ng nasa kaliwang lalaki. “Shut up! I don’t believe in those f*cking sh*t,” sabi ng lider saka hinatak ang tela na nakatakip kay Shibiri ngunit hiwakan ito ng mahigpit ni Shabiri upang hindi matangal. “LET IT GO WOMAN! LET ME SEE YOUR FACE!” sigaw nung lider ng dalawa. “Stop this,” sabi ni Shabiri ngunit hindi man lang nakitaan ng takot sa mukha ang lider ng mga ito. “I’m not afraid, woman even you burn me alive,” bulong sa kanya ng lider saka ngumisi. “Bring her. We will take her in our Red House. Sure our client will pay high just for this shaman,” dagdag pa nito. Nagaalangan man ay binuhat ito ng dalawa. Nagpapalag naman si Shabiri sa pagkakahawak sa kanya. “Stop! Put me down!” sabi ni Shabiri sa mga ito. “You ugly man. Don’t touch the shaman or she will put a curse on you!” sigaw ng isang lalaki at nagsisigawan narin ang iba. “SHUT UP! OR I’LL KILL YOU ALL!” sigaw ng lider ng dalawa. Nagsitahimikan naman ang lahat. Nanonood naman ang mga tao roon at natatakot na mangielam ang iba. “Bring down the lady or you’ll lose your heads,” sabi ng isang boses ng binata. Napatingin ang mga tao roon pati na ang tatlo. Isang binata ang nakatayo sa isang gilid. Nakasandal ito sa pader ng isang apartamento. Ang mga mata nito ay kulay kahel. Walang iba kundi si Greco La Casa. Nakarating na ito sa lupain ng mga malalayang tao at nadaanan nya ngayon ang mga nanggugulo na mga tao. Narinig niya na isang shaman ang dalagang ginugulo nila kaya naman naisipan niya na rin na makielam upang magtanong dito. “Boss, he is a La Casa,” bulong ng isang kasamahan ng nanggugulo. “He is from the kingdom of fifth land. The land of the kings. He might be one of the son of the current king and queen.” Napatitig naman ang bigotilyong lalaki ‘kay Greco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD