XIV - Cross of the Lines

1820 Words
AT THE LAND OF FREE MEN Third Person Point of View   Nakuha ang atensyon ni Erebus ng mga nagkakagulong tao sa bandang dulo ng kalye. Mula roon ay natatanaw niya ang naglalaban na mga kalalakihan. Mukhang pinagtutulungan ng tatlo ang isa. Napukaw ang mata niya ng isang babaeng nakatayo malapit sa mga naglalaban. Puting puti ang kasuotan nito at nakatakip ng tela ang mukha. Biglang nagtama ang mga mata nila. Sigurado si Erebus na sa kanya nakatingin ang babaeng ito. Biglang tumibok ng mabilis ang puso niya. Kakaiba ang bawat segundong lumilipas. Hindi niya maipaliwanag. Kulay puraw ang mga mata nito. Ibig sabihin ay isa itong babaylan. Baka ito na ang hinahanap nila. Si Shabiri at kung sakaling hindi ito iyon ay baka matulungan sila nito na mahanap ang babaylan. Nagsimula siyang lumakad papunta sa babaeng ito. Mga ilang sentimetro rin ang layo nito sa kanya. Sa bawat paghakbang ng kanyang mga paa ay ang paglakas ng pagtibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya na tila siya kinakabahan sa bawat hakbang na ibinibigay. “Erebus!” Napatigil siya ng may tumawag sa kanya. Napalingon siya sa likuran at nakita sila Meira at Alexander na papalapit sa kanya. Binalik niya ang tingin sa babae ngunit wala na ito sa kinaroroonan nito kanina. Hinanap ito ng mga mata niya ngunit bigo siyang makita ito sa napakaraming tao na kanilang kinatatayuan kanina.   Sa kabilang banda ay hindi makapaniwala si Shabiri sa nakikita. Kilala niya ang lalaking iyon. Kilalang kilala niya. Kahit ilang daang taon na ang lumipas ay hindi niya malilimutan ang itsura ng ginoo. Muling nabuhay ang natutulog niyang pag-asa at muling nanabik ang kanyang puso. Ang mga pulang mata nito ay walang pinagbago. Pulang pula pa rin at napakalamig kung tumingin. Ang bulto nito at ang maladiyos na mukha ay ganon na ganon parin. Siya na siya si Armeo. Nakita niya na humakbang ito pa abante. Hula niya ay balak nitong puntahan siya. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama. Labis siyang nangungulila mula ng mawala ito. Tila bumabagal ang oras niya ngayon. Napatingin siya sa tinignan ng ginoo sa likuran nito ngunit hindi niya natanaw pa ng agad siyang hilahin ng binatang nagtanggol sa kanya kanina. Tumatakbo sila ngayon habang hinahabol ng mga kalalakihan. Mas dumami pa ang mga ito kaysa kanina. Pilit niyang tinanaw ang ginoo kanina ngunit malayo na ang narating nila sa pagtakbo. Hindi niya na matanaw ito. Napakalapit na nito ngunit napalayo pa siya. “Ayos ka lang ba binibini?” tanong ng binata sa kanya ng huminto sila sa pagtakbo Hindi naman agad nakasagot si Shabiri dahil ang ginoo pa rin kanina ang laman ng isipan niya. “Base sa iyong kulay ng mata ay isa kang babaylan. Kung ganoon ay maaari  mo ba akong matulungan bilang kapalit ng pagtulong ko sayo?” tanong ng hinihingal na binata. Napatingin si Shabiri sa binata. Bagay na bagay rito ang kulay ng mata. Bagay na bagay sa malaanghel na mukha ni Greco. “Isa kang maharlika. Ano ang iyong ngalan?” tanong ni Shabiri rito. “Ako si Greco La Casa. Anak ni Haring Devos River at ni Reyna Mercier La Casa,” pagpapakilala ni Greco sa babaylan. “Naparito ako sa lupain upang gawin ang naiatas ng mahal kong hari.” Napatitig naman si Shabiri sa mga mata nito. Kahit itago ng mahika ang tunay na kulay ng mata ng binata ay hindi nito malilinlang ang mata ng babaylan. “Kahanga hanga ang iyong kapalaran prinsipe Greco. Ano ang maitutulong ko sa iyo?” tanong ni Shabiri sa binata. “Maaari mo bang ituro sa akin ang templo na nakatayo sa lupaing ito?” tanong ni Greco rito na hindi na nagpatumpik tumpik pa at diretso na ang tanong. “Ano ang iyong pakay sa templong iyon?” tanong ni Shabiri sa kanya. “Kailangan kong kumuha ng bukal na tubig sa balon ng pinagpala ayon sa paguutos ng aking ama. Kapag nagawa ko iyon ay isusunod niya ako sa apilido niya. Yun lang naman ang aking kagustuhan kaya sana ay matulungan mo ako, babaylan,” sabi ni Greco at hindi maiwasang matuwa sa naiisip. “Ginoo, ang templong hinahanap mo ay nasa pangangalaga ng pinuno ng mga mangkukulam na si Irashiba. Hindi mo gugustuhin na makipagkasundo sa kanya. Sa pagkuha mo ng bukal na tubig sa pinangangalagaan niyang balong pinagpala ay manghihingi siya ng malaking kapalit,” paalala ni Shabiri sa prinsipeng kaharap. “Nakahanda ako sa anumang magiging kapalit. Kaya maari mo na bang ituro sa akin ang daan patungo roon?” tanong ni Greco na walang mababakas na takot. “Hindi ko nais magsayang ng panahon.” “Nais kong sabihin sa iyo na hindi isang River ang nararapat na apilido para iyo. May mga bagay na dapat ka pang malaman. Hindi kulay kahel ang iyong mga mata. Nararamdaman ko ang presensya ng isang tagapangalaga sa iyo,” sabi ni Shabiri sa prinsipe. “Mali ang daang tinatahak mo pagka’t iba ang nakaatas sa iyong kapalaran. Sinasayang mo ang iyong panahon sa bagay na walang kabuluhan para sa prinsipeng katulad mo. Ito ay magiging pabigat lamang sa iyo sa hnaharap.” “Ano ang ibig mong sabihin, babaylan?” naguguluhang tanong ni Greco sa babae. Hindi niya malaman ang ibig sabihin nito. “Kung nais mong malaman ang mga katotohanan ay sumama ka sa akin. Ngunit sa iyong pagsunod ay kalilimutan mo ang misyon mo kung bakit ka narito. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat pagdating natin sa aking tirahan,” sabi ni Shabiri sa prinsipe. “Ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko nais ipagpaliban ang misyon ko. Ito ang dahilan kung bakit ako narito,” tanggi ni Greco sa alok ng babaylan. “Hindi kita mapipilit ginoo. Ngunit mas mabuting huwag ka nang magpatuloy pa sa templo. Dalhin mo ang aking salita upang gantimpla sa pagtulong mo sa akin,” sabi ni Shabiri at hinawakan sa balikat si Greco. May mga salitang binanggit si Shabiri upang bigyang proteksyon ang binata mula kay Irashiba. Maaaring nararamdaman na rin ng mangkukulam ang presensya ng isang tagapangalaga kaya naman inunahan na niya ito. “Ano ang iyong ginawa?” kunot ang noong tanong ni Greco. “Ano ang iyong mga binubulong?” “Binigyan kita ng proteksyon laban sa mga maiitim na mahika. Dapat ay nag iingat ka prinsipe, Greco dahil marami ang nagnanais na kumuha sayo,” paalala ni Shabiri sa prinsipe. “Binigyan lamang kita ng proteksyon upang hindi ka niya mahawakan ngunit walang proteksyon ito sa kung ano mang ibibigay mong kapalit sa kanya.” “Salamat, maari ko bang malaman ang iyong ngalan?” tanong ni Greco sa babaylan. “Ako si Shabiri, ang pinuno ng mga puting babaylan,” sabi ni Shabiri at tinanggal ang tela na nakatakip sa mukha. Nagulat si Greco sa nakita. Kamukhang kamukha nito ang litrato sa librong binasa niya. Walang dudang ito ang babaylang usap usapan sa buong mundo. “Kamangha mangha,” ang tanging nasabi ni Greco. Hindi siya makapaniwala na totoo ang usap usapan sa mga lupain na buhay pa nga ang babaylan na si Shabiri. Magsasalita sana si Shabiri nang marinig nila ang mga nagtatakbuhang mga kalalakihan. Ang mga humahabol sa kanila kanina. “Narito na sila. Magtago ka muna at ilalayo ko sila palayo rito,” sabi ni Greco at tumakbo papunta sa kalalakihan. “Sandali,” Pigil ni Shabiri ngunit tuluyan na itong hinabol ng mga lalaki. Naiwan siya roon habang nakatayo sa may sulok. Nahanap na niya ang isang tagapangalaga. Nasa ilalim na ito ng proteksyon niya siguradong babalik ito sa kanya upang hanapin siya. Napatingin naman siya sa papadilim na kalangitan. Merong mas malakas na presensya pa siyang nararamdaman. Ang lamig na bumabalot sa buong kapaligiran ay paniguradong dahil sa presensyang ito. Ang presensya ng tagapangalaga ng elementong yelo. Isang Valeeryan.           Napahawak si Shabiri sa kanyang dibdib. Si Armeo na ba ang Valeeryan na hinahanap niya? Kailangan niya itong mahanap muli sa pangalawang pagkakataon. Hindi niya inaasahang mawawalay pa siya rito gayong kaharap na niya ang binata. Napapikit si Shabiri upang hanapin ang mga ito ngunit agad din siyang napadilat. Hindi niya nais na sayangin pa ang kanyang kapangyarihan. Hahanapin niya na lamang ito ng mano mano. Darating ang panahon na ang kapangyarihan niya ay magagamit niya ng buong lakas upang tulungan ang mundo at ang magiging kanyang bagong panginoon. Sa paglipas kasi ng panahon kasabay ng pagtanda ni Shabiri ay ang paghina ng kanyang kapangyarihan. Hindi magtatagal at lilisanin niya na rin ang mundo. Hindi magtatagal ay kakailanganin na niyang ipasa sa iba ang kanyang pwesto. Naniniwala naman siya sa kanyang pinapangalagaan na babaylan. Naniniwala siyang kaya nitong makipagsabayan sa kanyang lakas ngunit hindi pa panahon upang ito ay humalili. Kailagan niya pa itong maturuan ng mga bagay bagay. Ano pa nga at darating ang oras na mas mahihigitan na nito ang kanyang lakas. Napatingin si Shabiri kung saan nagtungo ang prinsipe Greco. Nakita niya ang kapalaran nito noong hawakan siya sa kanyang kamay. Sa totoo ay walang dapat humawak sa kamay ng isang babaylan pagka’t ipinapakita mo sa kanya ang iyong buong buhay at kapalaran. Isang sagrado rin si Shabiri na hindi dapat mahawakan ng nino man. Nanghina siya bigla sa ginawa ni Greco La Casa. Nabawasan ang  kanyang taglay na kapangyarihan dahil ginamit niya ito ng hindi inaasahan. Naiintindihan niyang hindi siguro naisip ng prinsipe na hindi hinahawakn ang babaylan sa kanyang mga palad. Kasalanan niya rin na hindi siya nagsuot ng tela upang harangan na maidikit ito sa kanino mang balat. Marami siyang nakita sa buhay ni Greco ngunit hindi niya naman nakita ng buo ito dahil binitawan din siya agad ng binata. Maswerte siya na nakita na niya agad ang isang tagapangalaga ngunit nababahala siya dahil sa gagawin ngayon ni Greco. Nababahala siya sa pagpunta nito sa templo ni Irashiba. Alam niyang tuso ang mangkukulam na iyon at hihingi ito ng isang malaking kapalit. Isang kapalit na babagok sa buhay ng sino mang makipag sundo sa kanya. Sana lamang ay pakinggang ng prinsipe ang kanyang payo na huwag na itong ituloy. Tumalikod na si Shabiri at nagsuot ng tela sa kanyang mga kamay upang hindi na mangyari muli ang pangyayari kanina. Hindi niya gustong mabawasan pa muli ang iniipon niyang kapangyarihan. Napatigil siya sa paglalakad noong malakas na humangin. Napahawaka siya sa kanyang dalawang balikat. Nilamig siya sa hangin na iyon na hindi naman dapat. Napatingin siya sa kalangitan at nagbabadya ang isang malakas na ulan. Kailangan niya ng mahanap pa si Armeo upang proteksyunan ito. “Quomodo multa potentia habetis?” bulong ni Shabiri. “Nimis multum fortior. Malo Periculosam nimis.” (Gaano kalakas ang iyong kapangyarihan?) ( Masyadong malakas. Masyadong mapanganib.) Matapos ay muli ng nagpatuloy si Shabiri sa paglalakad at bumalik sa kanyang pinuntahan. Umaasa siyang makikita niya muli roon si Armeo. Malakas ang t***k ng kanyang puso habang binabagtas ang daan pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD