XII- Gifts

1847 Words
Third Person Poin of View “Ang mga maharlika ay kakaiba ang kulay ng mata at ang mga normal na tao ay kulay itim ang mga mata,” sabi ni Meira sa sarili habang binabalik tanaw ang mga itinuro sa kanya ni Alexander sa loob ng labing limang taon. Marami pa siyang hindi alam sa mundo di tulad ng kakambal na si Erebus na marami ng nalalaman. Pitong taon silang dalawa ni Erebus mula ng mangyari ang malaking digmaan at mula noon ay wala na ang mga gurong nagtuturo sa kanila. Nakasakay sila ngayon sa isang kariton na hinahatak ng isang kabayo na patungo sa lupain ng mga malalayang tao. “Ang buong mundo ay binubuo ng walong lupain.Sa unang lupain ay namumuno ang mga Aragon na may mga muradong mata. Sa ikalawang lupain namumuno ngayon ang bagong hari na isang River,”  napatigil si Meira noong lumabas ang mga salitang iyon sa bibig niya. Kilala niya ang lalaking naghahari ngayon. Nakita niya ang lalaki araw bago mangyari ang pagtratraydor sa kanila. Tandang tanda niya pa kung paano tumingin ang mga abong mata nito sa kanya. Punong puno ng lamig. “Sino naman ang namumuno sa ikatlong lupain?” tanong ni Alexander na katabi ni Meira. Napansin ni Alexander ang sandaling pagtigil ni Meira sa pagaaral “Ang mga Ulaah na may mga asul na mata.” sabi ni Meira at napatingin kay Alexander na kanina pa nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganon ang nararamdaman niya sa tuwing napapatingin siya sa mga bughaw na mata nito. Nagkaroon ng katahimikan habang nakatitig ang dalawa sa isa’t isa. Napansin ni Erebus ang bagay na iyon kaya napatikhim siya “Ituloy mo ang iyong pag aaral, Meira” sabi ni Erebus sa malamig na tono. Binawi naman ni Alexander ang tingin niya. Napatingin naman si Meira sa ibang direksyon noong bawiin ng lalaki ang tingin sa kanya. “Sa ika apat na lupain namumuno ang mga Octavin na may mga luntiang mga mata. Sa ikalimang  lupain naman namumuno ang mga La Casa na may mga kahel na mga mata,” muli ay napatigil si Meira sa kanyang pagbikas. Nakita niya ang mga nakakuyom na kamao ni Erebus. Kung meron mang silang mga angkan na hindi malilimutan ay nangunguna roon ang angkan ng mga La Casa na nagtraydor sa kanila. “Sa ikanim na lupain namumuno ang mga Chevor na kulay kunig ang mga mata,” pagpapatuloy ni Meira. Angkan kung saan nagmula ang kanilang ina na si Erissa Chevor. “Kung namumuno ang mga Ulaah sa ikatatlong lupain, ang mga Chevor sa ika anim na lupain, at ang mga Aragon sa ika unang lupain, bakit kailangan nating magtago sa isang abandonadong kaharian ng ikahuling lupain?” tanong ni Meira. “Hindi ko maintindihan. Angkan ni Alexander ang mga Ulaah, pamilya ng ating ina ang mga Chevor at matalik na kaibigan ng ating ama ang pinuno na isang Aragon - ang asawa nito ay isa ring Chevor bakit hindi tayo doon tumuloy?” “Prinsesa, magmula ng mangyari ang digmaan labing limang taon na ang nakakalipas ay wala ng lugar ang mga Valeeryan sa kahit na anong lupain. Sa huling lupain kayo nabibilang. Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng isang tao para lamang sa minimithi nilang kapangyarihan. Hindi mo pa alam kung ano ang kaya nilang gawin para lamang manatiling buhay,” sabi ni Alexander sa dalaga. “Sa panahon ngayon ay mahirap ng magtiwala at mas mabuting tumayo ng mag isa.” “Matalik na kaibigan rin ng dating hari na si Haring Beumont Valeeryan ang hari ngayon na si Haring Devos River pero ano ang ginawa ni Devos? Ano ang nagawa ng pagkakaibigan nila laban sa inggit at kapangyarihan? Wala, prinsesa Meira. Trinaydor niya ang inyong ama kahit na sila ay matalik na magkaibigan pa,” dagdag pa ng lalaki. “Alam mo ba kung ano ang masakit doon Meira? Pagtratraydor, bagay na hindi magagawa sa iyo ng iyong kaaway kundi bagay na magagawa ng sarili mong kakampi. Mga taong akala natin ay ating mga kakampi. Ngayon pa lamang ay sinasabi ko sayo na huwag mong ibibigay sa kahit na sinoman ang iyong pagtitiwala. Aragon? Chevor? Ulaah? Huwag kang magtitiwala, Meira kung ayaw mong makatikim ng lason na mas masakit pa kaysa sa tunay na sugat,” sabi ni Erebus. Sa totoo lang ay medyo nasaktan si Alexander sa sinabi ni Erebus na parang hanggang ngayon ay hindi siya nito pinagkakatiwalaan. Ganyunpaman, ay naiintindihan niya si Erebus. Tama lamang ang sinabi nito. Mahirap magtiwala sa mga tao at matapos ang nangyari sa pamilyang Valeeryan ay mahirap para kay Erebus ang magtiwala. Inilabas naman ni Alexander ang isang maliit na bote na nakabalot ng tela “Malapit na tayo sa ating paroroonan. Oras na para gamitin niyo uli ito,” sabi ni Alexander sa dalawang kaharap niya. Kinuha naman ni Erebus ang bote at pinatakan nito ang kaliwang mata sa isang iglap ay naging itim ang pulang mata nito. “Wag kang mag alala, Alexander. Sa haba ng panahon na kasama ka namin ay nakuha mo na ang buong tiwala ko,” sabi ni Erebus habang pinapatakan ang kanang mata. Napansin niya kasi ang malungkot na mata ni Alexander dahil sa sinabi niya kanina. “Asahan mong hindi ko sisirain iyon,” sabi ni Alexander sa kanyang panginoon. “Dapat lang, dahil sa oras na gawin mo iyon ay ako mismo ang papatay sayom” sabi ni Erebus at ipinikit pikit ang mga matang nilagyan ng gamot. Malamig sa mata ang gamot na nilalagay nila sa mata. Kakaibang gamot ito na kayang ibahin ang kulay ng mga mata ng isang tao. Yun nga lang ay kulay itim lang ang kayang ipalit nito sa kulay ng mga mata ng isang tao. Sino naman ang gugustuhin gawing kulay itim ang kanilang mga mata? Kulay ng mga normal na tao. Mga mahaharlika lang ang gumagamit ng gamot na ito kung sakaling gusto nila magpanggap na normal na tao upang obserbahan ang mga mamayan nila sa labas ng walang nakakapansin. Nawawalan ng saysay ang gamot pagdating ng ikaalas dose ng gabi. Inabot ni Erebus ang bote kay Meira. Inabot naman ito ng dalaga saka pinatakan din nito ang mga mata. “Sino ka? Kaano ano mo ang dalawang ginoo?” tanong ni Erebus kay Meira. “Ako si Meira. Isang manlalakbay. Mga kasamahan ko sila sa paglalakbay,” sagot ni Meira sa kanyang kapatid. “Isa ka bang maharlika?” tanong uli ni Erebus na sinusubok ng kapatid. “Isa lang akong ordinaryong tao na naglalakbay at palipat lipat ng lupain,” sagot uli ng dalaga rito. “Tandaan mo na walang sino man ang pwedeng makaalam sa tunay na katauhan mo. Huwag kang lalayo sa tabi namin, Meira. Mapanganib na lupain ang lupain ng mga malalayang tao,” bilin ni Erebus sa kanyang kapatid. “Nabanggit sa akin ni ginoong Alexander ang taong hahanapin natin sa lupaing iyon. Nabanggit niya rin na ilang daan taon na ang babaeng ito at walang sino man ang nakakakita rito. Siguro ka ba Erebus? Na may Shabiri na patuloy na namumuhay ma pa hanggang ngayon?” hindi siguradong tanong ni Meira sa kapatid. “Naniniwala ka ba kay ama?” tanong ni Erebus kay Meira. “Sa ating ama? syempre naman” sagot ni Meira. “Sinabi niya sakin na hanapin ko si Shabiri bago siya namatay,” sabi ni Erebus dito. Nagulat si Meira sa sinabi nito .Kung ganon ang ama pala nila ang dahilan kung bakit nila hahanapin ang babaylang ito. Pero napakaimposible na may nabubuhay pa na ganon katanda. “P-pero kasi wala namang nabubuhay ng –“ “Meira, kung nagtitiwala kay ay wala ka na dapat pang itanong o sabihin pa,” putol ni Erebus kay Meira. “Mnsan  ay kailangan mo maniwala kahit imposible. Naniniwala ako dahil si ama mismo ang nagsabi nito.” Napayuko naman si Meira at hindi na sumagot sa sinabi ng kanyang kapatid. “Prinsesa, may gusto sana akong ibigay sa iyo,” sabi ni Alexander at may inilabas na isang gintong punyos. May kakaibang burda ito katulad ng burda sa kanyang armas na ibinigay rin sa kanya ni Alexander. Namangha si Meira sa punyos na gawa sa ginto. Kinuha ni Alexander ang kanyang kamay at isinuot sa kanya ang cuff bracelet sa kanya. “Pwede mo itong gawing pangangga kung kinakailangan,” sabi ni Alexander na napangiti na rin dahil sa nakikitang saya sa dalaga. “Napakaganda,” sabi ni Meira habang nakatitig sa punyos na suot suot. “Kumikinang ito sa aking mga mata.” “Bagay sa iyo prinsesa,” sabi ni Alexander. “Bagay na bagay ang ginto para sa isang maganda at maharlikang katulad mo.” Napatingin sa kanya si Meira at muling nagkasalubong ang kanilang mga mata na tila ba mga magnet na mahirap paghiwalayin  kapag nagtama na sa isa’t isa. “Maraming salamat,” sabi ni Meira habang nakangiti at nakatingin pa rin sa binata. Agad namang iniwas ang tingin ni Alexander nang maalala ang isang bagay. “Walang anuman. Regalo ko sa iyo yan dahil ngayon ang inyong kaarawan,” sabi ni Alexander na wala na ang ngiti na kanina ay suot suot nito Napaisip naman si Meira. Nakalimutan niya na kaarawan nila ngayon. Sa haba haba ba naman ng panahon na hindi nila ito pinagdiriwang ay hindi na niya ito maalala pero natutuwa siya na lagi itong naaalala ni Alexander. Sa tuwing sasapit ang kanilang kaarawan ay nagbibigay ito ng regalo sa kanila. Nakatingin sa kanila si Erebus. Kahit hindi niya pa nararanasan ay alam niya ang mga laman ng tinginan ng dalawa. Napabaling na lang ang tingin nito sa ibang dako nang makita ang naging reaksyon ni Alexander. Alam niya ang dahilan kung bakit naging ganoon bigla ang reaksyon ng lalaki. Sa dami rami ng nasasagap niyang balita ay imposibleng hindi niya malaman iyon. “Mayroon rin akong ginawa para sa iyo Erebus,” sabi ni Alexander at inabot niya kay Erebus ang maliit na punyal. Gawa rin ito sa ginto at may mga magagandang burda rin ito/ Inabot ito ni Erebus. “Salamat dito,” sabi ni Erebus at tinignan si Alexander na kay Meira na nakatingin. “Alexander,” tawag ni Erebus na napatingin naman agad sa kanya. “Ipagpaumanhin mo,” sabi ni Alexander at napatingin na lang sa isang dako muli. Hindi maintindihan ni Erebus. Kung may naiwan kang minamahal sa iyong nakaraan  ay imposibleng mahulog ka sa iba dahil lang lagi kayong magkasama. Kung nahulog ka man sa iba ibig sabihin hindi ka buo magmahal. Pero nakita niya na pinipigilan nito ang sarili. Napailing na lamang si Erebus at nahinto sa mga iniisip noong huminto narin ang sinasakyan nila. Nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Sa lupain ng mga malalayang tao. Ito na ang panibagong simula para sa kanilang magkapatid. Ito na ang oras ng kanilang paglalakbay sa iba’t ibang lupain. Ito ang unang hakbang nila upang maisakatuparan ang matagal na nilang mithiin. Ang mabawi ang dapat na sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD