Third Person Point of View
“Mamahinga muna tayo rito,” ani ni Efren kay Sumir na kanyang kamay, at malapit na taga – pagsilbi.
Tumango naman si Sumir, pagkatapos ay pumunta sa mga dala nilang kawal upang magtayo ng mga kulandong tolda na kanilang pagpapahingahan.
“Mahal ko, paano ang iyong ama?” tanong ni Olivia sa kanyang asawa na si Efren. “Naiwan siya sa kaharian ng mga River.”
Napapikit naman ng mariin si Efren. Hindi gustong iwanan ang kanyang ama ngunit kanyang kailangan.
Napakuyom sya ng kanyang kamao habang naiisip ang pagkamatay ng kanyang ama na si Edward.
May masamang naganap sa silid dausan. Alam niya iyon pagka’t yon ang ibinulong sa kanya ng kanyang ama bago ito nalagutan ng hininga.
“Hindi na tayo babalik sa loob ng kaharian, Olivia,” ani ni Efren. “Inutos ng aking ama na tumakbo kami palayo roon pagka’t nanganganib an gaming buhay.”
“Ngunit sino ang gagawa ng katraydurang iyon?” tanong ni Olivia.
“Sino pa ba ang mga kilalang traydor? Ang mga La Casa! Siguradong plinano nila ito ng mabuti,” sagot ni Efren. “Inimbitahan nila ang mga Aragon at mga Chevor upang sabay sabay na patayin. Mga lapastangan!”
Dumilim ang mukha ni Efren maging ang mga kunig na mata ni ay mas tumalim ang tingin.
“Ngunit nalason din ang reyna na si Mercier,” ani ni Olivia. Saksi siya sa mga nangyari. Naunang tumumba ito. “Gagawin ba nila iyon sa sarili nilang kadugo?”
“Malalaman natin,” ani ni Efren. “Ang panahon ang magsasabi ng katotohanan. Pagbabayarin ko ang umaga niyon sa aking ama!”
Nakita ni Olivia ang sakit sa mata ni Efren. Kahit hindi niya ama si Edward ay nasasaktan din si Olivia sa nangyari sa kaharian.
NIyakap ni Olivia ang asawa upang samahan ito sa kanyang pagkalumbay.
“Masyadong malakas ang kanilang loob upang gawin iyon sa harap ng maraming tao,” ani ni Efren na nanginginig ang boses sa galit. “Magbabayad sila! Isa itong pagtataksil, at pagtratraydor sa binuo naming alyansa! Handa akong buwagin ang lahat upang makuha ko ang katarungan para sa aking ama!”
“Pag – isipan mong mabuti ang mga gagawin mong hakbang, aking asawa,” ani ni Olivia saka kumalas sa kanyang pagkakayakap rito. Batid niya sa boses ni Efren ang galit. Puno ito ng galit. Nag – aalala siya sa kung anong pwedeng gawin nito nab aka mabulag ito sa galit. “Huwag kang masyadong magtakip ng galit sa iyong mga mata dahil baka hindi mo makita ang iyong dinaraanan, at mahulog ka sa sarili mong bangin.”
“At ano ang gusto mong gawin ko?!” tanong ni Efrem na batid pa rin sa boses ang siklab ng damdadamin. “Hayaan ko na lamang? Ngumiti ako kahit ako ay namatayan? Ama ko ang pinag uusapan dito! Pinatay nila ang panginoon ng ika – anim na kaharian! Pinatay nila ang isang Chevor! Sa tingin mo ay matatahimik ako? Hindi ako makakaramdam ng galit?”
“Ang sa akin lamang ay ikalma mo muna ang iyong damdamin, mahal ko,” ani ni Olivia. “Upang makapagdesisyon ka ng tama.”
“Panginoon,” tawag ni Sumir na palakad papalapit kila Efren, at Olivia. Kasunod nito ang tatlong Aragon.
Napatingin naman si Efren kay Gregory.
“Nasaan ang iyong ina, at mga kapatid?” tanong ni Efren dito na sinalubong sila.
Sumilip naman mula sa likuran si Olivia.
Tatlo lamang ang dumating na Aragon. Si Gregory, Ermil at Aspen.
“Wala pa sila rito?” gulat na tanong ni Gregory. “Nagkahiwalay kami ng mga landas. Hindi na kami nag – atubiling bumalik pa sa kaharian pagka’t nagkakagulo sa loob, at akala namin ay nakalabas na rin sila ama.”
Napatingin si Efren sa kanyang asawa na si Olivia.
“Maaring naiwan sila sa loob ng kaharian, mahal ko,” alalang ani ni Olivia rito.
“Ihanda mo ang kabayo, Sumir,” utos ni Efren. “Babalik tayo ng kaharian.”
“Ngunit mapanganib,” ani ni Olivia.
“Hindi ko iiwan ang kapatid ko roon,” ani ni Efren. “Kailangan ko silang balikan. Mauna na kayo sa kalupaan natin Olivia.”
Lumapit si Efren sa kanyang nag – aalalang asawa, at idinikit ang noo sa mukha nito.
“Huwag kang mag – alala. Mag iingat ako upang makabalik sa iyo,” ani ni Efren dito. “Isama mo ang tatlong magkakapatid na Aragon.”
Napapikit naman si Olivia. Hinalikan siya ng asawa sa kanyang noo.
“Tara na Sumir,” aya ni Efren.
“Sasama ako,” ani ni Gregory.
Pinagmasdan naman siya ni Efren, at pagkatapos ay nagpatuloy sa kanyang paglakad upang bumalik ng kaharian.
“Maiwan kayo rito,” ani ni Gregory sa kanyang dalawang kapatid, at sumunod kay Efren.
Sumukay sila ng kabayo saka pinatakbo ito pabalik ng kaharian.
Napahawak sa dibdib si Olivia habang pinagmamasdan ang papalayo na asawa. KInakabahan siya.
At The Second Land: The Land of Kings
Third Person Point of View
Nakaluhod ang mga Aragon sa may bulwagan habang nakagapos ang mga kamay sa kanilang likuran.
Kaharap nila si Raciero, at si Devos na nakaupo sa kanyang trono.
“Mahal na haring Devos,”tawag ni Gregor sa hari. “Ano ang ibig sabihin nito? Wala kayong ebidensya upang ganituhin ang aking pamilya! Alam mong hindi ko magagawa ang bagay na iyon sa iyo. Kami ay pinagbibintangan lamang. Iniiipit lang kami ng tunay nating kaaway.”
“Amaya,” ani ni Raciero habang nakatingin kay Amay na nakatayo sa gilid ng poste sa bandang ibaba. “Kamusta ang lagay ng mahal na reynang si Mercier?”
Humarap naman si Amaya sa harapan ng bulwagan kung saan nakaupo ang hari, at nakatayo ang panginoon ng ika limang kalupaan na si Raciero.
“Ikinalulungkot kong ibalita na hanggang sa ngayon ay wala pa ring malay ang reyna,” ani ni Amaya habang nakayuko. “Malubha pa rin ang kanyang kalagayan dahil sa lason na kanyang nainom.”
“Nilason ng mga Aragon, at mga Chevor ang mahal na reyna, ang asawa ng hari!” mariin na sabi ni Raciero. “Saksi ang iyong mga bisita sa kanilang katrayduran sa pagnanais na makuha ang kapangyarihang mayroon ka! Isa itong kasalanan na walang kapatawaran at tanging kamatayan lamang ang nahaharap na kanilang parusa!!”
Nagulat si Emilia, at Gregor sa kanilang narinig.
“Bakit idinidiin mo kami, panginoong Raciero?” tanong ni Gregor sa lalaki. “Isumpa kami ng langit kung tunay na kami ang may sala! Ngunit wala kaming kasalanan! Hindi namin nais ng gulo o digmaan! Pumunta lamang kami rito upang makisalo, at makisiya sa iyong pagdidiwang haring Devos.”
“Mahal na hari,” tawag ni Emilia rito. “Maging ang aking ama ay nasawi sa isang katrayduran. Sa maling tao mo itinutuon ang iyong galit. Ang tunay na may mga sala ay nakatayo lamang sa isang gilid habang pinagmamasdan ang mga Aragon na sumalo ng kanyang mga kasalanan. Inimumungkahi ko na imbstigahan niyo muna itong mabuti! Biktima rin kami! Namatay ang aking ama na si Edward Chevor. Walang dahilan upang patayin namin siya!”
“Ginawa niyo siyang sakripisyo!” madiin na sabi ni Raciero. “Hindi ba tama ako? Upang hindi kayo paghinalaan ay pinatay niyo siya! Tama na ang pagdepensa sa inyong mga sarili! Wala na kayong pagtataguan. Mahal na hari, inimumungkahi ko na kamatayan ang ihatol mo sa kanila.”
Nakatingin si Devos kay Gregor.
“Gregor,” tawag ni Devos. “Panginoon ng ika unang kalupaan. Inaamin mo ba na ikaw ang naglagay ng lason sa among pagkain?”
“Wala akong aaminin,” ani ni Gregor. “Hindi mo sa akin dapat tinatanong iyan. Mali ito, mahal na hari. Mali!”
“Kung aaminin mo ay maari ko pang pagaain ang iyong parusa,” ani ni Devos kay Gregor. “Inaamin mo ba, panginoong Gregor Aragon ng ika unang kalupaan ng mga dragon?”
Tumayo si Emilia sa kanyang pagkakaluhod.
“Hindi mo dapat ginagawa ito sa amin, mahal na haring Devos,” mapait na sabi ni Emilia. “Hindi ito patas!”
“Wala kang karapatan tumayo sa iyong pagkakaluhod!” madiin na sabi ni Raciero. “Dinadagdagan mo lamang ang iyong kasalanan. Parang inaamin mo na rin na ikaw ang may sala.”
Tinulak pababa ng isang kawal si Emilia kaya napaluhod uli ito.
“Ginawa mo ba ito, kataas taasang Emilia upang ipaghiganti ang iyong kapatid na si Erissa?” tanong ni Raciero sa ginang.
“Walang kinalaman ang isang namayapang tao sa bulwagan na ito,” madiin na sabi ni Emilia.
“Huling tanong ko na ito!” mariin na sabi ni Devos sa mga Aragon. “Inaamin niyo ba na kayo ang naglagay ng lason sa pagkain namin?”
Napahinga ng malalim si Gregor. Nawalan na siya ng pag – asa sa hari. Kahit anong sabihin niya ay hindi nito pakikinggan.
“Hindi, mahal na hari,” sagot ni Gregor.
“Tinangka niyong patayin ang buong pamilya ng River,” ani ni Devos at tumayo sa kanyang inuupuan. “Nilason niyo ang reyna na si Mercier. Bilang parusa sa mga Aragon, at Chevor ay hinahatulan ko sila ng kamatayan.”
Napapikit si Gregor sa kanyang narinig.
Napayuko si Emilia sa sinabi ng hari habang si Raciero naman ay napangiti.
“Panandalian niyong ikulong ang mga Aragon,” utos ni Devos sa kanyang mga kawal. “Mananatili sila sa kulungan habang hinihintay ang araw ng kanilang parusa.”
“MAHAL NA HARI!” sigaw ni Emilia habang hinahatak sila ng mga kawal paalis doon.
Pinagmasdan naman ni Gatley si Emma na lumuluha habang dala dala ng isang kawal papunta sa kulungan.
“Tama ang desisyon mo, Haring Devos,” ani ni Raciero habang nakangiti.
Matapos ay umalis na ito sa bulwagan kasabay ng mga taong nanonood kanina.
“Ama,” tawag ni Gatley sa kanyang ama. “Walang kasalanan ang anak sa kasalanan ng kanyang magulang. Nais kong makapangasawa ang kanilang anak na nag ngangalang Emma. Ibibigay mo naman sa akin ang iyong basbas, hindi ba?”
Napatingin si Devos sa kanyang anak dahil sa sinabi nito.
“Nais mong pakasalan ang pangatlong anak ng mga Aragon?” tanong ni Devos. “Tama ka, hindi nga sila kasama sa parusang paghahatol. Sila ay mananatiling bihag hanggang wala pang napagdedesisyunan sa kanilang pupuntahan.”
“Malapit na ang aking kaarawan,” ani ni Gatley sa kanyang ama. “Siya ang gusto kong regalo.”
Hindi na hinintay ni Gatley na sumagot ang kanyang ama at tinalikuran na niya ito. Hindi siya tatanggap ng hindi na sagot sa kanyang hinihinging pabor sa ama.
Unang kita niya palang sa dalaga ay nabihag na nito ang kanyang puso. Nais niya itong pakasalan, at ito ang nais niyang kanyang maging reyna kapag naging hari na siya.
Wala siyang pakielam kung Aragon man o ito basta ang dalaga ang kanyang gusto.
Naglakad siya patungo sa kulungan sa ibabang bahagi ng kanilang kaharian.
Pupuntahan niya si Emma ngayon upang kausapin ito patungkol sa kanyang kagustuhan.
Kahit sa ayaw man nito o hindi ay wala siyang magagawa.
Habang si Greco naman ay nakasandal sa pader habang nakikinig sa usapan sa may bulwagan. Naniniwala siyang walang kasalanan ang mga Aragon.
Iba ang kanyang pakiramdam sa mga nangyari sa pinagdausan ng kanyang ama ng pagdiriwang nito.
Hindi niya pa makita ang kanyang ina pagka’t hindi siya pinapapasok ng mga bantay nito sa may silid.
Umalis na si Greco upang mag imbestiga.